Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Ezekiel 27

Ezekiel Rango:

58
Mga Konsepto ng TaludtodKanayunanBagay na Nayayanig, MgaGrupong Nagsisigawan

Sa lakas ng hiyaw ng iyong mga tagaugit, ang mga nayon ay mangayayanig.

108
Mga Konsepto ng TaludtodMagdaragatTao na BumabagsakSumagwanMaglayag

At lahat na nagsisihawak ng gaod, ang mga tao sa sasakyan, at lahat ng tagaugit sa dagat, ay magsisibaba sa kanilang mga sasakyan; sila'y magsisitayo sa ibabaw ng lupain,

158
Mga Konsepto ng TaludtodPagtangisNatatanging Bayan

At sa kanilang pagtangis ay pananaghuyan ka nila, at tatangisan ka, na sasabihin, Sino ang gaya ng Tiro na gaya niya na nadala sa katahimikan sa gitna ng dagat?

168

Pagka ang iyong mga kalakal ay inilalabas sa mga dagat, iyong binubusog ang maraming bayan; iyong pinayaman ang mga hari sa lupa ng karamihan ng iyong mga kayamanan at ng iyong mga kalakal.

234
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong LumilisanSumisitsit

Pinagsutsutan ka ng mga mangangalakal sa gitna ng mga bayan; ikaw ay naging kakilakilabot, at hindi ka na mabubuhay pa.

358
Mga Konsepto ng TaludtodHalamang Gamot at mga PampalasaPabangoHalaman, MgaKalakalBakal

Nakikipagpalitan ang Vedan at Javan sa iyong mga kalakal ng sinulid na lana: ang makinang na bakal, ang kasia, at ang kalamo, ay ilan sa iyong mga kalakal.

385
Mga Konsepto ng TaludtodKalungkutanPagwiwisikTinig, MgaAbo sa UloAbo ng Pagpapakababa

At iparirinig ang kanilang tinig sa iyo, at hihiyaw ng kalagimlagim, at mangagbubuhos ng alabok sa kanilang mga ulo, sila'y magsisigumon sa mga abo:

446
Mga Konsepto ng TaludtodBarko, Lumulubog naBagay na Nahuhulog, Mga

Sa panahon na ikaw ay bagbag sa tabi ng mga dagat sa kalaliman ng tubig, ang iyong kalakal at ang iyong buong pulutong ay lumubog sa gitna mo.

447
Mga Konsepto ng TaludtodPangungunaBakalMineral, MgaPilakLataKalakal

Ang Tarsis ay iyong mangangalakal dahil sa karamihan ng sarisaring kayamanan; na ang pilak, bakal, lata, at tingga, ay ipinapalit nila sa iyong mga kalakal.

469
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakalboSako at AboKapaitanPagdadalamhatiPagmamarka

At mangagpapakakalbo dahil sa iyo, at mangagbibigkis ng kayong magaspang, at kanilang iiyakan ka ng kapanglawpanglaw sa kalooban, na may mapanglaw na pananangis.

488
Mga Konsepto ng TaludtodTansoTansoKalakal

Ang Javan, ang Tubal, at ang Mesec, mga mangangalakal mo: kanilang kinakalakal ang mga tao at ang mga sisidlang tanso na ipinapalit nila sa iyong mga kalakal.

518
Mga Konsepto ng TaludtodKambing, MgaLalakeng TupaKalakalTupa at mga Kambing, Mga

Ang Arabia, at lahat na prinsipe sa Cedar, mga naging mangangalakal ng iyong kamay; sa mga cordero, at mga lalaking tupa, at mga kambing, sa mga ito'y naging mga mangangalakal mo sila.

521
Mga Konsepto ng TaludtodPanghaplasTrigoTrigoPulotKalakal

Naging mga mangangalakal mo ang Juda, at ang lupain ng Israel: sila'y nakikipagpalitan sa iyong mga kalakal ng trigo ng Minith, at ng pannag, at ng pulot, at ng langis, at ng balsamo.

549

Ang salita ng Panginoon ay dumating uli sa akin, na nagsasabi:

578
Mga Konsepto ng TaludtodGintoHalamang Gamot at mga PampalasaAlahasKalakalMamahaling Bato, MgaInihatid na mga Ginto

Ang mga mangangalakal sa Seba at sa Raama, mga naging mangangalakal mo; kanilang ipinapalit sa iyong mga kalakal ang mga pinakamainam na especia, at lahat na mahalagang bato, at ang ginto.

606
Mga Konsepto ng TaludtodGaringBarko, MgaOak, Mga Puno ng

Ginawa nilang iyong mga saguwan ang mga encina sa Basan; ang kanilang ginawang mga bangko mong garing na nalalapat sa kahoy na boj ay mula sa mga pulo ng Chittim.

632
Verse ConceptsEden

Ang Haran at ang Canneh at ang Eden, na mga mangangalakal sa Seba, ang Assur at ang Chilmad ay naging mga mangangalakal mo.

633
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakalbo, Talinghagang KahuluganAwit, Mga

At ikaw, anak ng tao, panaghuyan mo ang Tiro;

638
Mga Konsepto ng TaludtodCedarPuno ng PirTablaCedar na Kahoy

Ang ginawa nilang makakapal mong tabla ay mga puno ng abeto na mula sa Senir: sila'y nagsikuha ng cedro mula sa Libano, upang gawing palo ng sasakyan mo.

644
Mga Konsepto ng TaludtodPagkabalisa, Mga Halimbawa ngMga Taong Nagulat

Lahat ng mananahan sa mga pulo ay nangatitigilan dahil sa iyo, at ang kanilang mga hari ay nangatakot ng di kawasa, sila'y nangamanglaw sa kanilang mukha.

645
Mga Konsepto ng TaludtodLikhang-Sining, Uri ngHusayKalakalMahuhusay na mga TaoSumagwan

Ang mga nananahan sa Sidon at Arvad ay iyong mga mananaguwan: ang iyong mga pantas, Oh Tiro, ay nangasa iyo, sila ang iyong mga tagaugit.

650
Mga Konsepto ng TaludtodKoralPagbuburdaEsmeraldaHiyasAlahasLinoMineral, MgaMahahalagang BatoKalakalLila, Tela na Kulay

Naging mangangalakal mo ang Siria dahil sa karamihan ng iyong mga gawang kamay: sila'y nakikipagpalitan sa iyong mga kalakal ng mga esmeralda, kulay ube, at yaring may burda, at manipis na kayong lino, at gasang at mga rubi.

651
Mga Konsepto ng TaludtodGaringKalakal

Ang mga tao sa Dedan ay iyong mangangalakal: maraming pulo ay nangagdadala ng kalakal sa iyong kamay: kanilang dinadala sa iyo na pinakapalit ay mga sungay na garing at ebano.

653
Mga Konsepto ng TaludtodPagmamalabisPagpasok sa mga SiyudadKaragatan, Nakatira saMga Taong Ginawang Ganap

At sabihin mo sa Tiro, Oh ikaw na tumatahan sa pasukan sa dagat, na ikaw ang mangangalakal sa mga bansa sa maraming pulo, ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Ikaw, Oh Tiro, nagsabi, Ako'y sakdal sa kagandahan.

669
Mga Konsepto ng TaludtodWatawat, Literal na Gamit ngPagbuburdaLinoKulay, Asul naAsul na TelaLila, Tela na KulayWatawatMaglayag

Manipis na kayong lino na yaring may burda na mula sa Egipto ang iyong layag, upang maging sa iyo'y isang watawat; kulay asul at morado na mula sa mga pulo ng Elisah ang iyong kulandong.

679
Mga Konsepto ng TaludtodMangagawa ng SiningLikhang-Sining, Uri ngTinatakan ang mga BagayMagdaragatBarko, Mga Pangangalakal naMahuhusay na mga Tao

Ang mga matanda sa Gebal at ang mga pantas niyao'y pawang tagapagpasak mo: ang lahat na sasakyan sa dagat sangpu ng mga tao ng mga yaon ay nangasa iyo upang pangasiwaan ang iyong kalakal.

691
Mga Konsepto ng TaludtodTakip sa UloLugar para sa mga SandataHelmet, MgaMakalupang HukboPinagmumulan ng Dangal

Ang Persia, ang Lud, at ang Phut ay nangasa iyong hukbo, na iyong mga lalaking mangdidigma: kanilang ibinitin ang kalasag at ang turbante sa iyo; nagpapaganda sa iyo.

755
Mga Konsepto ng TaludtodTupaLanaKalakalPuting Buhok

Mangangalakal mo ang Damasko dahil sa karamihan ng iyong mga gawang kamay, dahil sa karamihan ng sarisaring kayamanan, sangpu ng alak sa Helbon, at maputing lana.

803
Mga Konsepto ng TaludtodKalakalPaghahanda sa Paglalakbay

Naging iyong mangangalakal ang Dedan sa mga mahalagang kayo na ukol sa pangangabayo.

836
Mga Konsepto ng TaludtodMangangalakalMandaragatKalakalBarko, Mga Pangangalakal naSa Pusod ng Dagat

Ang mga sasakyan sa Tarsis ay iyong mga pulutong sa iyong kalakal: at ikaw ay napuno at naging totoong maluwalhati sa kalagitnaan ng mga dagat.

848
Mga Konsepto ng TaludtodMolaKalakalPagkakaroon ng Maraming Kabayo

Ang sangbahayan ni Togarma ay nakikipagpalitan sa iyong mga kalakal ng mga kabayo at ng mga kabayong pangdigma at ng mga mula.

916
Mga Konsepto ng TaludtodKagandahan sa mga ArtepaktoMandirigma, MgaNapapaderang mga BayanMga Taong Ginawang Ganap

Ang mga lalake sa Arvad na kasama ng iyong hukbo ay nangasa ibabaw ng iyong mga kuta sa palibot, at ang mga matatapang ay nasa iyong mga moog; kanilang isinabit ang kanilang mga kalasag sa iyong mga kuta sa palibot; kanilang pinasakdal ang iyong kagandahan.

932
Mga Konsepto ng TaludtodKagandahan sa mga ArtepaktoPananamit, Uri ngPalengkeMayamang KasuotanKalakalAsul na TelaIba't Ibang KulayKulayPampatibay

Ang mga ito ang iyong mga mangangalakal sa mga piling kalakal sa mga balutan ng mga yaring asul at may burda, at sa mga baul na may mainam na hiyas, natatalian ng mga sintas, at yaring cedro, na ilan sa iyong mga kalakal.

938
Mga Konsepto ng TaludtodSilanganPuso ng TaoHanginMula sa SilanganKaragatan, Nakatira saSumagwanAng Silangang Hangin

Dinala ka ng iyong mga manggagaod sa malawak na dagat: binagbag ka ng hanging silanganan sa kalagitnaan ng dagat.

970
Mga Konsepto ng TaludtodMagdaragatSundalo, MgaTinatakan ang mga BagayBagay na Nahuhulog, MgaMaglayag

Ang iyong kayamanan, at ang iyong mga kalakal, ang iyong tinda, at ang iyong mga manggagaod, at ang iyong mga tagaugit, ang iyong mga tagapagpasak, at ang nagsisipamahala ng iyong mga kalakal, at ang lahat mong lalaking mangdidigma na nangasa iyo, sangpu ng iyong lahat na pulutong na nangasa gitna mo, mangalulubog sa kalagitnaan ng dagat sa kaarawan ng iyong pagkasira.

1019
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Ginawang GanapSa Pusod ng DagatHangganan

Ang iyong mga hangganan ay nangasa kalaliman ng mga dagat, ang nagsipagtayo sa iyo ay nangagpasakdal ng iyong kagandahan.