21 Talata sa Bibliya tungkol sa Kahilingan
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Na magsipanalangin kayo sa Espiritu ng lahat ng panalangin at daing sa buong panahon, at mangagpuyat sa buong katiyagaan at daing na patungkol sa lahat ng mga banal,
At sa akin, upang ako'y pagkalooban ng pananalita sa pagbubuka ng aking bibig, upang ipakilalang may katapangan ang hiwaga ng evangelio,
Una-una nga sa lahat ng mga bagay, ay iniaaral ko na manaing, manalangin, mamagitan, at magpasalamat na patungkol sa lahat ng mga tao;
Dahil sa batang ito ako nanalangin; at ipinagkaloob sa akin ng Panginoon ang aking hiling na aking hiningi sa kaniya:
At aking itiningin ang aking mukha sa Panginoong Dios upang humanap sa pamamagitan ng panalangin at ng mga samo, ng pagaayuno, at pananamit ng magaspang, at ng mga abo.
Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios.
At nangagsabi kay Jeremias na propeta, Isinasamo namin sa iyo, na tanggapin ang aming pamanhik sa harap mo, at idalangin mo kami sa Panginoon mong Dios, sa makatuwid baga'y ang lahat na nalabing ito (sapagka't kaming naiwan ay kaunti sa karamihan, gaya ng namamasdan ng iyong mga mata sa amin),
At kung ating nalalaman na tayo'y dinidinig niya sa anomang ating hingin, ay nalalaman natin na nasa atin ang mga kahilingang sa kaniya'y ating hiningi.
Sa pasimula ng iyong mga samo ay lumabas ang utos, at ako'y naparito upang saysayin sa iyo; sapagka't ikaw ay totoong minahal: kaya't gunitain mo ang bagay, at unawain mo ang pangitain.
Na siya sa mga araw ng kaniyang laman ay naghandog ng mga panalangin at mga daing na sumisigaw ng malakas at lumuluha doon sa may kapangyarihang makapagligtas sa kaniya sa kamatayan, at siya'y dininig dahil sa kaniyang banal na takot,
Marahil ay maghaharap sila ng kanilang daing sa harap ng Panginoon, at hihiwalay bawa't isa sa kaniyang masamang lakad; sapagka't malaki ang galit at ang kapusukan na sinalita ng Panginoon laban sa bayang ito.
Kaya nga, Oh aming Dios, iyong dinggin ang panalangin ng iyong lingkod, at ang kaniyang mga samo, at paliwanagin mo ang iyong mukha sa iyong santuario na sira, alangalang sa Panginoon.
Kaniyang dininig ang dalangin ng tapon, at hindi hinamak ang kanilang dalangin.
Nang magkagayo'y sumagot si Esther, at nagsabi, Ang aking hingi at ang aking hiling ay ito;
Nang magkagayo'y nagpisan ang mga lalaking ito, at nasumpungan si Daniel na sumasamo at dumadaing sa harap ng kaniyang Dios.
Kaya't huwag mong idalangin ang bayang ito, ni palakasin man ang daing patungkol sa kanila ni dalangin man, o mamagitan man ikaw sa akin; sapagka't hindi kita didinggin.
Kaya't huwag mong idalangin ang bayang ito, o palakasin man ang daing patungkol sa kanila ni dalangin man; sapagka't hindi ko didinggin sila sa panahon na sila'y magsisidaing sa akin dahil sa kanilang kabagabagan.
Nang magkagayo'y sumagot si Eli, at nagsabi, Yumaon kang payapa: at ipagkaloob nawa sa iyo ng Dios ng Israel ang iyong hiling na hinihingi mo sa kaniya.
Magpakaligaya ka naman sa Panginoon; at bibigyan ka niya ng nasa ng iyong puso.
Dinggin mo nga sa langit ang kanilang dalangin at ang kanilang pamanhik, at alalayan mo ang kanilang usap.
Kami ay magtatagumpay sa iyong pagliligtas, at sa pangalan ng aming Dios ay aming itataas ang aming mga watawat: ganapin nawa ng Panginoon ang lahat ng iyong mga hingi.
Mga Katulad na Paksa
- Alisto
- Bautismo sa Espiritu Santo
- Dinggin ang Panalangin!
- Diyos na Sumasagot ng mga Panalangin
- Diyos, Panalanging Sinagot ng
- Espirituwal na Digmaan
- Espirituwal na Digmaan, Baluti sa
- Espirituwal na Digmaan, Bilang Labanan
- Halimbawa ng Lihim na Pananalangin
- Hindi Nababalisa
- Hindi Sumusuko
- Kabalisahan, Mga
- Katapangan, Nagmumula sa
- Katapatan sa Pakikitungo sa Tao
- Katatagan
- Katiyagaan sa Oras ng Kahirapan
- Kinakabahan
- Laging Nananalangin
- Lahat ng Mananampalataya ay Banal
- Mabigat na Trabaho at Pagtitiyaga
- Mapagpasalamat
- Mapagpasalamat sa Iba
- Masigasig na Panalangin
- Masugid sa Diyos
- Nababalisa
- Nagtitiwala sa Diyos at Hindi Nababalisa
- Nagtitiyaga
- Nananalangin
- Nananalangin para sa Iba
- Nananatiling Malakas at Hindi Sumusuko
- Nananatiling Malakas sa Oras ng Kabigatan
- Pag-uusig, Ugali sa
- Pagbabantay ng mga Mananampalataya
- Paghingi
- Pagkabalisa
- Pagkakataon
- Pagsasaayos ng Kaguluhan
- Pagsusumamo
- Pagtagumpayan ang Kahirapan
- Pagtagumpayan ang Mahirap na Sandali
- Pagtitiyaga
- Pagtitiyaga
- Pagtulog, Espirituwal na
- Panalangin na Inialay na may
- Panalangin sa Loob ng Iglesia
- Panalangin sa Oras ng Kabigatan
- Panalangin, Pagtitiyaga sa
- Panalangin, Wika ng
- Pananalangin para sa Iba
- Pananalangin para sa Kapakanan ng Iba
- Pananampalataya sa Oras ng Kahirapan
- Panawagang Gawain
- Pasasalamat
- Pasasalamat at Utang na Loob
- Patnubay at Lakas
- Pursigido
- Walang Humpay