Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Amos 7

Amos Rango:

6
Mga Konsepto ng TaludtodPagano, MgaPinatay sa TabakKamatayan ng mga OpisyalesPagpapatapon, Mga Tao saMaruming Bagay, Mga

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Ang iyong asawa ay magiging patutot sa bayan, at ang iyong mga anak na lalake at babae ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak, at ang iyong lupain ay mababahagi sa pamamagitan ng pising panukat; at ikaw ay mamamatay sa isang lupaing marumi, at ang Israel ay walang pagsalang dadalhing bihag mula sa kaniyang lupain.

19
Mga Konsepto ng TaludtodMinamasdan at NakikitaHindi Nagkakait

At sinabi ng Panginoon sa akin, Amos, anong iyong nakikita? At aking sinabi, Isang pabatong tingga. Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon, Narito, ako'y maglalagay ng pabatong tingga sa gitna ng aking bayang Israel; hindi na ako magdadaan pa sa kanila;

26
Mga Konsepto ng TaludtodGiba, MgaSantuwaryoPagkawasak ng mga Gawa ni SatanasDiyos, Espada ng

At ang mga mataas na dako ng Isaac ay magiging sira, at ang mga santuario ng Israel ay mangahahandusay na wasak; at ako'y babangon na may tabak laban sa sangbahayan ni Jeroboam.

37
Mga Konsepto ng TaludtodBulaang Paratang, Halimbawa ngSabwatan, MgaPag-uusig, Uri ngAkusa, Halimbawa ng mga BulaangHindi Mapagtitiisang mga BagaySabwatan

Nang magkagayo'y nagsugo si Amasias na saserdote sa Beth-el kay Jeroboam na hari sa Israel, na nagsasabi, Si Amos ay nagbanta laban sa iyo sa gitna ng sangbahayan ni Israel: hindi mababata ng lupain ang lahat niyang mga salita.

39
Mga Konsepto ng TaludtodTagakitaPropesiya na Binusalan

Sinabi rin ni Amasias kay Amos, Oh ikaw na tagakita, yumaon ka, at tumakas ka sa lupain ng Juda, at doo'y kumain ka ng tinapay, at manghula ka roon:

47
Mga Konsepto ng TaludtodPropesiya na Binusalan

Nguni't huwag ka nang manghula pa sa Beth-el: sapagka't siyang santuario ng hari, at siyang bahay-hari.

48
Mga Konsepto ng TaludtodPagpatay sa mga HariPagpapatapon, Mga Tao sa

Sapagka't ganito ang sabi ni Amos, Si Jeroboam ay mamamatay sa pamamagitan ng tabak, at ang Israel ay walang pagsalang dadalhing bihag mula sa kaniyang lupain.

71
Mga Konsepto ng TaludtodMisyonero, Panawagan ng mgaPanawagan sa Bawat TaoWalang Nagbabantay sa KawanEdukasyon

At kinuha ako ng Panginoon mula sa pagsunod sa kawan, at sinabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay yumaon, manghula ka sa aking bayang Israel.

87
Mga Konsepto ng TaludtodKawalang Katapatan sa DiyosPropesiya na Binusalan

Kaya't ngayo'y dinggin mo ang salita ng Panginoon, Iyong sinasabi, Huwag kang manghula laban sa Israel, at huwag mong ihulog ang iyong salita laban sa sangbahayan ni Isaac:

112
Mga Konsepto ng TaludtodPropeta, Buhay ng mgaSikomoroPuno, MgaMagsasaka, MgaAnak ng mga Propeta, MgaHindi ang Bukod TangiYaong mga Nangangalaga ng KawanPangmamaliitPaaralanPagsasaka

Nang magkagayo'y sumagot si Amos, at nagsabi kay Amasias, Ako'y hindi propeta, o anak man ng propeta; kundi ako'y pastor, at manggagawa sa mga puno ng sikomoro:

114
Mga Konsepto ng TaludtodMaliliit na NilalangHayop, Kumakain na mgaDiyos na Nagpapatawad

At nangyari, na nang kanilang matapos makain ang pananim sa lupain, akin ngang sinabi, Oh Panginoong Dios, isinasamo ko sa iyo, na magpatawad ka: paanong tatayo ang Jacob? sapagka't siya'y maliit.

115
Mga Konsepto ng TaludtodGaringApoy ng Kahatulan

Ganito nagpakita sa akin ang Panginoong Dios: at, narito, ang Panginoong Dios ay tumawag, upang humatol sa pamamagitan ng apoy; at sinupok ang malaking kalaliman, at susupukin sana ang lupain.

121

Ganito siya nagpakita sa akin: at, narito, ang Panginoon ay nakatayo sa tabi ng isang kuta na ang pagkayari ay ayon sa pabatong tingga, na may pabatong tingga sa kaniyang kamay.

131
Mga Konsepto ng TaludtodHindi KaylanmanDiyos, Pagbabago ng Isip ng

Ang Panginoo'y nagsisi tungkol dito, Hindi mangyayari, sabi ng Panginoon.

134
Mga Konsepto ng TaludtodPulubi, MgaPagtigilPigilan ang KasamaanMaliliit na NilalangPangmamaliit

Nang magkagayo'y sinabi ko, Oh Panginoong Dios, itigil mo, isinasamo ko sa iyo: paanong makatatayo ang Jacob? sapagka't siya'y maliit.

138
Mga Konsepto ng TaludtodHindi KaylanmanDiyos, Pagbabago ng Isip ng

Ang Panginoo'y nagsisi tungkol dito: Ito'y hindi rin mangyayari, sabi ng Panginoong Dios.

145
Mga Konsepto ng TaludtodAgrikultura, Mga Kataga saPananimBalang, MgaPanggapasPagkawasak ng mga HalamanUgali sa mga Hari

Ganito nagpakita sa akin ang Panginoong Dios: at, narito, siya'y lumikha ng mga balang sa pasimula ng huling pagsibol ng suwi; at, narito, na siyang huling suwi pagkatapos ng mga gapas para sa hari.