Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Deuteronomio 12

Deuteronomio Rango:

53
Mga Konsepto ng TaludtodAlay, MgaAlayIkapu at Handog

Magingat ka na huwag mong ihahandog ang iyong handog na susunugin sa alinmang dakong iyong makikita:

73

Kundi sa dakong pipiliin ng Panginoon sa isa sa iyong mga lipi ay doon mo ihahandog ang iyong mga handog na susunugin, at doon mo gagawin ang lahat na aking iniuutos sa iyo.

100
Mga Konsepto ng TaludtodPagpatay sa mga Pambahay na HayopMalinis at Hindi MalinisUsa at iba pa.Hayop, Kaluluwa ng mgaUsaKumakain ng Karne

Gayon ma'y makapapatay ka at makakakain ka ng karne sa loob ng lahat ng iyong mga pintuang-daan, ayon sa buong nasa ng iyong kaluluwa, ayon sa pagpapala ng Panginoon mong Dios na kaniyang ibinigay sa iyo: ang marumi at ang malinis ay makakakain niyaon, gaya ng maliit na usa, at gaya ng malaking usa.

124
Mga Konsepto ng TaludtodKalinisan sa PagkainMga Taong Umiinom ng DugoIpinagbabawal na PagkainKumakain ng Karne

Huwag lamang ninyong kakanin ang dugo; iyong ibubuhos sa lupa na parang tubig.

127
Mga Konsepto ng TaludtodTrigoAlakIkapu at Handog

Hindi mo makakain sa loob ng iyong mga pintuang-daan ang ikasangpung bahagi ng iyong trigo, o ng iyong alak, o ng iyong langis, o ng mga panganay sa iyong bakahan o sa iyong kawan, ni anoman sa iyong mga panata na iyong ipananata, ni ang iyong mga kusang handog, ni ang handog na itataas ng iyong kamay:

138
Mga Konsepto ng TaludtodKumakain sa Harapan ng DiyosKumakain, Umiinom at Nagpapakasaya

Kundi iyong kakanin sa harap ng Panginoon mong Dios sa dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios, kakanin mo, at ng iyong anak na lalake at babae, at ng iyong aliping lalake at babae, at ng Levita na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan: at kagagalakan mo sa harap ng Panginoon mong Dios, ang lahat ng kalagyan ng iyong kamay.

143

Ang iyo lamang mga itinalagang bagay na tinatangkilik mo, at ang iyong mga panata, ang iyong dadalhin, at yayaon ka sa dakong pipiliin ng Panginoon:

166
Mga Konsepto ng TaludtodKasuklamsuklamInialay na mga BataPagkamuhiAlay sa Lumang TipanKabanalan ng BuhayPagsamba sa Diyus-diyusan, Masamang Gawain ngPaganong Gawain, MgaKasuklamsuklam, Pagsamba sa Diyus-diyusan ayKasuklamsuklam, Mga Gawain naTao, Pagaalay ngKasuklamsuklam, Sa Diyos ayDiyos na Nagagalit sa mga Bagay

Huwag mong gagawing gayon sa Panginoon mong Dios: sapagka't bawa't karumaldumal sa Panginoon, na kaniyang kinapopootan, ay kanilang ginagawa sa kanilang mga dios; sapagka't pati ng kanilang mga anak na lalake at babae ay kanilang sinusunog sa apoy sa kanilang mga dios.

176
Mga Konsepto ng TaludtodPanginoon, MgaKapabayaanMga Taong Hindi TumatalikodPangalagaan ang Daigdig

Ingatan mong huwag mong pabayaan ang Levita samantalang nabubuhay ka sa iyong lupain.

188
Mga Konsepto ng TaludtodPagkain, Pagpapakahulugan saKumakain ng Karne

Pagka palalakihin ng Panginoon mong Dios ang iyong hangganan, gaya ng kaniyang ipinangako sa iyo, at iyong sasabihin, Ako'y kakain ng karne, sapagka't nasa mong kumain ng karne; ay makakakain ka ng karne, ayon sa buong nasa mo.

192
Mga Konsepto ng TaludtodDugo, Bilang Batayan ng BuhayMga Taong Umiinom ng DugoIpinagbabawal na PagkainDugoUsaKumakain ng KarnePagaalis ng mga Tao sa iyong Buhay

Lamang ay pagtibayin mong hindi mo kakanin ang dugo: sapagka't ang dugo ay siyang buhay; at huwag mong kakanin ang buhay na kasama ng laman.

194
Mga Konsepto ng TaludtodBulaang RelihiyonPakikibahagi sa KasalananPanggagayaMasamang mga KasamahanHindi Tinutuluran ang MasamaPagtatanong ng Partikular na BagayMasamang BitagHuwag Magkaroon ng Ibang diyos

Ay magingat ka na huwag masilong sumunod sa kanila, pagkatapos na sila'y malipol sa harap mo; at huwag kang magusisa ng tungkol sa kanilang mga dios, na magsabi, Paanong naglilingkod ang mga bansang ito sa kanilang mga dios? na gayon din ang gagawin ko.

198

Ito ang mga palatuntunan at mga kahatulan na inyong isasagawa sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon, ng Dios ng iyong mga magulang upang ariin, sa lahat ng mga araw na inyong ikabubuhay sa ibabaw ng lupa.

199
Mga Konsepto ng TaludtodMalayo mula ritoLugar para sa Pangalan ng Diyos

Kung ang dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios na paglalagyan ng kaniyang pangalan ay totoong malayo sa iyo, ay papatay ka nga sa iyong bakahan at sa iyong kawan, na ibinigay sa iyo ng Panginoon, gaya ng iniutos ko sa iyo, at makakakain ka sa loob ng iyong mga pintuang-daan, ayon sa buong nasa mo.

202
Mga Konsepto ng TaludtodPagpipilianKabahayan, MgaPagsamba, Mga Lugar ngBanal na Dako, MgaLugar para sa Pangalan ng Diyos

Kundi sa dakong pipiliin ng Panginoon ninyong Dios sa lahat ng inyong mga lipi na paglalagyan ng kaniyang pangalan, sa makatuwid baga'y sa kaniyang tahanan ay inyong hahanapin, at doon kayo paroroon:

215
Mga Konsepto ng TaludtodPansamantalang Pagpapala, MgaPersonal na ButiSumusunod sa Diyos

Iyong sundin at dinggin ang lahat ng mga salitang ito na iniuutos ko sa iyo, upang magpakailan man ay ikabuti mo, at ng iyong mga anak pagkamatay mo, pagka iyong ginawa ang mabuti at matuwid sa paningin ng Panginoon mong Dios.

217
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na PumapatayPapatayin ng Diyos ang mga Tao

Pagka naihiwalay ng Panginoon mong Dios sa harap mo, ang mga bansa na iyong pinapasok upang ariin, at iyong halinhan sila, at nakatahan ka sa kanilang lupain,

222
Mga Konsepto ng TaludtodKulay, Berde naMatataas na DakoKaburulanPagkawasak ng mga Gawa ni SatanasPagsamba sa mga Puno

Tunay na gigibain ninyo ang lahat ng mga dako, na pinaglilingkuran sa kanilang dios ng mga bansang inyong aariin, sa ibabaw ng matataas na bundok, at sa ibabaw ng mga burol, at sa lilim ng bawa't punong kahoy na sariwa:

224
Mga Konsepto ng TaludtodKaloob, MgaPagpipilianAlay, MgaBanal na Dako, MgaHayop, Natatanging Alay naPaghahatid ng IkapuIpinaguutos ang PagaalayLugar para sa Pangalan ng DiyosIkapu at Handog

Ay mangyayari nga, na ang dakong pipiliin ng Panginoon ninyong Dios na patatahanan sa kaniyang pangalan ay doon ninyo dadalhin ang lahat na aking iniuutos sa inyo; ang inyong mga handog na susunugin, at ang inyong mga hain, ang inyong mga ikasangpung bahagi, at ang handog na itataas ng inyong kamay, at ang lahat ng inyong piling panata na inyong ipinananata sa Panginoon:

228

Huwag mong kakanin yaon; iyong ibubuhos sa ibabaw ng lupa na parang tubig.

230
Mga Konsepto ng TaludtodMalinis at Hindi MalinisUsa at iba pa.Usa

Kung paano ang pagkain sa maliit at malaking usa, ay gayon kakanin; ang marumi at ang malinis ay kapuwang makakakain niyaon.

233
Mga Konsepto ng TaludtodKawalan ng PamahalaanPagsasagawa sa Bagay na MabutiPagsasagawa ng Mahusay

Huwag ninyong gagawin ang ayon sa lahat ng mga bagay na ating ginagawa dito sa araw na ito, na ang magalingin ng bawa't isa sa kaniyang paningin;

239
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Umiinom ng DugoPersonal na ButiIpinagbabawal na Pagkain

Huwag mong kakanin yaon; upang ikabuti mo, at ng iyong mga anak pagkamatay mo, kung iyong gagawin ang matuwid sa paningin ng Panginoon.

244
Mga Konsepto ng TaludtodPagibig, Pista ngPagsamba, Mga Dahilan ngNagagalakKumakain sa Harapan ng DiyosKumakain, Umiinom at Nagpapakasaya

At doon kayo kakain sa harap ng Panginoon ninyong Dios, at kayo'y mangagagalak sa lahat na kalagyan ng inyong kamay, kayo at ang inyong mga sangbahayan kung saan ka pinagpala ng Panginoon mong Dios.

251
Mga Konsepto ng TaludtodDambana ng Panginoon, AngAlay sa Tansong AltarIpinaguutos ang PagaalayKumakain ng Karne

At iyong ihahandog ang iyong mga handog na susunugin, ang laman at ang dugo, sa ibabaw ng dambana ng Panginoon mong Dios: at ang dugo ng iyong mga hain ay ibubuhos sa ibabaw ng dambana ng Panginoon mong Dios; at iyong kakanin ang karne.

254
Mga Konsepto ng TaludtodBato, MgaPagkawasak ng mga Gawa ni SatanasObeliskoPagsunog sa mga Diyus-diyusang mga BagayPangalang BinuraBantayogLipulin ang LahiHinduismo

At iyong iwawasak ang kanilang mga dambana, at inyong pagpuputol-putulin ang kanilang mga haliging pinakaalaala, at susunugin ang kanilang mga Asera sa apoy; at inyong ibubuwal ang mga larawang inanyuan na kanilang mga dios; at inyong papawiin ang kanilang pangalan sa dakong yaon.

257
Mga Konsepto ng TaludtodKaligtasanPagtawid tungo sa Lupang PangakoPanahon ng Kapayapaan

Datapuwa't pagtawid ninyo ng Jordan, at pagtahan sa lupain na ipinamamana sa inyo ng Panginoon ninyong Dios, at pagkabigay niya sa inyo ng kapahingahan sa lahat ng inyong mga kaaway sa palibot, na ano pa't kayo'y tumahang tiwasay;

262
Mga Konsepto ng TaludtodWalang Makalupang Mana

At kayo'y magagalak sa harap ng Panginoon ninyong Dios, kayo at ang inyong mga anak na lalake at babae, at ang inyong mga aliping lalake at babae, at ang Levita na nasa loob ng inyong mga pintuang-daan, sapagka't siya'y walang bahagi ni mana na kasama ninyo.

263
Mga Konsepto ng TaludtodAlay, MgaPanata, MgaHayop, Natatanging Alay naPaghahatid ng IkapuIpinaguutos ang PagaalayIkapu at Handog

At doon ninyo dadalhin ang inyong mga handog na susunugin, at ang inyong mga hain, at ang inyong mga ikasangpung bahagi, at ang handog na itataas ng inyong kamay, at ang inyong mga panata, at ang inyong mga kusang handog, at ang mga panganay sa inyong mga bakahan at sa inyong mga kawan:

316
Mga Konsepto ng TaludtodHindi Tinutuluran ang MasamaNananambahan sa Diyos

Huwag kayong gagawa ng ganito sa Panginoon ninyong Dios.

322
Mga Konsepto ng TaludtodKapahingahanHindi Sumusuko

Sapagka't hindi pa kayo nakararating sa kapahingahan at sa mana, na ibinibigay sa iyo ng Panginoon ninyong Dios.