Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Exodo 26

Exodo Rango:

198
Mga Konsepto ng TaludtodLimang BagayKanlurang BahagiLikod ng mga Bagay

At limang barakilan sa mga tabla ng kabilang tagiliran ng tabernakulo, at limang barakilan sa mga tabla ng tagiliran ng tabernakulo sa dakong hulihan, na dakong kalunuran.

403
Mga Konsepto ng TaludtodAng Gitna

At ang gitnang barakilan ay daraan sa kalagitnaan ng mga tabla mula sa isang dulo hanggang sa kabila.

546
Mga Konsepto ng TaludtodLinoKulay, Asul naPulang MateryalesAsul na TelaLila, Tela na KulayMahuhusay na mga TaoMala-Asul na Lila at IskarlataKerubim, Pagsasalarawan saKerubim

At gagawa ka ng isang lambong na bughaw at kulay-ube, at pula at linong pinili: na may mga querubing mainam ang pagkayari:

550
Mga Konsepto ng TaludtodKabanalbanalang DakoPagkakahiwalayKawit

At iyong ibibitin ang lambong sa ilalim ng mga pangalawit, at iyong ipapasok doon sa loob ng lambong ang kaban ng patotoo: at paghihiwalayin sa inyo ng lambong ang dakong banal at ang kabanalbanalang dako.

616
Mga Konsepto ng TaludtodPinapaibabawan ng Ginto

At iyong babalutin ng ginto ang mga tabla, at gigintuin mo ang kanilang mga argolya na pagdaraanan ng mga barakilan: at iyong babalutin ng ginto ang mga barakilan.

644
Mga Konsepto ng TaludtodPlano, MgaBanal na LayuninDisenyoPinagpaparisan

At iyong itatayo ang tabernakulo ayon sa anyo niyaon, na ipinakita sa iyo sa bundok.

679
Mga Konsepto ng TaludtodKawitApat na SuhayHaligi sa Tabernakulo, MgaPinapaibabawan ng GintoTakukap MataGintong Gamit sa Tabernakulo

At iyong isasampay sa apat na haliging akasia na balot ng ginto, na pati ng kanilang mga pangipit ay ginto rin: na nakapatong sa ibabaw ng apat na tungtungang pilak.

801
Mga Konsepto ng TaludtodKaban ng Tipan, Paggawa saHabag, Luklukan ngPatotoo, MgaTinatakpan ang Kaban ng TipanLuklukan ng Habag

At iyong ilalagay ang luklukan ng awa sa ibabaw ng kaban ng patotoo sa kabanalbanalang dako.

805
Mga Konsepto ng TaludtodHapag, MgaTinapay na Handog

At iyong ilalagay ang dulang sa labas ng lambong, at ang kandelero ay sa tapat ng dulang sa tagiliran ng tabernakulo na dakong timugan: at ang dulang ay ilalagay mo sa dakong hilagaan.

827
Mga Konsepto ng TaludtodAkasya na KahoyPagsasagawa ng Tabernakulo

At igagawa mo ng mga tabla ang tabernakulo, na kahoy na akasia na mga patayo.

850
Mga Konsepto ng TaludtodPagbuburdaPulang MateryalesAsul na TelaLila, Tela na KulayIba't Ibang KulayMala-Asul na Lila at Iskarlata

At igagawa mo ng isang tabing ang pintuan ng tolda na kayong bughaw at kulay-ube, at pula, at linong pinili, na yari ng mangbuburda.

867
Mga Konsepto ng TaludtodAkasya na KahoyLimang BagayHaligi sa Tabernakulo, MgaPinapaibabawan ng GintoTakukap MataGintong Gamit sa TabernakuloTansong mga Bagay para sa Tabernakulo

At igagawa mo ang tabing ng limang haliging akasia at babalutin mo ng ginto; na ang sima ng mga yaon ay ginto rin: at ipagbububo mo ng limang tungtungan.

901
Mga Konsepto ng TaludtodPagtitinaTehonLalakeng TupaTolda, MgaTinatakpan ang TabernakuloHayop, Mga Balat ngPulang Materyales

At gagawa ka ng isang pangtakip sa tolda na balat ng lalaking tupa na tininang pula, at isang pangtakip na balat ng poka, sa ibabaw.

903
Mga Konsepto ng TaludtodKambing, MgaBuhok, MgaTolda, MgaBuhok, Damit saLabing Isa

At gagawa ka ng mga tabing na balahibo ng kambing na pinaka tolda sa ibabaw ng tabernakulo: labing isang tabing ang iyong gagawin.

925
Mga Konsepto ng TaludtodKatulad na Laki

Ang magiging haba ng bawa't tabing ay dalawang pu't walong siko, at ang luwang ng bawa't tabing ay apat na siko: lahat ng tabing ay magkakaroon ng isang kasukatan.

933
Mga Konsepto ng TaludtodTelaAsul na Lubid

At gagawa ka ng mga presilyang bughaw sa gilid ng isang tabing sa hangganan ng pagkakasugpong, at gayon din gagawin mo sa gilid ng ikalawang tabing na nasa ikalawang pagkakasugpong.

942
Mga Konsepto ng TaludtodGintoPaguugnay ng mga Bagay-bagayKawitLimangpuIsang Materyal na BagayGintong Gamit sa TabernakuloMagkabiyak

At limang pung pangawit na ginto ang iyong gagawin at pagsusugpungin mo ang mga tabing sa pamamagitan ng mga kawit; at magiging isa lamang.

988
Mga Konsepto ng TaludtodAnim na mga BagayKanlurang BahagiLikod ng mga Bagay

At sa dakong hulihan ng tabernakulo, sa dakong kalunuran ay igagawa mo ng anim na tabla.

1001
Mga Konsepto ng TaludtodSukat ng Ibang mga Bagay

Sangpung siko ang magiging haba ng isang tabla, at isang siko at kalahati ang luwang ng bawa't tabla.

1006
Mga Konsepto ng TaludtodDalawang Bahagi ng IpinapatayoMitsa at Biga

Dalawang mitsa magkakaroon ang bawa't tabla na nagkakasugpong na isa't isa: ang gagawin mo sa lahat ng tabla ng tabernakulo.

1011
Mga Konsepto ng TaludtodLimangpuMagkaibang Panig

Limang pung presilya ang iyong gagawin sa isang tabing, at limang pung presilya ang iyong gagawin sa gilid ng tabing na nasa ikalawang pagkakasugpong; ang mga presilya ay magkakatapat na isa't isa.

1016
Mga Konsepto ng TaludtodHabaLabisNalalabiKalahati ng mga Bagay-bagayLikod ng mga Bagay

At ang dakong nakalawit na nalalabi sa mga tabing ng tolda, na siyang kalahati ng tabing na nalalabi ay ilalaylay sa likuran ng tabernakulo.

1025
Mga Konsepto ng TaludtodPaguugnay ng mga Bagay-bagayLimang BagayAnim na mga BagayPiraso, Isang IkaanimDoble, NagingIkaanim

At iyong papagsusugpungin ang limang tabing, at gayon din ang anim na tabing, at iyong ititiklop ang ikaanim na tabing sa harapan ng tabernakulo.

1037
Mga Konsepto ng TaludtodLimangpu

At limang pung presilya ang iyong gagawin sa tagiliran ng isang tabing na nasa hangganan ng pagkakasugpong, at limang pung presilya sa tagiliran ng ikalawang pagkakasugpong.

1054
Mga Konsepto ng TaludtodPaguugnay ng mga Bagay-bagayKawitIsang Materyal na BagayTansong mga Bagay para sa Tabernakulo

At gagawa ka ng limang pung pangawit na tanso, at ikakabit mo ang mga pangawit sa mga presilya at pagsusugpungin mo ang tolda upang maging isa.

1072
Mga Konsepto ng TaludtodPaguugnay ng mga Bagay-bagayLimang Bagay

Limang tabing ay papagsusugpunging isa't isa; at ang ibang limang tabing ay papagsusugpunging isa't isa.

1077
Mga Konsepto ng TaludtodWalong BagayLabing AnimDalawang Bahagi ng Ipinapatayo

At magkakaroon ng walong tabla, at ang kanilang mga tungtungang pilak ay labing anim na tungtungan: dalawang tungtungan sa ilalim ng isang tabla, at dalawang tungtungan sa ilalim ng kabilang tabla.

1079
Mga Konsepto ng TaludtodTinatakpan ang TabernakuloLabis

At ang siko ng isang dako at ang siko ng kabilang dako niyaong nalalabi sa haba ng mga tabing ng tolda, ay ilalaylay sa mga tagiliran ng tabernakulo, sa dakong ito at sa dakong yaon, upang takpan.

1086
Mga Konsepto ng TaludtodKatulad na Laki

Ang magiging haba ng bawa't tabing ay tatlong pung siko, at ang luwang ng bawa't tabing ay apat na siko: ang labing isang tabing ay magkakaroon ng isang sukat.

1090
Mga Konsepto ng TaludtodSulokDalawang Bahagi ng Ipinapatayo

At igagawa mo ng dalawang tabla ang mga sulok ng tabernakulo sa dakong hulihan.

1091
Mga Konsepto ng TaludtodDalawangpu

At igagawa mo ng mga tabla ang tabernakulo: dalawang pung tabla sa tagilirang timugan sa dakong timugan.

1101
Mga Konsepto ng TaludtodDalawang Bahagi ng IpinapatayoApatnapung Taon

At ang kanilang apat na pung tungtungang pilak; dalawang tungtungan sa ilalim ng isang tabla, at dalawang tungtungan sa ilalim ng kabilang tabla.

1123
Mga Konsepto ng TaludtodLimang Bagay

At gagawa ka ng mga barakilan, na kahoy na akasia; lima sa mga tabla ng isang tagiliran ng tabernakulo;

1126
Mga Konsepto ng TaludtodDalawangpuDalawang Bahagi ng IpinapatayoApatnapung TaonMitsa at Biga

At gagawa ka ng apat na pung tungtungang pilak upang ilagay sa ilalim ng dalawang pung tabla, dalawang tungtungan sa bawa't tabla na ukol sa kaniyang dalawang mitsa, at dalawang tungtungan sa ilalim ng ibang tabla na ukol sa kaniyang dalawang mitsa:

1151
Mga Konsepto ng TaludtodSulokDoble, NagingPagiging Walang Asawa

At pagpapatungin sa dakong ibaba, at gayon din na maugnay sa itaas niyaon sa isang argolya; gayon ang gagawin sa dalawa; para sa dalawang sulok.

1158
Mga Konsepto ng TaludtodDalawangpu

At sa ikalawang tagiliran ng tabernakulo, sa dakong hilagaan, ay dalawang pung tabla: