Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 2 Samuel 20

2 Samuel Rango:

65
Mga Konsepto ng TaludtodIbinigay sa mga Tao

Ang usap ay hindi ganyan: kundi ang isang lalake sa lupaing maburol ng Ephraim, si Seba na anak ni Bichri ang pangalan, ay nagtaas ng kaniyang kamay laban sa hari, sa makatuwid baga'y laban kay David: ibigay mo lamang siya sa akin, at aking ihihiwalay sa bayan. At sinabi ng babae kay Joab, Narito, ang kaniyang ulo ay mahahagis sa iyo sa kuta.

171
Mga Konsepto ng TaludtodTrumpetaPugutan ng UloTrumpeta para sa Paghinto ng LabananGrupong Papauwi ng Bahay

Nang magkagayo'y naparoon ang babae sa buong bayan sa kaniyang karunungan. At kanilang pinugot ang ulo ni Seba na anak ni Bichri, at inihagis kay Joab. At kaniyang hinipan ang pakakak at sila'y nangalat mula sa bayan, bawa't tao ay sa kaniyang tolda. At si Joab ay bumalik sa Jerusalem sa hari.

363

At si Ira naman sa Jaireo ay pangulong tagapangasiwa kay David.

367

Si Joab nga ay na sa buong hukbo ng Israel: at si Benaia na anak ni Joiada ay na sa mga Ceretheo at sa mga Peletheo:

419
Mga Konsepto ng TaludtodTagatalaSapilitang Paggawa

At si Adoram ay nasa mga magpapabuwis at si Josaphat na anak ni Ahilud ay kasangguni:

425
Mga Konsepto ng TaludtodTolda, MgaTrumpetaKapal ng MukhaTrumpeta para sa Pagbibigay HudyatHindi Nagbabahagi

At nagkataon, na may isang lalake, na ang pangala'y Seba, na anak ni Bichri, na Benjamita: at kaniyang hinipan ang pakakak, at nagsabi, Kami ay walang bahagi kay David, o anomang mana sa anak ni Isai: bawa't tao ay sa kaniyang mga tolda, Oh Israel.

453
Mga Konsepto ng TaludtodSekretarya

At si Seba ay kalihim: at si Sadoc at si Abiathar ay mga saserdote:

501
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Sumusunod sa mga Tao

Sa gayo'y lahat ng mga lalake ng Israel ay nagsiahong mula sa pagsunod kay David, at nagsisunod kay Seba na anak ni Bichri: nguni't ang mga anak ni Juda ay nagsisanib sa kanilang hari, mula sa Jordan hanggang sa Jerusalem.

520

At siya ay naparoon sa lahat ng mga lipi ng Israel, sa Abel, at sa Beth-maacha, at ang lahat na Berita: at sila'y nangagpisan at nagsiyaon namang kasunod niya.

548
Mga Konsepto ng TaludtodKabahayan, MgaBalo, MgaKawalang PakikipagtalikSampung TaoTauhang Pinauwi ng Bahay, MgaTunay na mga Balo

At dumating si David sa kaniyang bahay sa Jerusalem; at kinuha ng hari ang sangpung babae na kaniyang mga kinakasama, na siyang mga iniwan niya upang magsipagingat ng bahay, at mga inilagay sa pagbabantay at mga hinandaan sila ng pagkain, nguni't hindi sumiping sa kanila. Sa gayo'y nasarhan sila hanggang sa kaarawan ng kanilang kamatayan, na nangamuhay sa pagkabao.

567
Mga Konsepto ng TaludtodKalasag sa DibdibBalutiSinturonKalasag, Sanggalang naTansong Kalasag

Nang sila'y na sa malaking bato na nasa Gabaon, ay sumalubong sa kanila si Amasa. At si Joab ay nabibigkisan ng kaniyang suot na pangdigma na kaniyang isinuot, at sa ibabaw niyaon ay ang pamigkis na may tabak na sukat sa kaniyang mga balakang sa kaniyang kaloban: at samantalang siya'y lumalabas ay nahulog.

568

Nang siya'y alisin sa lansangan, ay nagpatuloy ang buong bayan na nagsisunod kay Joab, upang habulin si Seba na anak ni Bichri.

584
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong NaghahalikanTiwala, PinagtaksilangBalbasKalusuganHalik, MgaPagbatiBuhok sa Mukha

At sinabi ni Joab kay Amasa, Mabuti ba sa iyo, kapatid ko? At hinawakan ni Joab sa balbas si Amasa ng kaniyang kanang kamay upang hagkan niya siya.

606
Mga Konsepto ng TaludtodTrosong PanggibaPagkubkob, MgaPader, MgaPagkubkob sa mga KabundukanMga Tao na Sinasalakay ang Kapwa Nila

At sila'y nagsidating at kinulong nila siya sa Abel ng Beth-maacha, at sila'y nagtindig ng isang bunton laban sa bayan, at tumayo laban sa kuta: at sinasaksak ang kuta ng buong bayan na kasama ni Joab, upang ibuwal.

617

At nagsilabas na hinabol siya ng mga lalake ni Joab, at ang mga Ceretheo at ang mga Peletheo, at ang lahat na makapangyarihang lalake; at sila'y nagsilabas sa Jerusalem, upang habulin si Seba na anak ni Bichri.

625
Mga Konsepto ng TaludtodEspirituwal Ina, MgaPagiging Ina

Ako'y doon sa mga tahimik at tapat sa Israel: ikaw ay nagsisikap na gumiba ng isang bayan at ng isang bayan at ng isang ina sa Israel: bakit ibig mong lamunin ang mana ng Panginoon?

631
Mga Konsepto ng TaludtodPagpaslang, Nagtagumpay naPagtataksilTiyanKaloobanBahagi ng KatawanBitukaPagpatay sa mga Kilalang Tao

Nguni't si Amasa ay hindi nagingat sa tabak na nasa kamay ni Joab; sa gayo'y sinaktan siya sa tiyan, at lumuwa ang kaniyang bituka sa lupa, at hindi na siya inulit pa; at siya'y namatay. At si Joab at si Abisai na kaniyang kapatid ay humabol kay Seba na anak ni Bichri.

633
Mga Konsepto ng TaludtodMuogLungsod na Pinaliligiran ng mga MuogMga Taong Maaring Gumagawa ng Masama

At sinabi ni David kay Abisai, Gagawa nga si Seba na anak ni Bichri ng lalong masama kay sa ginawa ni Absalom: kunin mo ngayon ang mga lingkod ng iyong panginoon, at habulin ninyo siya, baka siya'y makaagap ng mga bayan na nakukutaan, at makatanan sa ating paningin.

639
Mga Konsepto ng TaludtodHuwag Na Mangyari!

At si Joab ay sumagot, at nagsabi, Malayo, malayo nawa sa akin na aking lamunin o gibain.

648
Mga Konsepto ng TaludtodPagtitipon ng Israel

Nang magkagayo'y sinabi ng hari kay Amasa, Pisanin mo sa akin ang mga lalake ng Juda sa loob ng tatlong araw, at humarap ka rito.

659
Mga Konsepto ng TaludtodMagkapares na mga Salita

Nang magkagayo'y sumigaw ang isang pantas na babae sa bayan, Dinggin ninyo, dinggin ninyo: Isinasamo ko sa inyo na inyong sabihin kay Joab, Lumapit ka rito, na ako'y makapagsalita sa iyo.

665
Mga Konsepto ng TaludtodSinaunang KasabihanTao, Payo ng

Nang magkagayo'y nagsalita siya, na sinasabi, Sinasalita noong unang panahon, na sinasabi, Sila'y walang pagsalang hihingi ng payo sa Abel; at gayon nila tinapos ang usap.

674
Mga Konsepto ng TaludtodHindi GumagalawPagdating sa KapahingahanNilukuban ng DugoTrahedya sa KalyeBangkay ng mga Tao

At si Amasa ay nagugumon sa kaniyang dugo sa gitna ng lansangan. At nang makita ng lalake na ang buong bayan ay nakatayong natitigil, ay kaniyang dinala si Amasa mula sa lansangan hanggang sa parang, at tinakpan siya ng isang kasuutan, nang kaniyang makita na bawa't dumating sa siping niya ay tumitigil.

679
Mga Konsepto ng TaludtodSiya nga ba?

At siya'y lumapit sa kaniya, at sinabi ng babae, Ikaw ba'y si Joab? At siya'y sumagot, Ako nga. Nang magkagayo'y sinabi niya sa kaniya, Dinggin mo ang mga salita ng iyong lingkod. At siya'y sumagot, Aking dinidinig.

683
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Sumusunod sa mga Tao

At tumayo sa siping niyaon ang isa sa mga bataan ni Joab, at nagsabi, Siyang nagpapabuti kay Joab at siyang kay David, ay sumunod kay Joab.

688
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Naantala

Sa gayo'y yumaon si Amasa upang pisanin ang mga lalake sa Juda: nguni't siya'y nagluwa't kay sa panahong takda na kaniyang itinakda sa kaniya.