Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Ezekiel 14

Ezekiel Rango:

50
Mga Konsepto ng TaludtodLupain na Walang Laman

Kung aking paraanin ang mga mabangis na hayop sa lupain, at kanilang sirain, at ito'y magiba na anopa't walang taong makadaan dahil sa mga hayop;

87
Mga Konsepto ng TaludtodTatlong LalakeMga Batang NaghihirapInililigtas ang Sarili

Bagaman ang tatlong lalaking ito ay nangandoon, buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, hindi sila mangagliligtas ng mga anak na lalake o babae man; sila lamang ang maliligtas, nguni't ang lupain ay masisira.

131
Mga Konsepto ng TaludtodMga Batang NaghihirapInililigtas ang Sarili

Bagaman si Noe, si Daniel, at si Job, ay nangandoon, buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, hindi sila mangagliligtas ng mga anak na lalake o babae man; ang kanila lamang ililigtas ay ang kanilang sariling kaluluwa sa pamamagitan ng kanilang katuwiran.

140
Mga Konsepto ng TaludtodMatatanda bilang Pinuno sa KomunidadSinagogaNauupo sa Paanan

Nang magkagayo'y lumapit sa akin ang ilan sa mga matanda sa Israel, at nangaupo sa harap ko.

190
Mga Konsepto ng TaludtodPagkawasak ng Lahat ng NilalangAng mga Tao at Hayop ay kapwa Napatay

O kung ako'y magpasapit ng tabak sa lupaing yaon, at aking sabihin, Tabak, dumaan ka sa lupain; na anopa't aking ihiwalay roon ang tao at hayop;

325
Mga Konsepto ng TaludtodHalimbawa, Mabuting mgaNoeTatlong LalakeInililigtas ang Sarili

Bagaman ang tatlong lalaking ito, na si Noe, si Daniel at si Job, ay nangandoon, ang kanila lamang ililigtas ay ang kanilang sariling mga kaluluwa, sa pamamagitan ng kanilang katuwiran, sabi ng Panginoong Dios.

333
Mga Konsepto ng TaludtodTatlong LalakeMga Batang NaghihirapInililigtas ang Sarili

Bagaman ang tatlong lalaking ito ay nangandoon, buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, sila'y hindi mangagliligtas ng mga anak na lalake o babae man, kundi sila lamang ang maliligtas.

349
Mga Konsepto ng TaludtodSalot, MgaSalotPagkawasak ng Lahat ng NilalangTaggutom na Mula sa DiyosApat na Ibang BagayAng mga Tao at Hayop ay kapwa Napatay

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Gaano pa nga kaya kung aking pasapitin ang aking apat na mahigpit na kahatulan sa Jerusalem, ang tabak, at ang kagutom, at ang mabangis na hayop, at ang salot, upang ihiwalay roon ang tao at hayop?

370
Mga Konsepto ng TaludtodSalotPagkawasak ng Lahat ng NilalangNilukuban ng DugoAng mga Tao at Hayop ay kapwa Napatay

O kung ako'y magsugo ng salot sa lupaing yaon, at aking ibugso ang aking kapusukan sa kaniya na may kabagsikan, upang ihiwalay ang tao't hayop;

384
Mga Konsepto ng TaludtodNalabiNakaligtas sa Israel, MgaDiyos na UmaaliwDiyos na Inatras ang Hatid na Pinsala

Gayon ma'y, narito, doo'y maiiwan ang isang nalabi na ilalabas, mga anak na lalake at sangpu ng babae: narito, kanilang lalabasin kayo, at inyong makikita ang kanilang mga lakad at ang kanilang mga gawa; at kayo'y mangaaaliw tungkol sa kasamaan na aking pinasapit sa Jerusalem, tungkol sa lahat na aking pinasapit doon.

400
Mga Konsepto ng TaludtodWalang Kabuluhang mga PagtratrabahoTao, Kaaliwan ng

At kanilang aaliwin kayo pagka nakikita ninyo ang kanilang lakad at ang kanilang mga gawa at inyong makikilala na hindi ko ginawang walang kadahilanan ang lahat na aking ginawa roon, sabi ng Panginoong Dios.

433
Mga Konsepto ng TaludtodKatangian ng PusoPagsamba sa Diyus-diyusanSa HarapanPaghahadlang sa Gawain ng Diyos

Anak ng tao, tinaglay ng mga lalaking ito ang kanilang mga diosdiosan sa kanilang puso, at inilagay ang katitisuran ng kanilang kasamaan sa harap ng kanilang mukha: dapat bagang sanggunian nila ako?

470
Mga Konsepto ng TaludtodTaggutom, Sanhi ng

At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,

501
Mga Konsepto ng TaludtodIunatKamay ng DiyosDiyos na NanlilinlangDiyos na LabanKamay ng Diyos na Nakaunat

At kung ang propeta ay madaya at magsalita ng isang salita, akong Panginoon ang dumaya sa propetang yaon, at aking iuunat ang aking kamay sa kaniya, at papatayin ko siya mula sa gitna ng aking bayang Israel.

511
Mga Konsepto ng TaludtodHindi Tapat sa DiyosIunatKamay ng DiyosPagkawasak ng Lahat ng NilalangKamay ng Diyos na NakaunatAng mga Tao at Hayop ay kapwa NapatayHindi Tapat

Anak ng tao, pagka ang isang lupain ay nagkasala laban sa akin ng pagsalangsang, at aking iniunat ang aking kamay roon, at aking binali ang tungkod ng tinapay niyaon, at nagsugo ako ng kagutom doon, at aking inihiwalay roon ang tao at hayop;

519
Mga Konsepto ng TaludtodPagbabago, Katangian ngHindi Pagsisisi, Bunga ngTalikuranPagsisis, Katangian ngUgali ng PagsisisiPag-Iwas sa Diyus-diyusanPagsisisi sa mga Kasuklamsuklam

Kaya't sabihin mo sa sangbahayan ni Israel, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Mangagbalik-loob kayo, at kayo'y magsitalikod sa inyong mga diosdiosan; at ihiwalay ninyo ang inyong mga mukha sa lahat ninyong kasuklamsuklam.

560
Mga Konsepto ng TaludtodBanyaga, MgaPagsangguni sa DiyosKasalananPagkakahiwalay mula sa DiyosDiyos, Sasagutin ngSa HarapanPaghahadlang sa Gawain ng DiyosDayuhan, Mga

Sapagka't bawa't tao sa sangbahayan ni Israel, o sa mga taga ibang lupa na nangananahan sa Israel, na humihiwalay ng kaniyang sarili sa akin, at nagtataglay ng kaniyang mga diosdiosan sa kaniyang puso, at naglalagay ng katitisuran ng kaniyang kasamaan sa harap ng kaniyang mukha, at naparoroon sa propeta upang magusisa sa akin tungkol sa kaniyang sarili; akong Panginoon ang sasagot sa kaniya:

598
Mga Konsepto ng TaludtodKatangian ng PusoDiyos, Sasagutin ngPagsamba sa Diyus-diyusanDiyos na Laban sa IdolatriyaSa HarapanPaghahadlang sa Gawain ng Diyos

Kaya't salitain mo sa kanila, at sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Bawa't tao sa sangbahayan ni Israel na nagtataglay ng kaniyang mga diosdiosan sa kaniyang puso, at naglalagay ng katitisuran ng kaniyang kasamaan sa harap ng kaniyang mukha, at naparoroon sa propeta; akong Panginoon ay sasagot sa kaniya roon ng ayon sa karamihan ng kaniyang mga diosdiosan;

610
Mga Konsepto ng TaludtodPatas na HatolMasamang mga PropetaNatagpuang may SalaPatnubaySalaKahihinatnan

At kanilang dadanasin ang kanilang kasamaan: ang kasamaan ng propeta ay magiging gaya nga ng kasamaan niya na humahanap sa kaniya;

686
Mga Konsepto ng TaludtodMukha ng DiyosTatak sa mga Tao, MgaDiyos na Laban

At aking ititingin ang aking mukha laban sa taong yaon, at aking gagawin siyang katigilan, na pinakatanda at pinaka kawikaan, at aking ihihiwalay siya sa gitna ng aking bayan; at inyong malalaman na ako ang Panginoon.

699
Mga Konsepto ng TaludtodKarumihan dahil sa KasalananMga Taong NaliligawMga Taong Dinudungisan ang Kanilang SariliAko ay Kanilang Magiging DiyosKasalanan ay Kumakapit sa MakasalananPaglakiping Muli

Upang ang sangbahayan ni Israel ay huwag nang maligaw pa sa akin, o mahawa pa man sa lahat nilang pagsalangsang; kundi upang sila'y maging aking bayan, at ako'y maging kanilang Dios, sabi ng Panginoong Dios.

768

At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin na nagsasabi,

786
Mga Konsepto ng TaludtodPagtanggi sa DiyosPagkahiwalayPagkakahiwalay mula sa DiyosDiyos na Laban sa IdolatriyaMatinding Kahibangan

Upang aking makuha ang sangbahayan ni Israel sa kanilang sariling puso sapagka't silang lahat ay nagsilayo sa akin dahil sa kanilang mga diosdiosan.