Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Deuteronomio 15

Deuteronomio Rango:

84
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Nagpapalaya sa mga AlipinPamilya, Pagibig saPagibig at Pamilya

At mangyayari, na kung sabihin niya sa iyo, Hindi ako aalis sa iyo; sapagka't iniibig ka niya at ang iyong bahay, sapagka't kinalulugdan mo siya;

155
Mga Konsepto ng TaludtodKagamitanNananatiling HandaMatatalim na mga GamitBinubutasanTuntunin para sa Lalake at Babae

At kukuha ka nga ng isang pangbutas at ibutas mo sa kaniyang tainga sa pintuan, at siya'y magiging iyong alipin magpakailan man. At sa iyong aliping babae man ay gayon din ang iyong gagawin.

350
Mga Konsepto ng TaludtodLimos, Mabuting GawaKatigasang PusoPaniniil, Katangian ngSimpatiyaWalang KabaitanPagbibigay ng PayoHuwag KuripotMga Taong Walang AwaPagtulong sa mga MahirapPagtulong sa Ibang Nangangailangan

Kung magkaroon sa iyo ng isang dukha, na isa sa iyong mga kapatid, na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan sa iyong lupaing ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, ay huwag mong pagmamatigasin ang iyong puso, ni pagtitikuman ng iyong kamay ang iyong dukhang kapatid:

351
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapahalagaAnim na TaonKahirapan

Huwag mong mamabigatin, pagka iyong papagpapaalaming laya sa iyo: sapagka't ibayo ng kaupahang magpapaupa ang kaniyang ipinaglingkod sa iyo sa anim na taon: at pagpapalain ka ng Panginoon mong Dios sa lahat ng iyong ginagawa.

354
Mga Konsepto ng TaludtodPanganayToroTupa na Ginugupitan

Lahat ng panganay na lalake na ipinanganak sa iyong bakahan, at sa iyong kawan ay iyong itatalaga sa Panginoon mong Dios: huwag mong pagagawin ang panganay ng iyong baka, ni huwag mong gugupitan ang panganay ng iyong kawan.

396
Mga Konsepto ng TaludtodBanal na Dako, MgaKumakain sa Harapan ng DiyosPamilya, Unahin ang

Iyong kakanin sa harap ng Panginoon mong Dios taontaon sa dakong pipiliin ng Panginoon, kakanin mo, at ng iyong mga sangbahayan.

410
Mga Konsepto ng TaludtodLumpoHayop, Relihiyosong Gamit sa mgaDungisKaimperpektuhan at Panukala ng DiyosPilay, PagigingBatik, Mga Hayop na may

At kung may anomang kapintasan, na pilay o bulag, anomang masamang kapintasan, ay huwag mong ihahain sa Panginoon mong Dios.

441
Mga Konsepto ng TaludtodIpinagdiriwang na ArawPamamahinga, Taon ngPangaalipin sa Lumang TipanTaon, MgaAnim na TaonMga Taong Nagpapalaya sa mga AlipinAng Kautusan tungkol sa mga Alipin

Kung ang iyong kapatid, na Hebreong lalake o babae, ay ipagbili sa iyo, at maglingkod sa iyong anim na taon; sa ikapitong taon nga ay iyong papagpapaalaming laya sa iyo.

448
Mga Konsepto ng TaludtodMalinis at Hindi MalinisUsa at iba pa.Usa

Iyong kakanin sa loob ng iyong mga pintuang-daan: ang marumi at ang malinis ay kapuwa kakain, na gaya ng maliit na usa at gaya ng malaking usa.

476
Mga Konsepto ng TaludtodMapagbigayMasamang PamumunoMga Utos sa Lumang TipanMahirap na mga TaoPulubi, MgaPagpapautangKahirapan, Sagot saPaghihirap, Kabigatan tuwing mayGinamit Hinggil sa PagbibigayAng MahirapPagtulong sa mga MahirapPagtulong sa NangangailanganPagpapakain sa mga Mahihirap

Sapagka't hindi mawawalan ng dukha sa lupain kailan man: kaya't aking iniutos sa iyo, na aking sinasabi, Bubukhin mo nga ang iyong kamay sa iyong kapatid, sa nagkakailangan sa iyo, at sa dukha mo, sa iyong lupain.

495
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Umiinom ng DugoIpinagbabawal na Pagkain

Huwag mo lamang kakanin ang dugo niyaon; iyong ibubuhos sa ibabaw ng lupa na parang tubig.

554
Mga Konsepto ng TaludtodPamamahinga, Taon ngKaisipanTaon, MgaPagkakansela ng UtangHuwag KuripotMga Taong Nagpapatawad sa IbaMga Taong Walang AwaPagtulong sa mga Mahirap

Pagingatan mong huwag magkaroon ng masamang pagiisip sa iyong puso, na iyong sabihin, Ang ikapitong taon, na taon ng pagpapatawad, ay malapit na; at ang iyong mata'y magmasama laban sa iyong dukhang kapatid at hindi mo siya bigyan; at siya'y dumaing sa Panginoon laban sa iyo, at maging kasalanan sa iyo.

567
Mga Konsepto ng TaludtodMahirap na mga TaoPagpapala sa IsraelLupain bilang Pananagutan ng Diyos

Nguni't hindi magkakadukha sa iyo (sapagka't pagpapalain ka nga ng Panginoon sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios na pinakamana upang iyong ariin),

596
Mga Konsepto ng TaludtodPagiging PinagpalaSama ng LoobPanginoon, MgaHinanakit Laban sa mga TaoBanal, Kanyang Malasakit sa MahirapDiyos, Pagpapalain ngPagbibigayPagbibigay, Balik na

Siya nga'y bibigyan mo, at ang iyong puso'y huwag magdamdam pagka binibigyan mo siya; sapagka't dahil sa bagay na ito'y pagpapalain ka ng Panginoon mong Dios sa lahat ng iyong gawa, at sa lahat ng hipuin ng iyong kamay.

638
Mga Konsepto ng TaludtodNasa PagkakautangPagpapautangKapamahalaan ng mga DisipuloPangungutangPagpapautang at PangungutangPananalapi, MgaSalaping PagpapalaMahal na ArawLipulin ang Lahi

Sapagka't pagpapalain ka ng Panginoon mong Dios, na gaya ng ipinangako niya sa iyo: at ikaw ay magpapautang sa maraming bansa, nguni't hindi ka mangungutang; at ikaw ay magpupuno sa maraming bansa, nguni't hindi ka nila pagpupunuan.

655
Mga Konsepto ng TaludtodUtangMahal na Araw

At ito ang paraan ng pagpapatawad: bawa't may pautang ay magpapatawad ng kaniyang ipinautang sa kaniyang kapuwa; huwag niyang sisingilin sa kaniyang kapuwa, at sa kaniyang kapatid; sapagka't ang pagpapatawad ng Panginoon ay ipinahayag.

707
Mga Konsepto ng TaludtodWalang Lamang Kamay

At pagka iyong papagpapaalaming laya sa iyo, ay huwag mo siyang papagpapaalaming walang dala:

724
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos bilang ManunubosMga Utos sa Lumang TipanGrupo ng mga AlipinPangaalipin

At iyong aalalahanin na ikaw ay alipin sa lupain ng Egipto, at tinubos ka ng Panginoon mong Dios: kaya't iniuutos ko sa iyo ngayon ang bagay na ito.

725
Mga Konsepto ng TaludtodPangangailanganPinagkakautanganPagkagustoBanal, Kanyang Malasakit sa MahirapPagbibigay LimosPagkakawang-GawaMapagkawanggawa

Kundi iyo ngang bubukhin ang iyong kamay sa kaniya, at iyo ngang pauutangin siya ng sapat sa kaniyang kailangan sa kaniyang kinakailangan.

743
Mga Konsepto ng TaludtodBanyaga, MgaKautusan na Nagbabawal sa mga BanyagaUtang

Sa isang taga ibang lupa ay iyong masisingil; nguni't anomang tinatangkilik mo na nasa iyong kapatid ay ipatatawad ng iyong kamay.

788
Mga Konsepto ng TaludtodTuparin ang Kautusan!

Kung iyong didinggin lamang na masikap ang tinig ng Panginoon mong Dios, na isagawa ang buong utos na ito na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito.

820
Mga Konsepto ng TaludtodGiikanAyon sa Bagay-Bagay

Iyo siyang papagbabaunin na may kasaganaan ng bunga ng iyong kawan, at ng iyong giikan, at ng iyong pisaan ng ubas, kung paano ang ipinagpala sa iyo ng Panginoon mong Dios, ay bibigyan mo siya.