Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Ezekiel 45

Ezekiel Rango:

547
Mga Konsepto ng TaludtodInuming HandogBagong Buwan, Pista ngTubusin sa Pamamagitan ng AlayPagsasagawa ng Butil na Handog sa DiyosTuntunin para sa Handog na ButilTuntunin para sa Handog sa KasalananSabbath, Pangingilin saPagdiriwang na TinatangkilikPagbibigay HandogKarne, Handog na

At magiging tungkulin ng prinsipe na magbigay ng mga handog na susunugin, at ng mga handog na harina, at ng mga inuming handog, sa mga kapistahan, at sa mga bagong buwan, at sa mga sabbath, sa lahat ng takdang kapistahan ng sangbahayan ni Israel: siya'y maghahanda ng handog dahil sa kasalanan, at ng handog na harina, at ng handog na susunugin, at ng mga handog tungkol sa kapayapaan, upang ipangtubos sa sangbahayan ni Israel.

593
Mga Konsepto ng TaludtodBanal na Lupain

Bukod dito'y pagka inyong hahatiin sa pamamagitan ng sapalaran ang lupain na pinakamana, mangaghahandog kayo ng alay sa Panginoon, isang banal na bahagi ng lupain; ang haba ay magkakaroon ng habang dalawang pu't limang libong tambo, at ang luwang ay magiging sangpung libo: ito'y magiging banal sa lahat ng hangganan niyaon sa palibot.

595
Mga Konsepto ng TaludtodKarahasan, Ugali ng Diyos labanKarahasanPagtigilPigilan ang KasamaanPag-Iwas sa KarahasanHindi NasisiraManloloko

Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Magkasiya ito sa inyo, Oh mga prinsipe ng Israel: iwan ninyo ang pangdadahas at pagsamsam, at magsagawa kayo ng kahatulan at ng kaganapan; alisin ninyo ang inyong atang sa aking bayan, sabi ng Panginoong Dios.

621
Mga Konsepto ng TaludtodPagawan ng SinsilyoBangkoPagawaan ng SinsilyoMga Pagtitimbang na PanukatMalaking Denominasyon

At ang siklo ay magiging dalawang pung gera: dalawangpung siklo, lima at dalawang pung siklo, labing limang siklo ay siyang magiging maneh ninyo.

654
Mga Konsepto ng TaludtodBagong TaonWalang Lebadurang TinapayLebaduraAng Bilang na Labing ApatPitong ArawTuntunin para sa PaskuwaPagdiriwang

Sa unang buwan, sa ikalabing apat na araw ng buwan, magdidiwang kayo ng paskua, isang kapistahan na pitong araw; tinapay na walang levadura ang kakanin.

775
Mga Konsepto ng TaludtodGanap na mga AlayPagaalay ng mga Baka

Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sa unang buwan, sa unang araw ng buwan, kukuha ka ng guyang toro na walang kapintasan; at iyong lilinisin ang santuario.

846
Mga Konsepto ng TaludtodTimbangan at PanukatTimbangan at Panukat ng TubigMga Pagtitimbang na PanukatTamang SukatSukat

Ang efa at ang bath ay magiging iisang takalan, upang ang bath ay maglaman ng ikasangpung bahagi ng isang homer, at ang efa ay ikasangpung bahagi ng isang homer: ang takal niyaon ay magiging ayon sa homer.

853
Mga Konsepto ng TaludtodTrigoTrigo

Ito ang alay na inyong ihahandog: ang ikaanim na bahagi ng isang efa mula sa isang homer ng trigo; at inyong ibibigay ang ikaanim na bahagi ng isang efa mula sa isang homer ng cebada;

859
Mga Konsepto ng TaludtodPakikibahagi kay Cristo

Buong bayan ng lupain ay magbibigay ng alay na ito sa prinsipe sa Israel.

998
Mga Konsepto ng TaludtodKahangalan sa KasamaanTubusin sa Pamamagitan ng AlayPagkakasundoKahangalan

At gayon ang iyong gagawin sa ikapitong araw ng buwan para sa bawa't nagkakamali, at sa bawa't walang malay: gayon ninyo lilinisin ang bahay.

1009
Mga Konsepto ng TaludtodAng Bilang Labing LimaBuwan, IkapitongPitong ArawLangis para sa mga HandogTuntunin para sa Handog na ButilTuntunin para sa Handog sa Kasalanan

Sa ikapitong buwan, sa ikalabing limang araw ng buwan, sa kapistahan, kaniyang gagawin ang gaya ng pitong araw; ayon sa handog dahil sa kasalanan, ayon sa handog na susunugin, at ayon sa handog na harina, at ayon sa langis.

1031
Mga Konsepto ng TaludtodPakikipisan, Handog naTubusin sa Pamamagitan ng AlayTuntunin para sa Handog na Butil

At isang batang tupa sa kawan, mula sa dalawang daan, na mula sa matabang pastulan ng Israel; na pinakahandog na harina, at pinakahandog na susunugin, at pinakahandog tungkol sa kapayapaan, upang ipangtubos sa kanila, sabi ng Panginoong Dios.

1048
Mga Konsepto ng TaludtodPitong HayopPitong ArawGanap na mga AlayMinsan sa Isang ArawTuntunin para sa Handog sa KasalananPagaalay ng mga KambingPagaalay ng mga Tupa at Baka

At sa pitong araw ng kapistahan ay ipaghahanda niya ng handog na susunugin ang Panginoon, pitong toro at pitong tupa na walang kapintasan sa araw-araw na pitong araw; at isang kambing araw-araw na pinakahandog dahil sa kasalanan.

1071
Mga Konsepto ng TaludtodAyon sa Taong-Bayan

Sa lupaing ito'y magiging kaniya na pinakaari sa Israel: at hindi na pipighatiin pa ng aking mga prinsipe ang aking bayan; kundi ibibigay nila ang lupain sa sangbahayan ni Israel ayon sa kanilang mga lipi.

1082
Mga Konsepto ng TaludtodParisukat, MgaPlano para sa Bagong Templo, MgaKalawakan

Dito'y magkakaroon ukol sa dakong banal ng limang daan ang haba at limang daang luwang, parisukat sa palibot; limang pung siko sa pagitan niyaon sa palibot.

1096
Mga Konsepto ng TaludtodLungsod sa IsraelBanal na Lupain

At inyong itatakda ang pag-aari ng bayan na limang libo ang luwang, at dalawang pu't limang libo ang haba, sa tabi ng alay na banal na bahagi: magiging ukol sa buong sangbahayan ni Israel.

1097
Mga Konsepto ng TaludtodKanlurang Bahagi

Magkakaroon naman para sa prinsipe ng bahagi sa isang dako at sa kabilang dako sa banal na alay at sa pag-aari ng bayan, sa harap ng banal na alay at sa harap ng pag-aari ng bayan, sa dakong kalunuran na gawing kalunuran, at sa dakong silanganan na gawing silanganan; at ang haba ay ayon sa isa sa mga bahagi, mula sa hangganang kalunuran hanggang sa hangganang silanganan.

1102
Mga Konsepto ng TaludtodTimbangan at PanukatTimbangan at Panukat ng TubigMga Pagtitimbang na Panukat

At ang takdang bahagi ng langis, ng bath ng langis, ang ikasangpung bahagi ng bath mula sa isang kor, na sangpung bath, o isang homer (sapagka't sangpung bath ay isang homer);

1105
Mga Konsepto ng TaludtodLangis para sa mga HandogEfa (Sampung Omer)Tuntunin para sa Handog na Butil

At siya'y maghahanda ng handog na harina, ng isang efa sa isang toro, at ng isang efa sa isang lalaking tupa, at isang hin ng langis sa isang efa.

1119
Mga Konsepto ng TaludtodKabanalbanalang Dako

At sa sukat na ito iyong susukatin, na ang haba ay dalawang pu't limang libo, at ang luwang ay sangpung libo: at doo'y malalagay ang santuario, na pinakabanal.

1168
Mga Konsepto ng TaludtodLingkod, Panambahan sa Diyos at PagigingLungsod sa Israel

At dalawang pu't limang libo ang haba, at sangpung libo ang luwang ay magiging sa mga Levita, na mga tagapangasiwa ng bahay, na pinaka pag-aari sa kanilang sarili, na dalawang pung silid.

1170
Mga Konsepto ng TaludtodPagaalay ng mga Baka

At sa araw na yaon ay maghahanda ang prinsipe para sa kaniya at sa buong bayan ng lupain ng isang guyang toro na pinakahandog dahil sa kasalanan.

1178
Mga Konsepto ng TaludtodApat na SulokApat na GilidAlay sa Tansong AltarTuntunin para sa Handog sa Kasalanan

At ang saserdote ay kukuha ng dugo ng handog dahil sa kasalanan, at ilalagay sa mga haligi ng pintuan ng bahay, at sa apat na sulok ng patungang dambana, at sa mga haligi ng pintuang-daan ng lalong loob na looban.

1202
Mga Konsepto ng TaludtodPaglapit sa DiyosPlano para sa Bagong Templo, MgaBanal na LupainTitulo at Pangalan ng mga Ministro

Siyang banal na bahagi ng lupain; ito'y para sa mga saserdote, na mga tagapangasiwa ng santuario, na nagsisilapit upang magsipangasiwa sa Panginoon; at ito'y magiging dakong kalalagyan ng kanilang mga bahay, at banal na dakong kalalagyan ng santuario.