Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Ezekiel 23

Ezekiel Rango:

66
Mga Konsepto ng TaludtodKarwaheKaritonSanggalangGulong, MgaKaritonSinasalakay gamit ang KarwaheHelmet, MgaMga Taong Lumalaban

At sila'y magsisiparitong laban sa iyo na ma'y mga almas, mga karo, at mga kariton, at may kapulungan ng mga tao; sila'y magsisilagay laban sa iyo sa palibot na may longki, at kalasag at turbante; at aking ipauubaya ang kahatulan sa kanila, at sila'y magsisihatol sa iyo ayon sa kanilang mga kahatulan.

253
Mga Konsepto ng TaludtodKapansananDiyos, Sigasig ngPaninibughoPutulan ng Bahagi sa KatawanIlongSirang AnyoNakaligtas, Mga WinasakPinatay sa TabakPagsunog sa mga TaoMga Batang NaghihirapPagpuputol ng Bahagi ng Katawan

At aking ilalagak ang aking paninibugho laban sa iyo, at sila'y magsisigawa sa iyo sa kapusukan; kanilang pipingusin ang iyong ilong at ang iyong mga tainga; at ang nalabi sa iyo ay mabubuwal sa pamamagitan ng tabak: kanilang kukunin ang iyong mga anak na lalake at babae; at ang nalabi sa iyo ay susupukin sa apoy,

338
Mga Konsepto ng TaludtodSemilyaLalake, Ari ngKabataang MagkasintahanPagtatalikPagkalalakeMagsingirog

At siya'y umibig sa mga nagsisiagulo sa kaniya, na ang laman ay parang laman ng mga asno, at ang lumalabas sa kanila ay parang lumalabas sa mga kabayo.

344
Mga Konsepto ng TaludtodPagtigilPigilan ang KasamaanKinalimutan ang mga TaoEspirituwal na Pagpapatutot

Ganito ko patitigilin sa iyo ang iyong kahalayan, at ang iyong pagpapatutot na dinala mula sa lupain ng Egipto: na anopa't hindi mo ididilat ang iyong mga mata sa kanila, o aalalahanin mo pa man ang Egipto kailan man.

387
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Bibiguin sila ng

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, ibibigay kita sa kamay ng mga ipinagtatanim mo, sa kamay ng mga pinagsawaan ng iyong kalooban;

391
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Hinuhubaran ang mga TaoEspirituwal na PagpapatutotMga Taong KinamumuhianGawing mga Pag-aari

At hahatulan ka nila na may pagtatanim, at aalisin ang lahat ng iyong kayamanan, at iiwan kang hubad at hubo: at ang sala mong pagpapatutot ay malilitaw, ang iyong kahalayan at gayon din ang iyong mga pagpapatutot.

401
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Hinuhubaran ang mga TaoHiyas, Mga

Kanila rin namang huhubaran ka ng iyong mga suot, at dadalhin ang iyong mga magandang hiyas.

420

Ang salita ng Panginoon ay dumating uli sa akin na nagsasabi:

429
Mga Konsepto ng TaludtodMasamang PamamaraanMagkakaugnay na mga BansaYapak ng Paa

Ikaw ay lumakad sa lakad ng iyong kapatid; kaya't ibibigay ko ang kaniyang saro sa iyong kamay.

451
Mga Konsepto ng TaludtodKakutyaan, Katangian ngMalalim na mga Bagay

Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Ikaw ay iinom sa saro ng iyong kapatid, na malalim at malaki: ikaw ay tatawanan na pinakatuya at pinaka kadustaan; maraming laman.

478
Mga Konsepto ng TaludtodDibdib, Talinghagang Gamit ngHipuin upang SaktanDibdibBirhen, Pagka

At sila'y nagpatutot sa Egipto; sila'y nagpatutot sa kanilang kadalagahan: doo'y nangahigpit ang kanilang mga dibdib, at doo'y nangahipo ang mga suso ng kanilang pagkadalaga.

485
Mga Konsepto ng TaludtodInialay na mga BataPagkain para sa Ibang DiyosPagkain na Alay sa mga Diyus-diyusanPagpatay sa mga Anak na Lalake at Babae

Sapagka't sila'y nagkasala ng pangangalunya, at dugo ay nasa kanilang mga kamay; at sa kanilang mga diosdiosan ay nagsisamba; at kanila namang pinaraan sa apoy upang masupok ang kanilang mga anak, na kanilang ipinanganak sa akin.

494
Mga Konsepto ng TaludtodPagligo bilang PagsisiyaPalamutiPampagandaMata, Iniingatang mgaPagsusuot ng mga PalamutiPusaHiyas, MgaPampaganda

At bukod dito ay inyong ipinasundo ang mga taong nangagmumula sa malayo, na siyang mga ipinasundo sa sugo, at, narito, sila'y nagsisidating; na siyang dahil ng iyong ipinaligo, at ipinagkulay mo ng iyong mga mata, at pinaggayakan mo ng mga gayak;

496
Mga Konsepto ng TaludtodSa Parehas ring OrasDinudungisan ang Banal na DakoSabbath, Paglabag sa

Bukod dito'y ginawa nila ito sa akin: kanilang nilapastangan ang aking santuario sa araw ding yaon, at nilapastangan ang aking mga sabbath.

510
Mga Konsepto ng TaludtodMagkakaugnay na mga BansaMga Taong Nakatalaga sa Diyos

At ang mga pangalan nila ay Ohola ang matanda, at Oholiba ang kapatid niya: at sila'y naging akin at nanganak ng mga lalake at babae. At tungkol sa kanilang mga pangalan, Samaria ay Ohola, at Jerusalem ay Oholiba.

536
Mga Konsepto ng TaludtodPagkawasakMagkakaugnay na mga BansaMga Taong Nagulat

Ikaw ay lubhang malalasing at mamamanglaw, sa pamamagitan ng sarong katigilan at kapahamakan, sa pamamagitan ng saro ng iyong kapatid na Samaria.

551
Mga Konsepto ng TaludtodPaglago ng KasamaanPagiging Masama sapul PagkabataMga Taong NakakaalalaEspirituwal na Pagpapatutot

Gayon ma'y kaniyang pinarami ang kaniyang mga pakikiapid, na inalaala ang mga kaarawan ng kaniyang kadalagahan, na kaniyang ipinagpatutot sa lupain ng Egipto,

556
Mga Konsepto ng TaludtodKasalanan, Ipinabatid na

Sinabi ng Panginoon sa akin bukod dito: Anak ng tao: hahatulan mo baga si Ohola at si Oholiba? ipakilala mo sa kanila ang kanilang mga kasuklamsuklam.

572
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Dinudungisan ang Kanilang SariliEspirituwal na PagpapatutotPagsamba sa Diyus-diyusan

Ang mga bagay na ito ay gagawin sa iyo, sapagka't ikaw ay nagpatutot sa mga bansa, at sapagka't ikaw ay nadumhan sa kanilang mga diosdiosan.

575
Mga Konsepto ng TaludtodDalawang BabaeIna at Anak na LalakeAma at ang Kanyang mga Anak na Babae

Anak ng tao, may dalawang babae, na mga anak na babae ng isang ina:

613
Mga Konsepto ng TaludtodPandarambongMga Taong LumalabanMga Taong Nagulat

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Ako'y magsasampa ng isang kapulungan laban sa kanila, at ibibigay ko sila upang ligaliging paroo't parito at samsaman.

617
Mga Konsepto ng TaludtodPatutot, Mga

At si Ohola ay nagpatutot nang siya'y akin; at siya'y suminta sa mga mangingibig sa kaniya, sa mga taga Asiria na kaniyang mga kalapit bayan.

620
Mga Konsepto ng TaludtodLarawanPaglago ng KasamaanEspirituwal na Pagpapatutot

At kaniyang pinalago ang kaniyang mga pagpapatutot; sapagka't siya'y nakakita ng mga lalaking nakalarawan sa mga panig, na mga larawan ng mga Caldeo na nakalarawan ng bermillon,

634
Mga Konsepto ng TaludtodGana, Seksuwal naEspirituwal na PagpapatutotKaukulang Kadakilaan

At nakita ito ng kaniyang kapatid na si Oholiba, gayon ma'y siya'y higit na napahamak sa kaniyang pagibig kay sa kaniya, at sa kaniyang mga pagpapatutot na higit kay sa mga pagpapatutot ng kaniyang kapatid.

642
Mga Konsepto ng TaludtodKabastusanDibdib, Talinghagang Gamit ngPagiging Masama sapul PagkabataHipuin upang Saktan

Ganito mo inalaala ang kahalayan ng iyong kadalagahan, sa pagkahipo ng iyong mga suso ng mga taga Egipto dahil sa mga suso ng iyong kadalagahan.

649
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong LumalabanDiyos, Pakikiusap ng

Kaya, Oh Oholiba, ganito ang sabi ng Panginoong Dios; Narito, aking ibabangon ang mga mangingibig sa iyo laban sa iyo, na siyang pinagsawaan ng iyong kalooban, at aking dadalhin sila laban sa iyo sa lahat ng dako:

661
Mga Konsepto ng TaludtodSilid-TuluganMga Taong DinungisanEspirituwal na PagpapatutotPagtatalik sa Pagitan ng mga Bansa

At sinipingan siya ng mga taga Babilonia sa higaan ng pagibig, at kanilang dinumhan siya ng kanilang pagpapatutot, at siya'y nahawa sa kanila, at ang kaniyang kalooban ay tinabangan sa kanila.

683
Mga Konsepto ng TaludtodTinataponEspirituwal na PagpapatutotKahihinatnan

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't ako'y iyong nilimot, at tinalikdan mo ako, taglayin mo nga rin ang iyong kahalayan at ang iyong mga pakikiapid.

685
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapadanakKahatulan ng MasamaHinatulan bilang Mamamatay Tao

At mga matuwid na tao ang hahatol sa kanila ng kahatulan sa mangangalunya, at ng kahatulan sa mga babae na nagbubo ng dugo; sapagka't sila'y mangangalunya, at dugo ang nasa kanilang mga kamay.

697
Mga Konsepto ng TaludtodSa Parehas ring OrasPagkain na Alay sa mga Diyus-diyusanPagpatay sa mga Anak na Lalake at Babae

Sapagka't nang kanilang patayin ang kanilang mga anak para sa kanilang mga diosdiosan, nagsiparoon nga sila nang araw ding yaon sa aking santuario upang lapastanganin; at, narito, ganito ang kanilang ginawa sa gitna ng aking bahay.

715

Siya'y umibig sa mga taga Asiria, sa mga tagapamahala at mga pinuno, sa kaniyang mga kalapit bayan, na nararamtan ng mga pinakamahusay, sa mga nangangabayo na nakasakay sa mga kabayo, silang lahat ay mga binatang makisig.

718

Ang mga taga Babilonia at lahat ng Caldeo, ang Pekod, at ang Soa, at ang Coa, at lahat ng taga Asiria na kasama nila; na mga binatang makisig, mga tagapamahala at mga pinuno silang lahat, mga prinsipe, at mga lalaking bantog, silang lahat ay nagsisisakay sa mga kabayo.

741
Mga Konsepto ng TaludtodLaslas na KatawanDibdib

Iyo ngang iinumin at tutunggain, at iyong hahaluin ang labo niyaon, at sasaktan ang iyong dibdib; sapagka't aking sinalita, sabi ng Panginoong Dios.

751
Mga Konsepto ng TaludtodKaramihan ng TaoMga PulserasKorona, Pinutungan ngPagsusuot ng mga Palamuti

At ang tinig ng pulutong na tiwasay ay nasa kaniya: at nadala na kasama ng mga lalake sa mga karaniwan ang mga manglalasing na mula sa ilang; at sila'y nangaglagay ng mga pulsera sa mga kamay nila, at mga magandang putong sa kanilang mga ulo.

757

At pagkakita niya sa kanila ay inibig niya agad sila, at nagsugo ng mga sugo sa kanila sa Caldea.

759
Mga Konsepto ng TaludtodAsal Hayop na Pamumuhay

Nang magkagayo'y sinabi ko sa kaniya na tumanda sa mga pangangalunya, Ngayon mangakikiapid pa sila sa kaniya, at siya sa kanila.

761
Mga Konsepto ng TaludtodKahubaran

Sa gayo'y inilitaw niya ang kaniyang mga pagpapatutot, at inilitaw niya ang kaniyang kahubaran: nang magkagayo'y tinabangan ang aking kalooban sa kaniya, na gaya ng pagkatabang ng aking kalooban sa kaniyang kapatid.

769
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapahirapKahubaran, Hindi Tinakpang

Ang mga ito ang nangaglitaw ng kaniyang kahubaran; kinuha nila ang kaniyang mga anak na lalake at babae; at siya'y pinatay nila ng tabak: at siya'y naging kakutyaan sa mga babae; sapagka't sila'y naglapat ng mga kahatulan sa kaniya.

788

Kaya't ibinigay ko siya sa kamay ng mga mangingibig sa kaniya, sa kamay ng mga taga Asiria, na siya niyang mga inibig.

791
Mga Konsepto ng TaludtodHapag, Mga

At naupo ka sa isang mainam na higaan, na may dulang na nakahanda sa harap niyaon, na siya mong pinaglapagan ng aking kamangyan at aking langis.

801
Mga Konsepto ng TaludtodDibdib, Talinghagang Gamit ngPagiging Masama sapul PagkabataHipuin upang SaktanMga Taong Hindi TumatalikodEspirituwal na PagpapatutotPagtatalik sa Pagitan ng mga Bansa

Ni hindi man niya iniwan ang kaniyang mga pagpapatutot mula sa mga kaarawan ng Egipto, sapagka't sa kaniyang kadalagahan, sila'y sumisiping sa kaniya, at nangahipo nila ang mga suso ng kaniyang pagkadalaga; at kanilang ibinuhos ang kanilang pagpapatutot sa kaniya.

831
Mga Konsepto ng TaludtodPagtigilPigilan ang KasamaanIwasan ang Kalaswaan

Ganito ko patitigilin ang kahalayan sa lupain, upang ang lahat na babae ay maturuan na huwag magsigawa ng ayon sa inyong mga kahalayan.

840
Mga Konsepto ng TaludtodGobernadorKagandahan sa mga LalakeKulay, Lila naLilang Kasuotan

Na nananamit ng kulay asul, ang mga tagapamahala at ang mga pinuno, silang lahat na binatang makisig, mga mangangabayo na nangakasakay sa mga kabayo.

869
Mga Konsepto ng TaludtodSinturonTakip sa UloBaywangOpisyalesPagtitinaPanakip sa Ulo

Na nangabibigkisan sa kanilang mga balakang, na mga may lumilipad na turbante sa kanilang mga ulo, silang lahat ay parang mga prinsipe ayon sa wangis ng mga taga Babilonia sa Caldea, na lupain na kanilang kinapanganakan.

881
Mga Konsepto ng TaludtodPagtatalik sa Pagitan ng mga Bansa

At sinipingan nila siya, na parang sumiping sa isang patutot: gayon nila sinipingan si Ohola at si Oholiba, na malibog na mga babae.

1052
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Dinudungisan ang Kanilang SariliPagsamba sa Diyus-diyusan

At ipinagkaloob niya sa kanila ang kaniyang pakikiapid, sa mga pinaka piling lalake sa Asiria sa kanilang lahat; at sa sino man na inibig niya, sa lahat nilang diosdiosan, ay nadumhan siya.

1092
Mga Konsepto ng TaludtodSasapitin ng Sumasamba sa DiyusdiyusanDiyos, Hihingin ngKaparusahan, MgaKahihinatnan

At gagantihin nila ang inyong kahalayan sa inyo, at inyong dadanasin ang mga kasalanan tungkol sa inyong mga diosdiosan, at inyong malalaman na ako ang Panginoong Dios.

1118
Mga Konsepto ng TaludtodPagsunog sa mga LungsodTakot na BatuhinPagpatay sa mga Anak na Lalake at Babae

At babatuhin sila ng kapulungan, ng mga bato, at tatagain sila ng kanilang mga tabak; papatayin nila ang kanilang mga anak na lalake at babae, at susunugin ng apoy ang kanilang mga bahay.