Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Ezekiel 43

Ezekiel Rango:

405
Mga Konsepto ng TaludtodPasukan sa TemploNakaharap sa Silangan

Pagkatapos ay dinala niya ako sa pintuang-daan, sa makatuwid baga'y sa pintuang-daan na nakaharap sa dakong silanganan.

448
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Pagkatao na Paglalarawan saBangkay, Talinghagang GamitMatataas na DakoPangalan at Titulo para sa IglesiaDiyos na Namumuhay Kasama NatinPaglapastangan sa Pangalan ng DiyosEspirituwal na PagpapatutotPangangalaga sa PaaTuntunin tungkol sa mga Bangkay

At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, ito ang dako ng aking luklukan, at dako ng mga talampakan ng aking mga paa, na aking tatahanan sa gitna ng mga anak ni Israel magpakailan man. At hindi na lalapastanganin pa ng sangbahayan ni Israel ang aking banal na pangalan, nila man, o ng kanilang mga hari man, ng kanilang pagpapatutot, at ng mga bangkay man ng kanilang mga hari sa kanilang mga mataas na dako;

468
Mga Konsepto ng TaludtodIngayTinig, MgaNagliliwanagMula sa SilanganTunogDiyos ng LiwanagDiyos, Tinig ngUlap ng Kaluwalhatian

At, narito, ang kaluwalhatian ng Dios ng Israel ay nanggagaling sa dakong silanganan: at ang kaniyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig; at ang lupa ay nagningning sa kaniyang kaluwalhatian.

499
Mga Konsepto ng TaludtodKahihiyanDisenyoPlano para sa Bagong Templo, Mga

Ikaw, anak ng tao, ituro mo ang bahay sa sangbahayan ni Israel, upang sila'y mangapahiya sa kanilang mga kasamaan; at sukatin nila ang anyo.

562
Mga Konsepto ng TaludtodKalalimanTaasTimbangan at Panukat, Tuwid naSukat ng mga Gamit sa TemploNahahanda Itayo ang Tansong DambanaSaligan ng mga bagaySukat

At ito ang mga sukat ng dambana ayon sa mga siko (ang siko na pinakasukat ay isang siko at isang lapad ng kamay): ang patungan ay isang siko, at ang luwang ay isang siko, at ang gilid niyaon sa palibot ay isang dangkal; at ito ang magiging patungan ng dambana.

721
Mga Konsepto ng TaludtodPagtanggap ng DiyosPagtanggap mula sa DiyosAraw, IkawalongAlay sa Tansong AltarMga Taong Pinuri ng Diyos

At pagka kanilang naganap ang mga kaarawan, mangyayari na sa ikawalong araw, at sa haharapin, maghahandog ang mga saserdote ng inyong mga handog na susunugin sa ibabaw ng dambana, at ang inyong mga handog tungkol sa kapayapaan; at aking tatanggapin kayo, sabi ng Panginoong Dios.

790
Mga Konsepto ng TaludtodPuspusin ang SantuwaryoDiyos na Nagtataas sa mga Tao

At itinaas ako ng Espiritu, at dinala ako sa lalong loob na looban; at, narito, napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay.

793
Mga Konsepto ng TaludtodPagdating sa TarangkahanNakaharap sa Silangan

At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay pumasok sa bahay sa daan ng pintuang-daan na nakaharap sa dakong silanganan.

849
Mga Konsepto ng TaludtodPaglapit sa DiyosKasalanan, Handog para saPagaalay ng mga Baka

Iyong ibibigay sa mga saserdote na mga Levita na sa angkan ni Sadoc na malapit sa akin, upang magsipangasiwa sa akin, sabi ng Panginoong Dios, ang isang guyang baka na pinakahandog dahil sa kasalanan.

893
Mga Konsepto ng TaludtodSungay, MgaApat na Sungay

At ang lalong mataas na dambana ay magiging apat na siko; at mula sa apuyan ng dambana hanggang sa dakong itaas ay magkakaroon ng apat na sungay.

896
Mga Konsepto ng TaludtodParisukat, MgaSukat ng mga Gamit sa Templo

At ang apuyan ng dambana ay magkakaroon ng labing dalawang siko ang haba at labing dalawa ang luwang, parisukat sa apat na tagiliran niyaon.

901
Mga Konsepto ng TaludtodDisenyoPlano para sa Bagong Templo, MgaKahihiyan ng Masamang AsalAng Kautusan ay Ibinigay sa IsraelBalangkas

At kung sila'y mangapahiya sa lahat nilang ginawa, ipakilala mo sa kanila ang anyo ng bahay, at ang pagka-anyo niyaon, at ang mga labasan niyaon, at ang mga pasukan niyaon, at lahat ng anyo niyaon, at ang lahat ng mga alituntunin niyaon, at lahat ng anyo niyaon, at lahat ng kautusan niyaon; at iyong isulat yaon sa kanilang paningin; upang kanilang maingatan ang buong anyo niyaon, at ang lahat ng mga alituntunin niyaon, at kanilang isagawa.

902
Mga Konsepto ng TaludtodPlano para sa Bagong Templo, MgaAng Kautusan ay Ibinigay sa Israel

Ito ang kautusan tungkol sa bahay; ang taluktok ng bundok sa buong hangganan niyaon sa palibot ay magiging kabanalbanalan. Narito, ito ang kautusan tungkol sa bahay.

922
Mga Konsepto ng TaludtodPagkawasak ng JerusalemPangitain mula sa Diyos

At ayon sa anyo ng pangitain na aking nakita, ayon sa pangitain na nakita ko nang ako'y pumaroon upang gibain ang bayan; at ang mga pangitain ay gaya ng pangitain na aking nakita sa tabi ng ilog Chebar: at ako'y nasubasob.

934
Mga Konsepto ng TaludtodApat na SungaySulokTubusin sa Pamamagitan ng Alay

At kukuha ka ng dugo niyaon, at ilalagay mo sa apat na sungay niyaon, at sa apat na sulok ng patungan, at sa laylayan sa palibot: ganito mo lilinisin yaon at tutubusin ito.

984
Mga Konsepto ng TaludtodPakikinig sa Tinig ng Diyos

At aking narinig ang isang nagsasalita sa akin mula sa bahay; at isang lalake ay tumayo sa siping ko.

1010
Mga Konsepto ng TaludtodMaasim, Pagiging

At iyong ilalapit ang mga yaon sa harap ng Panginoon, at hahagisan ng asin ang mga yaon ng mga saserdote, at kanilang ihahandog na pinakahandog na susunugin sa Panginoon.

1032
Mga Konsepto ng TaludtodPagwiwisikPagwiwisik ng DugoNahahanda Itayo ang Tansong DambanaAng Kautusan ay Ibinigay sa Israel

At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Ito ang mga alituntunin tungkol sa dambana sa kaarawan na kanilang gagawin, upang paghandugan sa ibabaw ng mga handog na susunugin, at upang pagwisikan ng dugo.

1049
Mga Konsepto ng TaludtodSukat ng mga Gamit sa Templo

At mula sa patungan sa lupa sa lalong mababang grado ay malalagay na dalawang siko, at ang luwang ay isang siko; at mula sa lalong mababang grado hanggang sa lalong mataas na grado ay malalagay na apat na siko, at ang luwang ay isang siko.

1103
Mga Konsepto ng TaludtodHagdananParisukat, MgaSukat ng mga Gamit sa TemploNakaharap sa SilanganHakbangSaligan ng mga bagay

At ang patungan niyaon ay magkakaroon ng labing apat na siko ang haba at labing apat na siko ang luwang sa apat na tagiliran niyaon; at ang gilid sa palibot ay magiging kalahating siko; at ang patungan niyaon ay magiging isang siko sa palibot; at ang mga baytang niyaon ay paharap sa dakong silanganan.

1116
Mga Konsepto ng TaludtodPintuan, Pinid ngPaglapastangan sa Pangalan ng DiyosPanganib kapag Malapit ang Diyos

Sa kanilang paglalagay ng kanilang pasukan sa tabi ng aking pasukan, at ng kanilang haligi ng pintuan sa tabi ng aking haligi ng pintuan, at wala kundi pader sa pagitan ko at nila; at kanilang nilapastangan ang aking banal na pangalan sa pamamagitan ng kanilang mga kasuklamsuklam na kanilang ginawa: kaya't aking pinugnaw sila sa aking galit.

1120
Mga Konsepto ng TaludtodBangkay, Talinghagang GamitWalang Hanggang kasama ang DiyosDiyos na Namumuhay Kasama NatinEspirituwal na PagpapatutotUgali sa mga HariBangkay ng mga Tao

Iwan nga nila ang kanilang pagpapatutot, at ilayo sa akin ang mga bangkay ng kanilang mga hari, at ako'y tatahan sa gitna nila magpakailan man.

1131
Mga Konsepto ng TaludtodGanap na mga AlayPagaalay ng mga Tupa at Baka

Pagka ikaw ay nakatapos ng paglilinis, maghahandog ka ng isang guyang toro na walang kapintasan, at isang lalaking tupa na mula sa kawan na walang kapintasan.

1199
Mga Konsepto ng TaludtodPitong ArawGanap na mga AlayMinsan sa Isang ArawPagaalay ng mga KambingPagaalay ng mga Tupa at Baka

Pitong araw na maghahanda ka sa bawa't araw ng isang kambing na pinakahandog dahil sa kasalanan: maghahanda rin sila ng guyang toro, at isang lalaking tupang mula sa kawan, na walang kapintasan.

1220
Mga Konsepto ng TaludtodKambing, MgaAng Ikalawang Araw ng LinggoGanap na mga AlayNahahanda Itayo ang Tansong DambanaAraw, IkalawangPagaalay ng mga Kambing

At sa ikalawang araw ay maghahandog ka ng kambing na lalake na walang kapintasan na pinakahandog dahil sa kasalanan; at kanilang lilinisin ang dambana gaya ng kanilang pagkalilis sa pamamagitan ng guyang toro.

1230
Mga Konsepto ng TaludtodPagtatalagaPitong ArawNahahanda Itayo ang Tansong DambanaTubusin sa Pamamagitan ng AlayPanlinis

Pitong araw na kanilang tutubusin ang dambana at lilinisin; gayon nila itatalaga.

1258
Mga Konsepto ng TaludtodPagsunog sa mga SakripisyoPagaalay ng mga BakaBanal na LupainLabas ng Bahay

Iyo rin namang kukunin ang guyang toro na handog dahil sa kasalanan, at susunugin mo sa takdang dako ng bahay, sa labas ng santuario.