17 Bible Verses about Patas na Hatol

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Leviticus 24:17-22

At ang manakit ng malubha sa kanino mang tao, ay papataying walang pagsala; At ang manakit ng malubha sa isang hayop ay magpapalit: hayop kung hayop. At kung ang sinoman ay makasakit sa kaniyang kapuwa: ayon sa ginawa niya ay gayon ang gagawin sa kaniya;magbasa pa.
Bugbog kung bugbog, mata kung mata, ngipin kung ngipin: ayon sa kaniyang pagkasakit sa tao, ay gayon din ang gagawin sa kaniya. At ang pumatay ng isang hayop ay magpapalit, at ang pumatay sa isang tao ay papatayin. Magkakaroon kayo ng isa lamang kautusan sa taga ibang bayan, na gaya sa tubo sa lupain: sapagka't ako ang Panginoon ninyong Dios.

Exodus 21:24

Mata kung mata, ngipin kung ngipin, kamay kung kamay, paa kung paa,

Leviticus 24:20

Bugbog kung bugbog, mata kung mata, ngipin kung ngipin: ayon sa kaniyang pagkasakit sa tao, ay gayon din ang gagawin sa kaniya.

Deuteronomy 19:21

At ang iyong mata'y huwag mahahabag: buhay kung buhay, mata kung mata, ngipin kung ngipin, kamay kung kamay, paa kung paa.

Matthew 5:38

Narinig ninyong sinabi, Mata sa mata, at ngipin sa ngipin:

Exodus 21:25

Paso kung paso, sugat kung sugat, bugbog kung bugbog.

Exodus 21:36

O kung kilala, na ang baka ay dating manunuwag sa panahong nakaraan, at hindi kinulong ng may-ari; ay tunay ngang magbabayad siya, ng baka kung baka, at ang patay na hayop ay magiging kaniyang sarili.

Exodus 21:23

Datapuwa't kung may anomang karamdamang sumunod, magbabayad ka nga ng buhay kung buhay,

Leviticus 24:17-18

At ang manakit ng malubha sa kanino mang tao, ay papataying walang pagsala; At ang manakit ng malubha sa isang hayop ay magpapalit: hayop kung hayop.

Leviticus 24:18

At ang manakit ng malubha sa isang hayop ay magpapalit: hayop kung hayop.

1 Kings 20:39

At pagdadaan ng hari ay kaniyang sinigawan ang hari: at kaniyang sinabi, Ang iyong lingkod ay lumabas sa gitna ng pagbabaka; at, narito, isang lalake ay lumihis, at nagdala ng isang lalake sa akin, at nagsabi, Ingatan mo ang lalaking ito: kung sa anomang paraan ay makatanan siya, ang iyo ngang buhay ang mapapalit sa kaniyang buhay, o magbabayad ka kaya ng isang talentong pilak.

1 Kings 20:42

At sinabi niya sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, Sapagka't iyong pinabayaang makatanan sa iyong kamay ang lalake na aking itinalaga sa kamatayan, ang iyo ngang buhay ay papanaw na kapalit ng kaniyang buhay, at ang iyong bayan ng kaniyang bayan.

2 Kings 10:24

At sila'y nagsipasok na nangaghandog ng mga hain at ng mga handog na susunugin. Si Jehu nga ay naghalal para sa kaniya ng walongpung lalake sa labas, at nagsabi, Kung sinoman sa mga lalake na aking dalhin sa inyong mga kamay ay makatanan ang buhay ng nagpakawala ay isasagot sa buhay niyaon.

Ezekiel 14:10

At kanilang dadanasin ang kanilang kasamaan: ang kasamaan ng propeta ay magiging gaya nga ng kasamaan niya na humahanap sa kaniya;

Ezekiel 16:59

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Akin namang gagawin sa iyo na gaya ng iyong ginawa, na iyong hinamak ang sumpa sa pagsira ng tipan.

Numbers 33:56

At mangyayari, na kung ano ang iniisip kong gawin sa kanila, ay gayon ang gagawin ko sa inyo.

Deuteronomy 19:19

Ay gagawin mo nga sa kaniya, ang gaya ng kaniyang inisip gawin sa kaniyang kapatid: sa gayo'y iyong aalisin ang kasamaan sa gitna mo.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a