Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Exodo 30

Exodo Rango:

108
Mga Konsepto ng TaludtodPagpahid na Langis

At iyong sasalitain sa mga anak ni Israel, na iyong sasabihin, Ito'y magiging banal na langis na pangpahid sa akin sa buong panahon ng iyong mga lahi.

258
Mga Konsepto ng TaludtodYaong Inalis mula sa Israel

Sinomang kumatha ng gaya niyan, o sinomang gumamit niyan sa isang taga ibang lupa, ay ihihiwalay sa kaniyang bayan.

280
Mga Konsepto ng TaludtodLangis na PampahidProbisyon para sa KatawanMagkatulad na mga Bagay

Sa laman ng tao ay huwag ninyong ibubuhos, ni huwag kayong gagawa ng gaya niyan sa pagkakatha: banal nga at aariin ninyong banal.

399
Mga Konsepto ng TaludtodSaserdote, Gawain sa Panahon ng Lumang TipanGamot, Mga

At sinabi ng Panginoon kay Moises, Magdala ka ng mababangong espesia, estacte, at onycha, at galbano; mabangong espesia na may taganas na kamangyan: na magkakaisa ng timbang;

449
Mga Konsepto ng TaludtodMiraSinamonMasasarap na Pagkain

Magdala ka rin ng mga pinakamagaling na espesia, ng taganas na mira ay limang daang siklo, at ng mabangong kanela ay kalahati nito, dalawang daan at limang pu; at ng mabangong kalamo ay dalawang daan at limang pu,

503
Mga Konsepto ng TaludtodAkasya na Kahoy

At gagawa ka ng isang dambana na mapagsusunugan ng kamangyan: na kahoy na akasia iyong gagawin.

547

At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi,

586

Bukod dito'y nagsalita ang Panginoon kay Moises, na sinasabi,

630
Mga Konsepto ng TaludtodKatubusanKaparusahanKatubusan sa Lumang TipanPagsamba, Panahon ngAaron, bilang Punong SaserdoteAltar ng InsensoBawat TaonTubusin sa Pamamagitan ng Alay

At si Aaron ay tutubos ng sala sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambana, minsan sa isang taon: kaniyang tutubusin sa sala na minsan sa isang taon, ng dugo ng handog dahil sa kasalanan, sa buong panahon ng inyong mga lahi: kabanal-banalan nga sa Panginoon.

669
Mga Konsepto ng TaludtodPagawan ng SinsilyoPagawaan ng SinsilyoPiraso, KalahatingMga Pagtitimbang na PanukatHalaga ng mga TaoTamang SukatBuwis na Dapat Bayaran

Ito ang kanilang ibibigay, bawa't maraanan sa kanila na nangabibilang: kalahati ng isang siklo ayon sa siklo ng santuario: (ang isang siklo ay dalawang pung gera): kalahating siklo na pinakahandog sa Panginoon.

682
Mga Konsepto ng TaludtodGinigiling

At iyong didikdikin ang iba niyan ng durog na durog at ilalagay mo sa harap ng kaban ng patotoo, sa loob ng tabernakulo ng kapisanan na aking pakikipagtagpuan sa iyo: aariin ninyong kabanalbanalan.

687
Mga Konsepto ng TaludtodKoleksyonLikas na mga Sakuna

Pagbilang mo sa mga anak ni Israel, ayon sa mga nabilang sa kanila ay magbibigay nga ang bawa't isa sa kanila ng katubusan ng kaniyang kaluluwa sa Panginoon, pagka iyong binibilang sila; upang huwag magkaroon ng salot sa gitna nila pagka iyong binibilang sila.

708
Mga Konsepto ng TaludtodPabangoDalisay na mga BagayMaasim, Pagiging

At iyong gagawing kamangyan, na isang pabangong ayon sa katha ng manggagawa ng pabango, na tinimplahan ng asin, na pulos at banal;

727
Mga Konsepto ng TaludtodAltar, Gamit ngAaron, bilang Punong SaserdoteBawat Umaga

At magsusunog si Aaron sa ibabaw niyaon ng kamangyan na mababangong espesia: tuwing umaga pagka kaniyang inaayos ang mga ilawan, ay susunugin niya.

746

At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi,

779
Mga Konsepto ng TaludtodMagkatulad na mga Bagay

At ang kamangyan na inyong gagawin, ayon sa pagkakatha niyan ay huwag ninyong gagawin para sa inyo: aariin mong banal sa Panginoon.

803
Mga Konsepto ng TaludtodLikhang-Sining, Uri ngPagpahid na LangisPabangoAaron, bilang Punong SaserdoteOlibo, Langis ngGamot, Mga

At iyong gagawing banal na langis na pangpahid, isang pabangong kinatha ng ayon sa katha ng manggagawa ng pabango: siya ngang magiging banal na langis na pangpahid.

829
Mga Konsepto ng TaludtodPlangganaTansoParaan ng PaglilinisSaligan ng mga bagayTansong mga Bagay para sa Tabernakulo

Gagawa ka rin ng isang hugasang tanso, at ang tungtungan ay tanso, upang paghugasan: at iyong ilalagay sa gitna ng tabernakulo ng kapisanan at ng dambana at iyong sisidlan ng tubig.

846
Mga Konsepto ng TaludtodTakipsilim

At pagka sinisindihan ni Aaron ang mga ilawan sa hapon, ay kaniyang susunugin, na isang kamangyang palagi sa harap ng Panginoon, sa buong panahon ng inyong mga lahi.

854
Mga Konsepto ng TaludtodYaong Inalis mula sa Israel

Sinomang gumawa ng gaya niyan, upang amuyin ay ihihiwalay sa kaniyang bayan.

857
Mga Konsepto ng TaludtodPagpahid ng Langis sa mga KasangkapanPagpahid ng Langis ang mga Bagay-bagayAng Tabernakulo

At iyong papahiran niyaon ang tabernakulo ng kapisanan, at ang kaban ng patotoo,

858
Mga Konsepto ng TaludtodAltar ng InsensoInuming HandogHayop, Pagkaing Alay naInsenso, Hindi Maayos na Paghahandog ngKarne, Handog na

Huwag kayong maghahandog ng ibang kamangyan sa ibabaw niyaon, o ng handog na susunugin, o ng handog na harina man: at huwag kayong magbubuhos ng inuming handog sa ibabaw niyaon.

905
Mga Konsepto ng TaludtodPatas na BayadPagawan ng SinsilyoPagiging MahirapHalaga ng mga TaoBuwis na Dapat BayaranMayayamang Tao

Ang mayaman ay hindi magbibigay ng higit, at ang dukha ay hindi magbibigay ng kulang sa kalahating siklo, pagbibigay nila ng handog sa Panginoon, upang ipangtubos sa inyong mga kaluluwa.

907
Mga Konsepto ng TaludtodKaban ng Tipan, Paggawa saHabag, Luklukan ngKaban ng Tipan, Layunin ngKatubusan sa Lumang TipanKabanalbanalang DakoUriKaban ng Tipan, Mga Pangalan para saAltar ng InsensoPatotoo, MgaPakikipagtagpo sa DiyosLuklukan ng Habag

At iyong ilalagay sa harap ng tabing na nasa siping ng kaban ng patotoo, sa harap ng luklukan ng awa na nasa ibabaw ng kaban ng patotoo, na aking pakikipagtagpuan sa iyo.

910
Mga Konsepto ng TaludtodParisukat, MgaSukat ng mga Gamit sa TemploIsang Materyal na Bagay

Isang siko magkakaroon ang haba niyaon, at isang siko ang luwang niyaon; parisukat nga: at dalawang siko magkakaroon ang taas niyaon: ang mga anyong sungay niyaon ay kaputol din.

927
Mga Konsepto ng TaludtodAlaalaPaalala, Mga

At iyong kukunin sa mga anak ni Israel ang pangtubos na salapi, at iyong gugugulin sa paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan; na maging pinakaalaala sa mga anak ni Israel sa harap ng Panginoon, upang ipangtubos sa inyong mga kaluluwa.

941
Mga Konsepto ng TaludtodTimbang ng Ibang mga Bagay

At ng kasia, limang daan, ayon sa siklo ng santuario, at ng langis ng oliva ay isang hin:

949
Mga Konsepto ng TaludtodKamatayan na Dahil sa Presensya ng DiyosPaghuhugas

Pagka sila'y pumapasok sa tabernakulo ng kapisanan, ay maghuhugas sila ng tubig, upang sila'y huwag mamatay, o pagka sila'y lumalapit sa dambana na mangasiwa, upang magsunog ng handog na pinaraan sa apoy sa Panginoon.

972
Mga Konsepto ng TaludtodKalagitnaan ng EdadDalawangpuGulang

Bawa't maraanan sa kanila na nangabibilang, mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, ay magbibigay ng handog sa Panginoon.

980
Mga Konsepto ng TaludtodHipuinHipuin ang Banal na mga Bagay

At pakabanalin mo upang maging mga kabanalbanalan: lahat ng makahipo sa mga yao'y magiging banal.

985
Mga Konsepto ng TaludtodSaserdote, Pagtatatag sa Panahon ng Lumang Tipan

At si Aaron at ang kaniyang mga anak ay maghuhugas doon ng kanilang mga paa:

987
Mga Konsepto ng TaludtodOrdinansiyaKamatayan na Dahil sa Presensya ng Diyos

Gayon sila maghuhugas ng kanilang mga kamay at ng kanilang mga paa upang huwag silang mamatay: at magiging isang palatuntunan magpakailan man sa kanila, sa kaniya at sa kaniyang binhi, sa buong panahon ng kanilang mga lahi.

1036
Mga Konsepto ng TaludtodParaan ng PaglilinisNahahanda Itayo ang Tansong DambanaPagpahid ng Langis ang mga Bagay-bagay

At ang dambana ng handog na susunugin sangpu ng lahat ng mga kasangkapan, at ang hugasan at ang tungtungan.

1048
Mga Konsepto ng TaludtodSingsingAltar ng InsensoDala-dalang mga Banal na BagayGintong Gamit sa Tabernakulo

At igagawa mo yaon ng dalawang argolyang ginto sa ilalim ng kornisa, sa dakong itaas ng dalawang tagiliran iyong gagawin; at magiging suutan ng mga pingga upang mabuhat.

1058
Mga Konsepto ng TaludtodAltar ng InsensoPinapaibabawan ng GintoGintong Gamit sa TabernakuloGiliran ng mga Bagay

At iyong babalutin ng taganas na ginto ang ibabaw niyaon, at ang mga tagiliran niyaon sa palibot, at ang mga sungay niyaon; at igagawa mo ng isang kornisang ginto sa palibot.

1135
Mga Konsepto ng TaludtodAltar ng InsensoPinapaibabawan ng Ginto

At ang iyong gagawing mga pingga ay kahoy na akasia, at iyong babalutin ng ginto.

1147
Mga Konsepto ng TaludtodHapag, MgaPagpahid ng Langis ang mga Bagay-bagay

At ang dulang, at ang lahat ng mga kasangkapan niyaon, at ang kandelero at ang mga kasangkapan niyaon, at ang dambanang suuban.