Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Exodo 27

Exodo Rango:

558
Mga Konsepto ng TaludtodOlibo, Langis ngAng Gintong Patungan ng IlawLangisKandilaLangis para sa IlawanDalisay na mga Bagay

At iyong iuutos sa mga anak ni Israel na sila'y magdala sa iyo ng taganas na langis ng binayong oliba na pangilawan, upang papagningasing palagi ang ilawan.

619
Mga Konsepto ng TaludtodKaluwaganPagtatatagTaasKahoyParisukat, MgaSukat ng mga Gamit sa TemploAlay sa Tansong AltarNahahanda Itayo ang Tansong Dambana

At gagawin mong kahoy ng akasia ang dambana, na limang siko ang haba at limang siko ang luwang; ang dambana ay gagawing parisukat: at ang taas ay magkakaroon ng tatlong siko.

717
Mga Konsepto ng TaludtodLinoPagsasagawa ng TabernakuloLino, Mga Iba't Ibang

At iyong gagawin ang looban ng tabernakulo: sa tagilirang timugan na dakong timugan ay magkakaroon ng mga tabing sa looban na linong pinili, na may isang daang siko ang haba sa isang tagiliran:

822
Mga Konsepto ng TaludtodPagbuburdaApat na SuhayHaligi sa Tabernakulo, MgaPulang MateryalesAsul na TelaLila, Tela na KulayIba't Ibang KulaySukat ng Ibang mga BagayMala-Asul na Lila at Iskarlata

At sa pintuan ng looban ay magkakaroon ng isang tabing na may dalawang pung siko, na ang kayo'y bughaw, at kulay-ube, at pula, at kayong linong pinili, na yari ng mangbuburda: ang mga haligi ng mga yao'y apat, at ang mga tungtungan ng mga yao'y apat.

825
Mga Konsepto ng TaludtodAaron, ang kanyang Tungkulin bilang SaserdoteUmagaOrdinansiyaSaserdote, Gawain sa Panahon ng Lumang TipanTolda, MgaIsinasaayosGumagawa, Magdamag na

Sa tabernakulo ng kapisanan sa labas ng lambong na nasa harap ng kaban ng patotoo, ay aayusin yaon ni Aaron at ng kaniyang mga anak mula sa hapon hanggang sa umaga sa harap ng Panginoon: magiging palatuntunan sa buong panahon ng kanilang lahi sa ikagagaling ng mga anak ni Israel.

876
Mga Konsepto ng TaludtodSungay, MgaApat na SungayPinapaibabawan ng TansoIsang Materyal na Bagay

At gagawin mo ang mga anyong sungay sa ibabaw ng apat na sulok niyaon: ang mga anyong sungay ay kaputol din, at iyong babalutin ng tanso.

936
Mga Konsepto ng TaludtodDalawangpuTansong mga Bagay para sa Tabernakulo

At ang ihahaligi doo'y dalawang pu, at ang mga tungtungan ng mga yaon ay dalawang pu na tanso; ang mga sima ng mga haligi at ang mga pilete niyaon ay pilak.

947
Mga Konsepto ng TaludtodPlangganaTinidorPala, MgaBanal na Sisidlan, MgaTansong mga Bagay para sa TabernakuloProbisyon ng Kagamitan sa TemploPalayok

At igagawa mo ng kaniyang mga kawa upang magalis ng mga abo, at ng mga pala, at ng mga mangkok, at ng mga pangalawit at ng mga suuban: lahat ng mga kasangkapa'y gagawin mong tanso.

965
Mga Konsepto ng TaludtodApat na SuhayTansong mga Bagay para sa Tabernakulo

At igagawa mo ng isang salang tanso na tila lambat ang yari, at ang ibabaw ng nilambat ay igagawa mo ng apat na argolyang tanso sa apat na sulok niyaon.

984
Mga Konsepto ng TaludtodBanal na LayuninTablaGuwang, Pagkakaroon ngDisenyoGuwang

Gagawin mo ang dambana na kuluong sa pamamagitan ng mga tabla kung paano ang ipinakita sa iyo sa bundok, ay gayon gagawin nila.

991
Mga Konsepto ng TaludtodKanluranSampung BagayKanlurang Bahagi

At sa kaluwangan ng looban sa kalunuran ay magkakaroon ng mga tabing na may limangpung siko: ang haligi ng mga yaon ay sangpu at ang mga tungtungan ng mga yaon ay sangpu.

1013
Mga Konsepto ng TaludtodKahoyPinapaibabawan ng Tanso

At igagawa mo ng mga pingga ang dambana, mga pinggang kahoy na akasia at babalutin mo ng tanso.

1042
Mga Konsepto ng TaludtodTatlong Iba pang BagaySukat ng Ibang mga Bagay

Ang mga tabing sa isang dako ng pintuang-daan ay magkakaroon ng labinglimang siko: ang mga haligi ng mga yaon ay tatlo, at ang mga tungtungan ng mga yaon ay tatlo rin.

1044
Mga Konsepto ng TaludtodLino, Mga Iba't IbangTansong mga Bagay para sa Tabernakulo

Ang haba ng looban ay magkakaroon ng isang daang siko, at ang luwang ay limang pu magpasaan man, at ang taas ay limang siko, kayong linong pinili, at ang mga tuntungan ay tanso.

1057
Mga Konsepto ng TaludtodTolda, MgaTalasokTansong mga Bagay para sa Tabernakulo

Lahat ng mga kasangkapan ng tabernakulo, sa buong paglilingkod doon, at lahat ng mga tulos niyaon, at lahat ng mga tulos ng looban ay tanso.

1088
Mga Konsepto ng TaludtodPilakTansong mga Bagay para sa Tabernakulo

Lahat ng haligi sa palibot ng looban ay pagsusugpungin ng mga pileteng pilak; ang mga sima ng mga yaon ay pilak, at ang mga tungtungan ng mga yaon ay tanso.

1127
Mga Konsepto ng TaludtodKalahati ng mga Bagay-bagay

At ilalagay mo sa ibaba ng gilid ng dambana, sa dakong ibaba, upang ang nilambat ay umabot hanggang sa kalahatian ng dambana.

1138
Mga Konsepto ng TaludtodAng Araw

At sa kaluwangan ng looban sa dakong silanganan, sa dakong sinisikatan ng araw, ay magkakaroon ng limangpung siko.

1184
Mga Konsepto ng TaludtodDala-dalang mga Banal na Bagay

At ang mga pingga niyao'y isusuot sa mga argolya, at ang mga pingga ay ilalagay sa dalawang tagiliran ng dambana, pagka dinadala.

1187
Mga Konsepto ng TaludtodDalawangpuHaligi sa Tabernakulo, MgaTansong mga Bagay para sa Tabernakulo

At gayon din sa tagilirang dakong hilagaan, sa kahabaan ay magkakaroon ng mga tabing na may isang daang siko ang haba, at ang mga haligi ng mga yaon ay dalawangpu, at ang mga tungtungan ng mga yaon ay dalawangpu na tanso; ang mga sima ng mga haligi at ang mga pilete ng mga yaon ay pilak.

1207
Mga Konsepto ng TaludtodTatlong Iba pang BagaySukat ng Ibang mga Bagay

At sa kabilang dako'y magkakaroon ng mga tabing na ma'y labing limang siko: ang mga haligi ng mga yao'y tatlo, at ang mga tungtungan ng mga yao'y tatlo.