30 Talata sa Bibliya tungkol sa Masamang Pamumuno

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Awit 35:10

Lahat ng aking mga buto ay magsasabi, Panginoon, sino ang gaya mo, na inililigtas ang dukha doon sa totoong malakas kay sa kaniya, Oo, ang dukha at ang mapagkailangan sa sumasamsam sa kaniya?

Mangangaral 10:17

Mapalad ka, Oh lupain, kung ang iyong hari ay anak ng mga mahal na tao, at ang iyong mga pangulo ay nagsisikain sa kaukulang panahon, sa ikalalakas, at hindi sa paglalasing!

Deuteronomio 14:28-29

Sa katapusan ng bawa't tatlong taon ay iyong kukunin ang buong ikasangpung bahagi ng iyong bunga ng taong yaon, at iyong ilalagay sa loob ng iyong mga pintuang-daan: At ang Levita, sapagka't siya'y walang bahagi ni mana na kasama mo, at ang taga ibang bayan, at ang ulila, at ang babaing bao, na nangasa loob ng iyong mga pintuang-daan, ay magsisiparoon at magsisikain at mangabubusog; upang pagpalain ka ng Panginoon mong Dios sa lahat ng gawa ng iyong kamay sa iyong ginagawa.

Deuteronomio 15:11

Sapagka't hindi mawawalan ng dukha sa lupain kailan man: kaya't aking iniutos sa iyo, na aking sinasabi, Bubukhin mo nga ang iyong kamay sa iyong kapatid, sa nagkakailangan sa iyo, at sa dukha mo, sa iyong lupain.

Kawikaan 31:8-9

Bukhin mo ang iyong bibig sa pipi, sa bagay ng lahat ng naiwang walang kandili. Bukhin mo ang iyong bibig, humatol ka ng katuwiran, at mangasiwa ka ng kahatulan sa dukha at mapagkailangan.

Isaias 41:10
Mga Konsepto ng TaludtodKatuwiranPagkabalisa at KalumbayanAko ay Kanilang Magiging DiyosHuwag Matakot sapagkat ang Diyos ay TutulongDiyos na Nagbibigay LakasPagkabalisa at TakotKatapangan at LakasTakot sa DiyosTakot at KabalisahanNababalisaPag-iingat ng DiyosTustosTulongPagtulongNatatakotNagtitiwala sa Diyos at Hindi NababalisaPagkabalisaPagiging TakotNagbibigay KaaliwanKahirapanPagiging KristyanoPakikipaglabanPagiging Ganap na KristyanoPagiging Tiwala ang LoobPagiging tulad ni CristoMasamang PananalitaPagsagipDiyos, Katuwiran ngAko ang PanginoonPagiging Lingkod ng DiyosPagiingat mula sa DiyosPagasa at LakasKapayapaan sa Lumang Tipan, MakaDiyos naPag-aalinlangan, Pagtugon saDiyos na nasa IyoKanang Kamay ng DiyosPagpapakamatay, Kaisipan ngPagiging MatulunginDiyos na Saiyo ay TutulongKaaliwan kapag NagiisaPesimismoKaisipan, Sakit ngDiyos na Nagbibigay LakasKalakasan, EspirituwalPawiin ang TakotPagiisaMananakopPagiingatKaisipan, Kalusugan ngKatiyakan, Katangian ngPuso, SinaktangPaghihirap, Kalakasan ng Loob tuwing mayKamay ng DiyosPinagtaksilanNagpapanatiling ProbidensiyaMapagkakatiwalaanTiwala sa Diyos, Nagbubunga ng KatapanganKaaliwanPagiging Alam ang LahatKalakasan, Ang Diyos ang AtingTakotPagiisaPagiging PinagpalaTamang GulangKalakasan ng Loob sa BuhayDiyos na Sumasaiyo

Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.

Mga Taga-Filipos 4:6-7

Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios. At ang kapayapaan ng Dios, na di masayod ng pagiisip, ay magiingat ng inyong mga puso at ng inyong mga pagiisip kay Cristo Jesus.

Mateo 11:28-30

Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo'y aking papagpapahingahin. Pasanin ninyo ang aking pamatok, at magaral kayo sa akin; sapagka't ako'y maamo at mapagpakumbabang puso: at masusumpungan ninyo ang kapahingahan ng inyong mga kaluluwa. Sapagka't malambot ang aking pamatok, at magaan ang aking pasan.

Awit 22:26

Ang maamo ay kakain at mabubusog: kanilang pupurihin ang Panginoon na humanap sa kaniya; mabuhay nawa ang iyong puso magpakailan man.

Awit 82:3-4

Hatulan mo ang dukha at ulila: gawan mo ng kaganapan ang napipighati at walang nagkakandili. Sagipin mo ang dukha at mapagkailangan: iligtas ninyo sila sa kamay ng masama,

Kawikaan 22:22-23

Huwag kang magnakaw sa dukha, sapagka't siya'y dukha, ni pumighati man sa nagdadalamhati sa pintuang-bayan: Sapagka't ipakikipaglaban ng Panginoon ang kanilang usap, at sasamsaman ng buhay yaong nagsisisamsam sa kanila.

Kawikaan 2:20-21

Upang ikaw ay makalakad ng lakad ng mabubuting tao, at maingatan ang mga landas ng matuwid. Sapagka't ang matuwid ay tatahan sa lupain, at ang sakdal ay mamamalagi roon.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a