Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Exodo 19

Exodo Rango:

14
Mga Konsepto ng TaludtodKatapatan sa DiyosBayan ng Diyos sa Lumang TipanGantimpala ng DiyosSeguridadKayamananBabalaMasunurin sa DiyosJudio, Bayang Hinirang ng DiyosPananagutan sa KalikasanLahat ng bagay ay sa DiyosMaharlikang Pagkapari

Kaya't ngayon, kung tunay na inyong susundin ang aking tinig, at iingatan ang aking tipan, ay magiging isang tanging kayamanan nga kayo sa akin, na higit sa lahat ng bayan: sapagka't ang buong lupa ay akin;

43
Mga Konsepto ng TaludtodBuwanBuwan, Ikatlong

Sa ikatlong buwan, pagkatapos na ang mga anak ni Israel ay makaalis sa lupain ng Egipto, ay dumating sila ng araw ding yaon sa ilang ng Sinai.

75
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakita sa DiyosKamatayan na Dahil sa Presensya ng Diyos

At sinabi ng Panginoon kay Moises, Bumaba ka, pagbilinan mo ang bayan, baka sila'y lumagpas upang makita ang Panginoon, at mamatay ang karamihan sa kanila.

85
Mga Konsepto ng TaludtodPagtatalagaBiglang SugodGinawang Banal ang BayanSaserdote, Mga

At gayon din ang mga saserdote, na lumalapit sa Panginoon ay papagbanalin mo, baka ang Panginoon ay hindi makapagpigil sa kanila.

97
Mga Konsepto ng TaludtodAaron, ang kanyang mga KarapatanPapunta sa Taas ng BundokTao na BumabagsakBiglang Sugod

At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Yumaon ka, bumaba ka; at ikaw ay sasampa, ikaw at si Aaron na iyong kasama: nguni't ang mga saserdote at ang bayan ay huwag lumampas sa mga hangganan upang lumapit sa Panginoon, baka siya ay hindi makapagpigil sa kanila.

118
Mga Konsepto ng TaludtodMga HanggananKabanalan, Paglago ng Mananampalataya saPapunta sa Taas ng BundokLimitasyon, Mga

At sinabi ni Moises sa Panginoon, Ang baya'y hindi makasasampa sa bundok ng Sinai: sapagka't iyong pinagbilinan kami, na iyong sinabi, lagyan mo ng hangganan sa palibot ang bundok, at iyong ariing banal.

391
Mga Konsepto ng TaludtodPapunta sa Taas ng BundokDiyos na Bumababa

At ang Panginoon ay bumaba sa ibabaw ng bundok ng Sinai, sa taluktok ng bundok; at tinawag ng Panginoon si Moises sa taluktok ng bundok; at si Moises ay sumampa.

424
Mga Konsepto ng TaludtodHaligi ng UlapKidlatInstrumento ng Musika, Uri ngTheopaniyaKidlatGrupong NanginginigTrumpeta para sa Pagbibigay HudyatYaong Natatakot sa DiyosAng Huling TrumpetaLeon ng Tribo ng JudaKidlat na Nagpapakita ng Presensya ng Diyos

At nangyari ng ikatlong araw, ng umaga, na kumulog at kumidlat, at may isang salimuot na ulap sa ibabaw ng bundok, at ang tunog ng pakakak ay napakalakas; at ang buong bayan na nasa kampamento ay nanginig.

425
Mga Konsepto ng TaludtodKalayaan, Pagsasabuhay nito sa Lumang TipanAgilaPakpakPagkakaroon ng BungaIbon, Uri ng mgaNagpapanatiling ProbidensiyaPakpak ng IbonDiyos na Pumapasan sa mga TaoPumailanglangAko

Inyong nakita ang aking ginawa sa mga Egipcio, at kung paanong dinala ko kayo sa mga pakpak ng agila, at kayo'y inilapit ko sa akin din.

446
Mga Konsepto ng TaludtodJacob bilang PatriarkaPapunta sa Taas ng Bundok

At si Moises ay lumapit sa Dios, at tinawag ng Panginoon siya mula sa bundok, na sinasabi, Ganito mo sasabihin sa sangbahayan ni Jacob, at sasaysayin sa mga anak ni Israel.

468
Mga Konsepto ng TaludtodTao na Bumabagsak

Sa gayo'y bumaba si Moises sa bayan at isinaysay sa kanila.

494

At nang sila'y umalis sa Rephidim, at dumating sa ilang ng Sinai, ay humantong sila sa ilang; at doo'y humantong ang Israel sa harap ng bundok.

516
Mga Konsepto ng TaludtodPanakipLindolUsokTheopaniyaDiyos, Presensya ngKabundukan, Yumayanig naDiyos na BumababaPagpapakita ng Diyos sa ApoyPugonUmuusok

At ang buong bundok ng Sinai ay umuusok, sapagka't ang Panginoon ay bumaba sa ibabaw niyaon na nasa apoy: at ang usok niyaon ay napaiilanglang na parang usok ng isang hurno, at ang buong bundok ay umuugang mainam.

564
Mga Konsepto ng TaludtodPaglilinisKadalisayan, Katangian ngPagtatalagaMalinis na mga DamitGinawang Banal ang BayanPaghuhugasSeksuwal na KadalisayanPagbabago ng SariliAng Kapaligiran

At sinabi ng Panginoon kay Moises, Pumaroon ka sa bayan at papagbanalin mo sila ngayon at bukas at labhan nila ang kanilang mga damit,

575
Mga Konsepto ng TaludtodMga HanggananKamatayan bilang KaparusahanHangganan

At lalagyan mo ng mga hangganan ang bayan sa palibot, na iyong sasabihin, Magingat kayo, na kayo'y huwag sumampa sa bundok, o sumalang sa hangganan: sinomang sumalang sa bundok ay papatayin na walang pagsala:

592
Mga Konsepto ng TaludtodTheopaniyaWalang Hanggang KatapatanPakikinig sa Tinig ng DiyosMananampalatayang PropetaNagsasabi tungkol sa Sinabi ng mga Tao

At sinabi ng Panginoon kay Moises, Narito ako'y naparirito sa iyo sa isang salimuot na ulap upang marinig ng bayan pagka ako'y magsasalita sa iyo, at paniwalaan ka rin naman nila magpakailan man. At sinalita ni Moises ang mga salita ng bayan sa Panginoon.

615
Mga Konsepto ng TaludtodSagisag, MgaTrumpeta para sa Pagbibigay HudyatDiyos, Sinagot ng

At nang lumalakas ng lumalakas ang tunog ng pakakak ay nagsasalita si Moises, at sinasagot siya ng Dios sa pamamagitan ng tinig.

635
Mga Konsepto ng TaludtodPaninindigan sa DiyosApoyTugonTheokrasiyaKami ay Susunod

At ang buong bayan ay sumagot na magkakaisa, at nagsabi, Yaong lahat na sinalita ng Panginoon ay aming gagawin. At ipinagbigay alam ni Moises ang mga salita ng bayan sa Panginoon.

673
Mga Konsepto ng TaludtodKongregasyonPakikipagtagpo sa DiyosSaligan ng mga bagay

At inilabas ni Moises ang bayan sa kampamento upang salubungin ang Dios; at sila'y tumayo sa paanan ng bundok.

699
Mga Konsepto ng TaludtodPaghuhugasKabanalan, Paglago ng Mananampalataya saRituwal na PaghuhugasTao na BumabagsakMalinis na mga DamitGinawang Banal ang Bayan

At bumaba si Moises sa bayan mula sa bundok, at pinakabanal ang bayan, at sila'y naglaba ng kanilang mga damit.

753
Mga Konsepto ng TaludtodSungay, MgaInstrumento ng Musika, Uri ngLalakeng TupaItinatapong mga BatoKamatayan bilang KaparusahanHindi HinihipoTrumpeta para sa Pagbibigay HudyatAng mga Tao at Hayop ay kapwa NapatayTagubilin tungkol sa Pagbato

Walang kamay na hihipo sa kaniya, kundi, siya'y tunay na babatuhin, o papanain; maging hayop o tao ay hindi mabubuhay: pagka ang pakakak ay tumunog ng maluwat ay sasampa sila sa bundok.

773
Mga Konsepto ng TaludtodMatatanda bilang Pinuno sa KomunidadPinuno, Mga Pulitikal naMatandang Edad, Ugali sa mayIba pang IpinapatawagAng Pagtitipon ng mga Matatanda

At dumating si Moises at tinawag ang mga matanda sa bayan, at ipinahayag sa harap nila ang lahat ng salitang ito na iniutos ng Panginoon sa kaniya.

777
Mga Konsepto ng TaludtodAng Ikatlong Araw ng LinggoDiyos na BumababaManonood, MgaPagpapakita ng DiyosPaghahanda para sa Pagkilos

At humanda sa ikatlong araw: sapagka't sa ikatlong araw ay bababa ang Panginoon sa paningin ng buong bayan sa ibabaw ng bundok ng Sinai.