Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Amos 6

Amos Rango:

16
Mga Konsepto ng TaludtodBulaang TiwalaKasiyahan sa SariliPaglilibang, Katangian at Layunin ngKapayapaan, Paghahanap ng Tao saSeguridadYaong Nasa KaluwaganAbang Kapighatian sa Israel at Jerusalem

Sa aba nila na nangagwawalang bahala sa Sion, at nila na mga tiwasay sa bundok ng Samaria, na magigiting na lalake sa mga pangulong bansa, ng mga pinagsasadya ng sangbahayan ni Israel!

24
Mga Konsepto ng TaludtodPagtigilPigilan ang PagsasayaHumilig Upang KumainPagpapatapon, Mga Tao sa

Sila nga ngayo'y magsisiyaong bihag na kasama ng unang nagsiyaong bihag, at ang kasayahan nila na nagsisihiga ay mapaparam.

36
Mga Konsepto ng TaludtodNakaligtas, Mga WinasakSampung TaoPaanong ang Kamatayan ay Hindi Maiiwasan

At mangyayari, kung may matirang sangpung tao sa isang bahay, na pawang mangamamatay.

42
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos bilang MandirigmaDiyos na Nagagalit sa mga BagayDiyos na Laban sa mga Palalo

Ang Panginoong Dios ay sumumpa sa kaniyang sarili, sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga hukbo: Aking kinayayamutan ang karilagan ng Jacob, at aking kinapopootan ang kaniyang mga palacio; kaya't aking ibibigay ang bayan sangpu ng lahat na nandoon.

66
Mga Konsepto ng TaludtodAng PatayPagiging MahiyainGumagawang MagisaPaghahanda para sa LibingPagpapahayag sa Pangalan ng DiyosMapagpigil na PananalitaKamag-Anak, Kasama rin ang

At pagka itataas siya ng amain, sa makatuwid baga'y ng sumusunog sa kaniya, upang ilabas ang mga buto sa bahay, at sasabihin doon sa nasa pinakaloob ng bahagi ng bahay, May kasama ka pa bagang sinoman? at kaniyang sasabihin: Wala; kung magkagayo'y kaniyang sasabihin: Tumahimik ka; sapagka't hindi natin mababanggit ang pangalan ng Panginoon.

78
Mga Konsepto ng TaludtodPagkawasak ng mga KabahayanKakauntiBasag na mga Bagay

Sapagka't narito, naguutos ang Panginoon, at ang malaking bahay ay magkakasira, at ang munting bahay ay magkakabutas.

80
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapaliban ng TaoPabayaan ang mga Bagay ng DiyosHinahanap na Karahasan

Kayong nangaglalayo ng masamang araw at nangagpapalit ng likmuan ng karahasan;

83
Mga Konsepto ng TaludtodNag-aararoLasonNagbubungkal ng LupaMapait na PagkainWalang Katarungan

Tatakbo baga ang mga kabayo sa malaking bato? magaararo baga roon ang sino man sa pamamagitan ng mga toro? inyo ngang ginagawang kapaitan ang katarungan, at ajenjo ang bunga ng katuwiran,

84
Mga Konsepto ng TaludtodSilid-TuluganSiningGaringKordero

Na nangahihiga sa mga higaang garing, at nagsisiunat sa kanilang mga hiligan, at nagsisikain ng mga batang tupa na mula sa kawan, at ng mga guya na mula sa gitna ng kulungan;

88
Mga Konsepto ng TaludtodBulaang TiwalaWalang Kabuluhang mga BagaySungay, Matagumpay naNagagalak sa Masama

Kayong nangagagalak sa isang bagay na walang kabuluhan na nangagsasabi; Di baga kami ay nagtaglay para sa amin ng mga sungay sa pamamagitan ng aming sariling kalakasan?

94
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos bilang MandirigmaDiyos na Nagliligtas sa Kasalanan at KamatayanMapanggulong Grupo ng mga Tao

Sapagka't, narito, aking ititindig laban sa inyo ang isang bansa, Oh sangbahayan ni Israel, sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga hukbo; at kanilang pagdadalamhatiin kayo mula sa pasukan sa Hamath hanggang sa batis ng Araba.

103
Mga Konsepto ng TaludtodPagpahid ng Langis, KaugalianLangis na PampahidUmiinom ng AlakPagpahid ng Langis sa SariliHindi Tumatangis

Na nagsisiinom ng alak sa mga mankok, at nagsisipagpahid ng mga mainam na pabango; nguni't hindi nangahahapis sa pagdadalamhati ng Jose.

104
Mga Konsepto ng TaludtodLibanganImbensyon, MgaLibanganPagsusulat ng AwitinKompositorAlpaInstrumento, Mga

Na nagsisiawit ng mga pagayongayong awit sa tinig ng biola; na nagsisikatha sa ganang kanilang sarili ng mga panugtog ng tugtugin, na gaya ni David;

113
Mga Konsepto ng TaludtodPakinabang, Mga

Magsidaan kayo sa Calne, at inyong tingnan; at mula roon ay magsiparoon kayo sa Hamath na malaki; kung magkagayo'y magsibaba kayo sa Gath ng mga Filisteo: magaling baga sila kay sa mga kahariang ito? o malaki baga ang kanilang hangganan kay sa inyong hangganan?