Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Deuteronomio 24

Deuteronomio Rango:

16
Mga Konsepto ng TaludtodPangangalunya at DiborsyoDiborsyo sa Lumang TipanDiborsyo sa mga MananampalatayaPagsusulatGulo sa TahananBatas ng PaghihiwalayDiborsyo na PinahintulutanMapanggulong mga TaoIkalawang Pag-aasawaPag-aasawa sa Pagitan ng Lalake at BabaeKawalang Katapatan

Pagka ang isang lalake ay kumuha ng isang babae at pinakasalan, ay mangyayari nga, na kung ang babae ay hindi kalugdan ng kaniyang mga mata, sapagka't kinasumpungan niya ng isang kahiyahiyang bagay, ay lalagda siya ng isang kasulatan ng paghihiwalay, at ibibigay niya sa kaniyang kamay, at papagpapaalamin niya siya sa kaniyang bahay.

408
Mga Konsepto ng TaludtodPananagutan sa DiyosPersonal na PananagutanKasalanan ng mga MagulangKamatayan ng isang Kaanib ng PamilyaKamatayan ng isang BataPananagutanKamatayan ng isang InaPagiging Mabuting AmaKamatayan ng isang Ama

Hindi papatayin ang mga magulang dahil sa mga anak, ni ang mga anak ay papatayin dahil sa mga magulang; bawa't tao'y papatayin dahil sa kaniyang sariling kasalanan.

461
Mga Konsepto ng TaludtodBanyaga, MgaNakataling mga MaisNaulila, Pagmamalasakit sa mgaTrigoUlila, MgaPagtatanim at PagaaniBalo, MgaTaglagasDayuhanTagumpay at Pagsusumikap

Pagka iyong aanihin ang iyong ani sa bukid, at nakalimot ka ng isang bigkis sa bukid, ay huwag mong pagbabalikang kunin: magiging sa taga ibang lupa, sa ulila, at sa babaing bao: upang pagpalain ka ng Panginoon mong Dios sa lahat ng gawa ng iyong mga kamay.

485
Mga Konsepto ng TaludtodAng NangangailanganAbuso sa Kapangyarihan, Babala laban saPanginoon, MgaWalang KabaitanEmployer, MgaPanginoon, Tunkulin sa mga AlipinPakinabang, MgaMga Banyaga na Kasama sa KautusanHindi Tumutulong sa MahirapDayuhan

Huwag mong pipighatiin ang isang nagpapaupang dukha at salat, maging siya'y sa iyong mga kapatid, o sa mga iyong taga ibang bayan na nangasa iyong bayan sa loob ng iyong mga pintuang-daan:

529
Mga Konsepto ng TaludtodIpataponPangkikidnapKalakalParusang Kamatayan laban sa KarahasanPamamahinga

Kung ang sinoman ay masumpungang nagnanakaw ng sinoman sa kaniyang mga kapatid, sa mga anak ni Israel, at kaniyang inalipin siya, o ipinagbili siya; ang magnanakaw ngang yaon ay papatayin: gayon mo aalisin ang kasamaan sa gitna mo.

658
Mga Konsepto ng TaludtodUtangPangungutang, Garantiya saGarantiyaGilingang BatoPinagkakautanganKautusan tungkol sa Panata

Walang taong kukuha ng gilingan o ng batong nasa itaas ng gilingan na pinakasangla: sapagka't parang kaniyang kinuhang pinakasangla ang buhay ng tao.

661
Mga Konsepto ng TaludtodKasuklamsuklam, Seksuwal na Karumihan ayIkalawang Pag-aasawaKarumihanMag-asawaAsawang BabaeButihing Ama ng TahananKabiyakPag-aasawa

Hindi na siya makukuhang muling maging asawa ng kaniyang unang asawa na humiwalay sa kaniya, pagkatapos na kaniyang mapangayupapa siya; sapagka't yao'y karumaldumal sa harap ng Panginoon: at huwag mong papagkakasalahin ang lupain na ibinibigay na pinakamana sa iyo ng Panginoon mong Dios.

686
Mga Konsepto ng TaludtodMahal na Araw

Pagka ikaw ay magpapahiram sa iyong kapuwa ng anomang bagay na hiram, ay huwag kang papasok sa kaniyang bahay upang kumuha ng kaniyang sangla.

735
Mga Konsepto ng TaludtodDiborsyo na Pinahintulutan

At kung kapootan siya ng huling asawa, at lagdaan siya ng isang kasulatan ng paghihiwalay, at ibigay sa kaniyang kamay, at papagpaalamin siya sa kaniyang bahay; o kung mamatay ang huling asawa, na kumuha sa kaniya upang maging asawa niya;

759
Mga Konsepto ng TaludtodGabiPanginoon, MgaNegosyo, Etika ngPanginoon, Tunkulin sa mga AlipinEmployer, MgaAraw, Paglubog ngUtangMoralidadPagbibigay, Balik na

Sa kaniyang kaarawan ay ibibigay mo sa kaniya ang kaniyang kaupahan, ni huwag lulubugan ng araw (sapagka't siya'y mahirap, at siyang inaasahan ng kaniyang puso); baka siya'y dumaing sa Panginoon laban sa iyo at maging kasalanan sa iyo.

782
Mga Konsepto ng TaludtodTagubilinKalinisanTumutupad ng Salita

Magingat ka sa salot na ketong, na iyong isagawang masikap at gawin ang ayon sa lahat na ituturo sa iyo ng mga saserdote na mga Levita: kung paanong iniutos ko sa kanila ay gayon mo isasagawa.

866

Alalahanin mo ang ginawa ng Panginoon mong Dios kay Miriam sa daan nang kayo'y lumalabas sa Egipto.

888
Mga Konsepto ng TaludtodEtika, Panlipunang

At kung siya'y taong mahirap ay huwag kang matutulog na may sangla niya:

894
Mga Konsepto ng TaludtodMga Sanga, Uri ng mgaPagsasagawa ng Dalawang UlitOlibo, Puno ng

Pagka iyong papaspasan ang iyong puno ng olibo, ay huwag mong pagbabalikan ang mga nalagpasan; magiging sa taga ibang bayan, sa ulila, at sa babaing bao.

905
Mga Konsepto ng TaludtodBalabalAng ArawAraw, Paglubog ngMahal na Araw

Iyo ngang isasauli sa kaniya ang sangla paglubog ng araw, upang siya'y matulog sa kaniyang damit, at pagpalain ka: at magiging katuwiran mo sa harap ng Panginoon mong Dios.

914
Mga Konsepto ng TaludtodUbasUbasanPagsasagawa ng Dalawang Ulit

Pagka ikaw ay namimitas sa iyong ubasan, ay huwag mong pupulutin ang nasa likuran mo; magiging sa taga ibang bayan, sa ulila, at sa babaing bao.

924
Mga Konsepto ng TaludtodGrupo ng mga Alipin

At iyong aalalahanin na naging alipin ka sa lupain ng Egipto: kaya't iniuutos ko sa iyong gawin ang bagay na ito.

925
Mga Konsepto ng TaludtodLabas ng Bahay

Ikaw ay tatayo sa labas, at ang taong iyong pinahihiram ay maglalabas ng sangla sa iyo.

948
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos bilang ManunubosGrupo ng mga Alipin

Kundi aalalahanin mo na ikaw ay naging alipin sa Egipto, at tinubos ka ng Panginoon mong Dios mula roon: kaya't iniuutos ko sa iyong gawin mo ang bagay na ito.