Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Ezekiel 44

Ezekiel Rango:

413
Mga Konsepto ng TaludtodKatapatan sa DiyosPaglapit sa DiyosDugo ng SakripisyoLingkod, Panambahan sa Diyos at PagigingMga Taong NaliligawTaba ng mga Handog

Nguni't ang mga saserdoteng Levita na mga anak na lalake ni Sadoc, na nagiingat ng katungkulan sa aking santuario nang ang mga anak ni Israel ay magsihiwalay sa akin, sila'y magsisilapit sa akin upang magsipangasiwa sa akin; at sila'y magsisitayo sa harap ko upang mangaghandog sa akin ng taba at ng dugo, sabi ng Panginoong Dios:

443
Mga Konsepto ng TaludtodNakaharap sa SilanganDiyos na GumagabayLabas ng Bahay

Nang magkagayo'y ibinalik niya ako sa daan ng pintuan sa labas ng santuario, na nakaharap sa dakong silanganan; at ito'y nasara.

546
Mga Konsepto ng TaludtodDugo ng SakripisyoKarumihan, MgaMga Banyaga sa Banal na DakoPaglabag sa TipanTaba ng mga HandogHindi Tuling mga PusoTipan na ginawa sa Bundok sa Sinai

Sa inyong pagpapasok ng mga taga ibang lupa na hindi tuli sa puso at hindi tuli sa laman, upang malagay sa aking santuario, na lapastanganin yaon, sa makatuwid baga'y ang aking bahay, pagka inyong inihahandog ang aking tinapay, ang taba at ang dugo, at sinira nila ang aking tipan, upang idagdag sa lahat ninyong mga kasuklamsuklam.

585
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakalbo, Hindi Likas naBarberoUlo, MgaSaserdote, Gawain sa Panahon ng Lumang TipanPag-ahitMahabang BuhokGinugupitan ang BuhokBuhok

Ni aahitan man nila ang kanilang mga ulo, ni titiisin man ang kanilang buhok ay humaba; kanila lamang gugupitan ang kanilang mga ulo.

639
Mga Konsepto ng TaludtodPagkahiwalayMga Taong Naliligaw

Nguni't ang mga Levita na nagsilayo sa akin nang ang Israel ay maligaw sa akin sa pagsunod sa kanilang mga diosdiosan; mangagdadanas sila ng kanilang kasamaan.

646
Mga Konsepto ng TaludtodHukom, MgaOrdinansiyaSaserdote, Gawain sa Panahon ng Lumang TipanBanal na mga PanahonSabbath, Pangingilin saPagdiriwang na TinatangkilikTuparin ang Kautusan!Pagsasaayos ng Kaguluhan

At sa pagtatalo ay magsisitayo sila upang magsihatol; ayon sa aking mga kahatulan ay kanilang hahatulan: at kanilang iingatan ang aking mga kautusan at ang aking mga palatuntunan sa lahat kong takdang kapistahan; at kanilang ipangingilin ang aking mga sabbath.

681
Mga Konsepto ng TaludtodPaghihimagsik ng IsraelPagsisisi sa mga KasuklamsuklamHigit sa Sapat

At iyong sasabihin sa mapanghimagsik, sa makatuwid baga'y sa sangbahayan ni Israel, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Oh kayong sangbahayan ni Israel, mangaglikat na kayo sa lahat ninyong kasuklamsuklam,

737
Mga Konsepto ng TaludtodBanyaga, MgaPagiging BukodMga Banyaga sa Banal na DakoDayuhan sa Israel

Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Walang taga ibang lupa, na hindi tuli sa puso at hindi tuli sa laman na papasok sa aking santuario, kahit sinomang taga ibang lupa na nasa gitna ng mga anak ni Israel.

738
Mga Konsepto ng TaludtodGinigilingDiyos, Pagpapalain ngUnang BungaIkapu at Handog

At ang una sa lahat na unang bunga ng bawa't bagay, at lahat na alay na bawa't bagay, sa lahat ninyong mga alay ay magiging sa saserdote: inyo rin namang ibibigay sa mga saserdote ang una sa inyong masa upang pagpalain ang inyong bahay.

760
Mga Konsepto ng TaludtodKasuotanPawisTurbante at SumbreroIlalim na Kasuotan

Sila'y mangagpupugong ng kayong lino sa kanilang mga ulo, at mangagtatapi ng kayong lino sa kanilang mga balakang; hindi sila mangagbibigkis ng anomang nakapagpapapawis.

764
Mga Konsepto ng TaludtodPagpasok sa Templo

At sinabi ng Panginoon sa akin, Ang pintuang-daang ito ay sasarhan, hindi bubuksan, o papasukan man ng sinoman, sapagka't pinasukan ng Panginoon, ng Dios ng Israel; kaya't ito'y masasara.

829
Mga Konsepto ng TaludtodKaluwalhatian, Pahayag ngKaluwalhatian ng Diyos sa IsraelPuspusin ang SantuwaryoPagdating sa TarangkahanHilagang TarangkahanDiyos na GumagabaySa HarapanPlano para sa Bagong Templo, Mga

Nang magkagayo'y dinala niya ako sa daan ng pintuang-daang hilagaan sa harap ng bahay: at ako'y tumingin, at, narito, napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay ng Panginoon: at nasubasob ako.

864
Mga Konsepto ng TaludtodDiborsyo sa Lumang TipanSaserdote, Gawain sa Panahon ng Lumang TipanBirhenBalo, MgaIwasan ang DiborsyoPag-aasawa, Kontroladong

Ni mangagaasawa man sa babaing bao, o sa inihiwalay man: kundi sila'y magaasawa ng mga dalaga sa lahi ng sangbahayan ni Israel, o ng babaing bao na nabao sa saserdote.

914
Mga Konsepto ng TaludtodLanaSaserdote, Kasuotan ng mga

At mangyayari, na pagka sila'y magsisipasok sa mga pintuang-daan ng lalong loob na looban, susuutan sila ng mga kayong linong kasuutan; at walang lanang dadaiti sa kanila, samantalang sila'y nagsisipangasiwa sa mga pintuang-daan ng lalong loob na looban, at sa loob.

966
Mga Konsepto ng TaludtodTarangkahanSa HarapanPagpatay sa HandogPagmiministeryo

Gayon ma'y magiging tagapangasiwa sila sa aking santuario, na sila ang mamamahala sa mga pintuang-daan ng bahay, at magsisipangasiwa sa bahay: kanilang papatayin ang handog na susunugin at ang hain para sa bayan, at sila'y magsisitayo sa harap ng mga yaon upang pangasiwaan nila.

968
Mga Konsepto ng TaludtodSaserdote, Gawain sa Panahon ng Lumang TipanHapag, Mga

Sila'y magsisipasok sa aking santuario, at sila'y magsisilapit sa aking dulang, upang magsipangasiwa sa akin, at iingatan nila ang kanilang katungkulan sa akin.

1018
Mga Konsepto ng TaludtodMagkapatidAnak na Babae, MgaMagulangSaserdote, Gawain sa Panahon ng Lumang TipanPagiging IsaMagkapatid na BabaePagibig sa Pagitan ng mga Kamag-anakPaggalang sa MagulangPandurungis, Ipinagbabawal angTuntunin tungkol sa mga BangkayWalang AsawaRelasyon sa Kasintahang Lalake

At hindi sila magsisilapit sa alin mang patay na tao na mangagpakahawa; nguni't sa ama, o sa ina, o sa anak na lalake, o babae, sa kapatid na lalake, o babae na hindi nagkaasawa, maaaring mangagpakahawa sila.

1053
Mga Konsepto ng TaludtodSaserdote, Gawain sa Panahon ng Lumang TipanDiyos na Aking ManaWalang Makalupang Mana

At sila'y mangagkakaroon ng mana; ako'y kanilang mana; at hindi ninyo bibigyan sila ng pag-aari sa Israel; ako'y kanilang pag-aari.

1084
Mga Konsepto ng TaludtodPrinsipe, MgaKumakain sa Harapan ng DiyosSilid sa Templo ni Ezekiel, Mga

Tungkol sa prinsipe, siya'y mauupo roon na pinaka prinsipe upang kumain ng tinapay sa harap ng Panginoon; siya'y papasok sa daan ng portiko ng pintuang-daan, at lalabas sa daan ding yaon.

1107
Mga Konsepto ng TaludtodSala, Handog saPagbibigay sa DiyosPagkain para sa SaserdoteTuntunin para sa Handog na ButilTuntunin para sa Handog sa Kasalanan

Sila'y magsisikain ng handog na harina, at ng handog dahil sa kasalanan, at ng handog dahil sa pagkakasala; at bawa't bagay na itinalaga sa Israel ay magiging kanila.

1108
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapalit ng KasuotanMga Taong HinuhubaranSaserdote, Kasuotan ng mgaSilid sa TemploLabas ng Bahay

At pagka kanilang lalabasin ang mga tao sa looban sa labas, ng bahay, kanilang huhubarin ang kanilang mga kasuutan na kanilang ipinangangasiwa, at ilalagay nila ang mga ito sa mga banal na silid; at mangagsusuot sila ng ibang mga kasuutan, upang huwag nilang banalin ang mga tao ng kanilang mga kasuutan.

1110
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapatuloy sa Ibang TaoHindi Pinatutuloy ang mga TaoPlano para sa Bagong Templo, MgaMinamasdan ang mga Gawa ng DiyosAng Kautusan ay Ibinigay sa Israel

At ang Panginoon ay nagsabi sa akin, Anak ng tao, tandaan mong mabuti, at masdan mo ng iyong mga mata, at pakinggan mo ng iyong mga pakinig ang lahat na aking sinasabi sa iyo tungkol sa lahat ng alituntunin hinggil sa bahay ng Panginoon, at tungkol sa lahat ng kautusan doon; at tandaan mong mabuti ang pasukan ng bahay sangpu ng bawa't labasan sa santuario.

1130
Mga Konsepto ng TaludtodNadaramang PagkakasalaKahihinatnan

Sapagka't kanilang pinangasiwaan sila sa harap ng kanilang mga diosdiosan, at naging ikatitisod sila sa ikasasama ng sangbahayan ni Israel; kaya't itinaas ko ang aking kamay laban sa kanila, sabi ng Panginoong Dios, at dadanasin nila ang kanilang kasamaan.

1141
Mga Konsepto ng TaludtodSilid sa Templo

At sa kaarawan na siya'y pumasok sa santuario, sa lalong loob na looban upang mangasiwa sa santuario, siya'y maghahandog ng kaniyang handog dahil sa kasalanan, sabi ng Panginoong Dios.

1150
Mga Konsepto ng TaludtodHayop, Biniyak na mgaKamatayan ng lahat ng NilalangIpinagbabawal na PagkainKaugnayan ng Hayop sa TaoLikas na Kamatayan

Ang mga saserdote ay hindi kakain ng anomang bagay na namamatay sa kaniyang sarili, o nalapa, maging ibon o hayop man.

1151

Gayon ma'y gagawin ko silang tagapangasiwa sa bahay, para sa buong paglilingkod doon, at sa lahat na gagawin doon.

1200
Mga Konsepto ng TaludtodBanyaga, MgaMga Banyaga sa Banal na Dako

At hindi ninyo iningatan ang katungkulan sa aking mga banal na bagay; kundi kayo'y nangaglagay ng mga tagapangasiwa sa aking santuario sa ganang inyong sarili.

1221
Mga Konsepto ng TaludtodKahihiyan ay Dumating

At hindi sila magsisilapit sa akin upang magsagawa ng katungkulan ng saserdote sa akin, o magsisilapit man sa alin man sa mga banal na bagay ko, sa mga bagay na kabanalbanalan; kundi tataglayin nila ang kanilang kahihiyan, at ang kanilang mga kasuklamsuklam na kanilang ginawa.