14 Talata sa Bibliya tungkol sa Patotoo, Mga
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Inyong iingatan ng buong sikap ang mga utos ng Panginoon ninyong Dios, at ang kaniyang mga patotoo, at ang kaniyang mga palatuntunan, na kaniyang iniutos sa iyo.
At iyong ingatan ang bilin ng Panginoon mong Dios, na lumakad sa kaniyang mga daan, na ingatan ang kaniyang mga palatuntunan, ang kaniyang mga utos, at ang kaniyang mga kahatulan, at ang kaniyang mga patotoo, ayon sa nasusulat sa kautusan ni Moises, upang ikaw ay guminhawa sa lahat ng iyong ginagawa, at saan ka man pumihit:
Ang kautusan ng Panginoon ay sakdal, na nagsasauli ng kaluluwa: ang patotoo ng Panginoon ay tunay, na nagpapapantas sa hangal.
Lahat na landas ng Panginoon ay kagandahang-loob at katotohanan sa mga gayon na nangagiingat ng kaniyang tipan at kaniyang mga patotoo.
Ako'y kumapit sa iyong mga patotoo: Oh Panginoon, huwag mo akong ilagay sa kahihiyan.
Ang mga patotoo mo'y inari kong pinakamana magpakailanman; sapagka't sila ang kagalakan ng aking puso.
At ako'y nagpatirapa sa kaniyang paanan upang siya'y aking sambahin. At sinasabi niya sa akin, Ingatan mong huwag gawin iyan: ako'y kapuwa mo alipin at ng iyong mga kapatid na mayroong patotoo ni Jesus: sumamba ka sa Dios: sapagka't ang patotoo ni Jesus ay siyang espiritu ng hula.
At iyong ilalagay ang luklukan ng awa sa ibabaw ng kaban; at sa loob ng kaban, ay iyong ilalagay ang mga kinalalagdaan ng patotoo, na aking ibibigay sa iyo.
At iyong ilalagay ang luklukan ng awa sa ibabaw ng kaban ng patotoo sa kabanalbanalang dako.
At kaniyang kinuha at inilagay ang mga tabla ng patotoo sa loob ng kaban, at kaniyang inilagay ang mga pingga sa kaban, at kaniyang inilagay ang luklukan ng awa sa itaas ng ibabaw ng kaban:
At iyong ilalagay sa harap ng tabing na nasa siping ng kaban ng patotoo, sa harap ng luklukan ng awa na nasa ibabaw ng kaban ng patotoo, na aking pakikipagtagpuan sa iyo.
At iyong ilalagay ang dambanang ginto para sa kamangyan sa harap ng kaban ng patotoo, at ilalagay mo ang tabing ng pintuan sa tabernakulo.
Sapagka't hindi ako nangangahas magsalita ng anomang mga bagay, maliban na sa mga ginawa ni Cristo sa pamamagitan ko, sa pagtalima ng mga Gentil, sa salita at sa gawa, Sa bisa ng mga tanda at ng mga kababalaghan, sa kapangyarihan ng Espiritu ng Dios; ano pa't buhat sa Jerusalem, at sa palibotlibot hanggang sa Ilirico, ay aking ipinangaral na lubos ang evangelio ni Cristo;
Tapat ang pasabi, at nararapat tanggapin ng lahat, na si Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan; na ako ang pangulo sa mga ito; Gayon ma'y dahil dito, kinahabagan ako, upang sa akin na pangulong makasalanan, ay maipahayag ni Jesucristo ang buong pagpapahinuhod niya, na halimbawa sa mga magsisisampalataya sa kaniya, sa ikabubuhay na walang hanggan.