Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Exodo 18

Exodo Rango:

72
Mga Konsepto ng TaludtodPamamaraan ng DiyosMoises, Kahalagahan niKasulatan, Katuruan ngPagkatuto sa Tamang ParaanAng Kautusan ay IpinahayagPaglalakad sa Pamamaraan ng DiyosLipunan, Tungkulin saPagpapasya

At ituturo mo sa kanila ang mga palatuntunan, at ang mga kautusan, at ipakikilala mo sa kanila ang daang nararapat lakaran, at ang gawang kanilang nararapat gawin.

83
Mga Konsepto ng TaludtodNakatayo ng Matibay

Kung gagawin mo ang bagay na ito, at iuutos sa iyong ganyan ng Dios ay iyo ngang mababata, at ang buong bayan namang ito ay uuwing payapa.

117
Mga Konsepto ng TaludtodMatalinong PayoMakinig sa Taung-Bayan!

Dinggin mo ngayon ang aking tinig; papayuhan kita, at sumaiyo nawa ang Dios: ikaw ang maging tagapagakay sa bayan sa harap ng Dios, at dalhin mo ang mga usap sa Dios:

364
Mga Konsepto ng TaludtodPagiging MaayosSampung TaoLimangpuIsang DaanIsanglibong mga TaoPamimili ng mga TaoMahuhusay na mga TaoPinuno, MgaPamumuno, Katangian ngPamumuhunanOrganisasyonGrupo, Mga

At pumili si Moises ng mga lalaking bihasa sa buong Israel, at ginawa niyang pangulo sa bayan, na mga puno ng lilibuhin, mga puno ng dadaanin, mga puno ng lilimangpuin, at mga puno ng sasangpuin.

406
Mga Konsepto ng TaludtodTrabahoDiyos na Nagpalaya sa Israel mula sa Ehipto

Si Jethro nga, saserdote sa Madian, biyanan ni Moises, ay nakabalita ng lahat na ginawa ng Dios kay Moises, at sa Israel na kaniyang bayan, kung paanong inilabas ng Panginoon ang Israel sa Egipto.

422
Mga Konsepto ng TaludtodNagbabahagi ng PasaninDakilang mga BagayHindi Mahahalagang Bagay

At pahatulan mo sa kanila ang bayan sa buong panahon: at mangyayari, na bawa't malaking usap ay dadalhin nila sa iyo, datapuwa't bawa't munting usap, ay silasila ang maghahatulan: sa ganyan ay magiging magaan sa iyo, at magpapasan silang katulong mo.

483
Mga Konsepto ng TaludtodSumusunod sa mga TaoTiwala sa RelasyonPamumuhunan

Sa gayon, ay dininig ni Moises ang kaniyang biyanan, at ginawang lahat yaong sinabi.

506
Mga Konsepto ng TaludtodPagiimbotKatapatan sa DiyosPagiging PinunoPagkamuhiKatapatanKapakinabanganPagpipitagan at Asal sa LipunanMagpapakatiwalaanMahistrado, MgaSibil na PamahalaanSampung TaoLimangpuIsang DaanIsanglibong mga TaoPagpapalabas ng KatotohananPamimili ng mga TaoMahuhusay na mga TaoPagkamuhi sa KasamaanKasakimanKawalang KatapatanPamumuno, Katangian ngGrupo, Mga

Bukod dito'y hahanap ka sa buong bayan ng mga taong bihasa, gaya ng matatakutin sa Dios, na mga taong mapagpatotoo, na mga napopoot sa kasakiman; at siyang mga ilagay mo sa kanila, na magpuno sa mga lilibuhin, magpuno sa mga dadaanin, magpuno sa mga lilimangpuin, at magpuno sa mga sasangpuin:

524
Mga Konsepto ng TaludtodMoises, Kahalagahan niNauupoNakatayoNauupo upang MagturoMga Taong Kasama sa KahatulanMula Umaga hanggang Gabi

At nangyari kinabukasan, na lumuklok si Moises upang hatulan ang bayan: at ang bayan ay tumayo sa palibot ni Moises mula sa umaga hanggang sa hapon.

626
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Kasama sa KahatulanMabigat na GawainHindi Mahahalagang BagayKalakasan sa Kagipitan

At kanilang hinatulan ang bayan sa buong panahon: ang mabibigat na usap ay kanilang dinadala kay Moises, datapuwa't bawa't munting usap ay silasila ang naghahatulan.

648
Mga Konsepto ng TaludtodPagbabalik sa LupainDispensasyon

At tinulutan ni Moises ang kaniyang biyanan na magpaalam at siya'y umuwi sa sariling lupain.

657
Mga Konsepto ng TaludtodIwan ang Magulang para sa Asawa

At ipinagsama ni Jethro, na biyanan ni Moises, si Sephora na asawa ni Moises, pagkatapos na kaniyang maipadala sa kanilang ama,

665
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Tumutulong!Mga Taong may Akmang Pangalan

At ang pangalan ng isa'y Elieser; sapagka't kaniyang sinabi, Ang Dios ng aking ama'y naging aking saklolo, at ako'y iniligtas sa tabak ni Faraon;

723
Mga Konsepto ng TaludtodAaron, mga Pangyayari sa kanyang BuhaySinunog na AlayAlay sa Lumang TipanKumakain sa Harapan ng Diyos

At si Jethro, na biyanan ni Moises, ay kumuha ng handog na susunugin at mga hain para sa Dios: at si Aaron ay naparoon, at ang lahat ng mga matanda sa Israel, upang kumain ng tinapay na kasalo ng biyanan ni Moises sa harap ng Dios.

737
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakaalam sa Diyos, Katangian ngKayabangan, Parusa laban saPalalong mga TaoPagkakaalam sa Katangian ng Diyos

Ngayo'y aking natatalastas na ang Panginoon ay lalong dakila kay sa lahat ng mga dios: oo, sa bagay na ipinagpalalo ng mga Egipcio laban sa mga Hebreo.

794
Mga Konsepto ng TaludtodIturing bilang BanyagaDalawang AnakMga Taong may Akmang Pangalan

At ang dalawa niyang anak na lalake: na ang pangalan ng isa'y Gersom; sapagka't sinabi ni Moises, Ako'y nakipamayan sa ibang bayan.

809
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakampoKampo ng IsraelIsrael na nasa IlangPakikipagtagpo sa mga Tao

At si Jethro, na biyanan ni Moises, ay dumating, na kasama ang kaniyang mga anak at ang kaniyang asawa, kay Moises sa ilang na kaniyang hinantungan sa tabi ng bundok ng Dios:

813
Mga Konsepto ng TaludtodMasamang SitwasyonPagsasagawa sa Bagay na Mabuti

At sinabi ng biyanan ni Moises sa kaniya, Ang bagay na iyong ginagawa ay hindi mabuti.

820
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong PagodImposible para sa mga TaoHindi NagiisaMabigat na Gawain

Tunay na ikaw ay manghihina, ikaw at ang bayang ito, na nasa iyo: sapagka't ang bagay ay totoong mabigat sa iyo; hindi mo makakayang magisa.

847
Mga Konsepto ng TaludtodPaglalakbay kasama ang DiyosPaghihirap, Kabigatan tuwing mayMabigat na GawainNagsasabi tungkol sa DiyosBakit Ginawa ng Diyos ang gayong mga Bagay

At isinaysay ni Moises sa kaniyang biyanan ang lahat ng ginawa ng Panginoon kay Faraon at sa mga Egipcio dahil sa Israel, ang buong hirap na kanilang naranasan sa daan, at kung paanong iniligtas ng Panginoon sila.

868

At sinabi ni Moises sa kaniyang biyanan, Sapagka't ang bayan ay lumalapit sa akin, upang sumangguni sa Dios.

875
Mga Konsepto ng TaludtodGumagawang MagisaMula Umaga hanggang GabiAnong Iyong Ginagawa?

At nang makita ng biyanan ni Moises ang lahat ng kaniyang ginagawa sa bayan, ay nagsabi, Anong bagay itong ginagawa mo sa bayan? bakit nauupo kang magisa, at ang buong bayan ay nakatayo sa palibot mo mula sa umaga hanggang sa hapon?

880
Mga Konsepto ng TaludtodPagpupuri, Dahilan ngPagsagipPurihin ang Panginoon!

At sinabi ni Jethro, Purihin ang Panginoon, na nagligtas sa inyo, sa kamay ng mga Egipcio, at sa kamay ni Faraon; na siyang nagligtas sa bayan sa kamay ng mga Egipcio.

890
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong NaghahalikanPagyukodPagbatiPaghalikHalik, MgaIpinahayag na Pagbati

At si Moises ay lumabas na sinalubong ang kaniyang biyanan, at kaniyang niyukuran at hinalikan. At sila'y nagtanungang isa't isa ng kanilang kalagayan; at sila'y pumasok sa tolda.

897
Mga Konsepto ng TaludtodKagalakan at Karanasan ng TaoPagkatuwaDiyos na Gumagawa ng MabutiNagagalak sa Gawa ng Diyos

At ikinagalak ni Jethro ang buong kabutihang ginawa ng Panginoon sa Israel, na iniligtas sila sa kamay ng mga Egipcio.

899
Mga Konsepto ng TaludtodAsuntoMga Taong Kasama sa KahatulanKasulatan, Katuruan ngAng Kautusan ay Ibinigay sa Pamamagitan ni MoisesPagpapasya

Pagka sila'y may usap ay lumapit sa akin; at aking hinahatulang isa't isa, at aking ipinakikilala sa kanila ang mga palatuntunan ng Dios, at ang kaniyang mga kautusan.

935
Mga Konsepto ng TaludtodPakikipagtagpo sa mga TaoNagsasabi tungkol sa Kilos

At kaniyang ipinasabi kay Moises, Akong iyong biyanang si Jethro ay naparito sa iyo, at ang iyong asawa, at ang kaniyang dalawang anak na kasama niya.