Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Deuteronomio 13

Deuteronomio Rango:

13
Mga Konsepto ng TaludtodPahayag sa Lumang TipanNangaakitNakapanliligaw na Panaginip, MgaPahayag sa Pamamagitan ng Pangitain at Panaginip

Kung may bumangon sa gitna mo na isang manghuhula, o isang mapanaginipin ng mga panaginip, at kaniyang bigyan ka ng isang tanda o kababalaghan,

57
Mga Konsepto ng TaludtodPagiimbestigaUsap-UsapanPananaliksik

Ay iyo ngang sisiyasatin at uusisain, at itatanong na mainam; at, narito, kung magkatotoo at ang bagay ay tunay, na nagawa sa gitna mo ang gayong karumaldumal;

77
Mga Konsepto ng TaludtodBayanPaglipolPagpayag na PatayinAng mga Tao at Hayop ay kapwa Napatay

Iyo ngang susugatan ng talim ng tabak, ang mga nananahan sa bayang yaon, na iyong lubos na lilipulin, at ang lahat na nandoon at ang mga hayop doon ay iyong lilipulin ng talim ng tabak.

98
Mga Konsepto ng TaludtodPandarambongGiba, MgaPagtatatag ng mga LungsodArkeolohiyaSamsam sa DigmaanPagsunog sa mga LungsodLipulin ang Lahi

At iyong titipunin ang buong nasamsam doon, sa gitna ng lansangan niyaon, at iyong susunugin sa apoy ang bayan, at ang buong nasamsam doon, na bawa't putol, ay sa Panginoon mong Dios; at magiging isang bunton ng dumi magpakailan man; hindi na muling matatayo.

141
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Kahabagan ngDiyos na Nagpaparami sa mga TaoDiyos, Magpapakita ng Awa angEmpatya

At huwag kang magsasagi ng bagay na itinalaga sa iyong kamay: upang talikdan ng Panginoon ang kabagsikan ng kaniyang galit, at pagpakitaan ka niya ng kaawaan, at mahabag sa iyo at paramihin ka, na gaya ng isinumpa niya sa iyong mga magulang;

147
Mga Konsepto ng TaludtodTuparin ang Kautusan!

Pagka iyong didinggin ang tinig ng Panginoon mong Dios, na iyong gaganapin ang lahat ng kaniyang mga utos na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, na iyong gagawin ang matuwid sa paningin ng Panginoon mong Dios.

395
Mga Konsepto ng TaludtodLihimNangaakitHindi Kilalang mga Diyus-diyusanIba't ibang mga Diyus-diyusanHinikayat na Sumamba sa Banyagang Diyus-diyusanHuwag Magpakita ng AwaIna, Pagibig sa Kanyang mga AnakMagkapatidIna at Anak na LalakeKamatayan ng isang InaAteismo

Kung ang inyong kapatid na lalake, na anak ng iyong ina, o ang iyong anak na lalake o babae, o ang asawa ng iyong sinapupunan, o ang iyong kaibigan, na parang iyong sariling kaluluwa, ay humimok sa iyo ng lihim, na magsabi, Tayo'y yumaon at maglingkod sa ibang mga dios, na hindi mo nakilala, ninyo o ng iyong mga magulang;

462
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos bilang ManunubosMasamang ImpluwensiyaPamamaraan ng DiyosKadalisayan, Moral at Espirituwal naPaghihimagsik laban sa DiyosSatanas, Mga Kampon niSatanas bilang ManlilinlangNakapanliligaw na Panaginip, MgaBulaang mga Propeta, Pagtanggi saGrupo ng mga AlipinPaglalakad sa Pamamaraan ng DiyosParusang Kamatayan laban sa Bulaang TuroDiyos na Nagpalaya sa Israel mula sa EhiptoPanaginip at mga Bulaang Propeta

At ang manghuhulang yaon o ang mapanaginiping yaon ng mga panaginip, ay papatayin, sapagka't siya'y nagsalita ng panghihimagsik laban sa Panginoon ninyong Dios na naglabas sa inyo sa lupain ng Egipto, at tumubos sa iyo sa bahay ng pagkaalipin, upang iligaw ka sa daan na iniutos sa iyong lakaran mo ng Panginoon mong Dios. Ganito mo aalisin ang kasamaan sa gitna mo.

504
Mga Konsepto ng TaludtodSatanas, Mga Kampon niSatanas bilang Kaaway ng DiyosBayanKasuklamsuklam, Kahatulan ngTumalikod, MgaHindi Kilalang mga Diyus-diyusanIba't ibang mga Diyus-diyusanHinikayat na Sumamba sa Banyagang Diyus-diyusan

Ilang hamak na tao ay nagsialis sa gitna mo, at iniligaw ang mga nananahan sa kanilang bayan, na sinasabi, Tayo'y yumaon at maglingkod sa ibang mga dios, na hindi ninyo nangakilala;

520

Kung iyong maririnig saysayin ang tungkol sa isa sa iyong mga bayan, na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios upang tumahan ka roon, na sasabihin.

548
Mga Konsepto ng TaludtodHindi Kilalang mga Diyus-diyusanIba't ibang mga Diyus-diyusanHinikayat na Sumamba sa Banyagang Diyus-diyusanTao, Natupad Niyang SalitaHuwad na mga Kaibigan

At ang tanda o ang kababalaghan ay mangyari, na kaniyang pagsalitaan ka, na sabihin, Sumunod tayo sa ibang mga dios, na hindi mo nakikilala, at ating paglingkuran sila;

555

Sa mga dios ng mga bayan na nasa palibot ninyo na malapit sa iyo, o malayo sa iyo, mula sa isang dulo ng lupa hanggang sa kabilang dulo ng lupa;

563
Mga Konsepto ng TaludtodBuong PusoBulaang Himala, Katangian ngPagibig sa DiyosNakapanliligaw na Panaginip, MgaHuwag Makinig!Ang Pangangailangan na Ibigin ang DiyosBulaang mga Apostol, Propeta at GuroPaghahanap sa PagibigAng KaluluwaPagsubok, Mga

Ay huwag mong didinggin ang mga salita ng manghuhulang yaon, o ng mapanaginiping yaon ng mga panaginip: sapagka't sinusubok kayo ng Panginoon ninyong Dios, upang maalaman kung iniibig ninyo ang Panginoon ninyong Dios ng inyong buong puso at ng inyong buong kaluluwa.

577
Mga Konsepto ng TaludtodPagsamba sa DiyosPaninindigan sa DiyosMonoteismoPagpipitagan at MasunurinTakot sa PanginoonPagkapit sa DiyosPagsunod sa DiyosMatakot sa Diyos!Tuparin ang Kautusan!

Kayo'y lalakad ayon sa Panginoon ninyong Dios, at matatakot sa kaniya, at gaganap ng kaniyang mga utos, at susunod sa kaniyang tinig at maglilingkod sa kaniya at lalakip sa kaniya.

585
Mga Konsepto ng TaludtodKaparusahan, Legal na Aspeto ngGrupo ng mga AlipinTagubilin tungkol sa PagbatoDiyos na Nagpalaya sa Israel mula sa Ehipto

At iyong babatuhin siya ng mga bato upang siya'y mamatay, sapagka't kaniyang pinagsikapang ihiwalay ka sa Panginoon mong Dios, na naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto, sa bahay ng pagkaalipin.

617
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Nagtatago ng mga TaoHuwag Makinig!Hindi NagkakaitKahabaghabag

Ay huwag mong papayagan siya ni didinggin siya; ni huwag mong kahahabagan siya ng iyong mata, ni patatawarin, ni ikukubli:

656
Mga Konsepto ng TaludtodPagpayag na PatayinUnang KumilosKamatayan ng isang Kaanib ng Pamilya

Kundi papatayin mo nga; ang iyong kamay ang mangunguna sa kaniya upang patayin siya, at pagkatapos ay ang kamay ng buong bayan.

764
Mga Konsepto ng TaludtodTakot na Darating

At maririnig ng buong Israel, at matatakot, at hindi na gagawa ng anomang kasamaan pa na gaya nito sa gitna mo.