Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Ezekiel 46

Ezekiel Rango:

437
Mga Konsepto ng TaludtodBagong Buwan, Pista ngAnim na ArawGawa ng Pagbubukas, AngBinubuksan ang TemploIpinipinid ang TarangkahanNakaharap sa SilanganSa Araw ng Sabbath

Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Ang pintuang-daan ng lalong loob na looban na nakaharap sa dakong silanganan ay sasarhan sa anim na araw na iginagawa; nguni't sa sabbath ay bubuksan, at sa kaarawan ng bagong buwan ay bubuksan.

884
Mga Konsepto ng TaludtodPag-aaring Lupa

Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Kung ang prinsipe ay magbigay ng kaloob sa kanino man sa kaniyang mga anak, ay magiging kaniyang mana, mauukol sa kaniyang mga anak; siyang kanilang pag-aari na pinakamana.

900
Mga Konsepto ng TaludtodPakikipisan, Handog naTarangkahanTarangkahan ng TemploIpinipinid ang TarangkahanPagpasok sa TemploLumabasGumawa hanggang Gabi

At ang prinsipe ay papasok sa daan ng portiko ng pintuang-daan sa labas; at tatayo sa tabi ng haligi ng pintuang-daan; at maghahanda ang mga saserdote ng kaniyang handog na susunugin, at ng kaniyang mga handog tungkol sa kapayapaan, at siya'y sasamba sa may pasukan ng pintuang-daan; kung magkagayo'y lalabas siya; nguni't ang pintuang-daan ay hindi sasarhan hanggang sa hapon.

921
Mga Konsepto ng TaludtodGawa ng Pagbubukas, AngBinubuksang TarangkahanIpinipinid ang TarangkahanNakaharap sa SilanganSa Araw ng SabbathMalayang Kalooban

At pagka ang prinsipe ay maghahanda ng kusang handog, ng handog na susunugin o ng mga handog tungkol sa kapayapaan na pinakakusang handog sa Panginoon, may isang magbubukas sa kaniya ng pintuang-daan na nakaharap sa dakong silanganan; at kaniyang ihahanda ang kaniyang handog na susunugin at ang kaniyang mga handog tungkol sa kapayapaan, gaya ng kaniyang ginagawa sa araw ng sabbath; kung magkagayo'y lalabas siya; at pagkalabas niya ay sasarhan ng isa ang pintuang-daan.

957
Mga Konsepto ng TaludtodLupain bilang Pananagutan ng DiyosHuwag Magnakaw

Bukod dito'y hindi kukuha ang prinsipe ng mana ng bayan, na aalisin sa kanila ang kanilang pag-aari; siya'y magbibigay ng mana sa kaniyang mga anak na mula sa kaniyang sariling pag-aari, upang ang aking bayan ay huwag mangalat bawa't isa sa kaniyang pag-aari.

982
Mga Konsepto ng TaludtodSabbath sa Lumang TipanPagsamba, Panahon ngSa Araw ng Sabbath

At ang bayan ng lupain ay sasamba sa may pintuan ng pintuang-daang yaon sa harap ng Panginoon sa mga sabbath at sa mga bagong buwan.

1025
Mga Konsepto ng TaludtodPagluluto, Paraan ngPagluluto sa HurnoSala, Handog saTuntunin para sa Handog na ButilTuntunin para sa Handog sa KasalananSilid sa TemploGinawang Banal ang Bayan

At sinabi niya sa akin, Ito ang dako na pagpapakuluan ng mga saserdote ng handog sa pagkakasala at ng handog dahil sa kasalanan, na siyang kanilang pagiihawan ng handog na harina; upang huwag nilang mailabas sa lalong labas na looban, upang banalin ang bayan.

1035
Mga Konsepto ng TaludtodPagkainUmagang PagsambaOrdinansiyaAgahanMamasa masang mga BagayLangis para sa mga HandogEfa (Sampung Omer)Tuntunin para sa Handog na ButilKarne, Handog na

At iyong ihahandang handog na harina na kasama niyaon tuwing umaga, ang ikaanim na bahagi ng isang efa, at ang ikatlong bahagi ng isang hin ng langis, upang basain ang mainam na harina; isang handog na harina na lagi sa Panginoon: na pinakalaging alituntunin.

1040
Mga Konsepto ng TaludtodPaglalakbay, Banal naHindi LumilikoHilagang TarangkahanTimog, Mga Pasukang Daan saPagdiriwang na Tinatangkilik

Nguni't pagka ang bayan ng lupain ay haharap sa Panginoon sa mga takdang kapistahan, siyang pumapasok sa daan ng pintuang-daang hilagaan upang sumamba ay lalabas sa daan ng pintuang-daang timugan ay lalabas sa daan ng pintuang-daang hilagaan; hindi siya babalik sa daan ng pintuang-daan na kaniyang pinasukan, kundi lalabas na matuwid sa harap niya.

1047
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakansela ng UtangMga Taong Inaangkin ang Ibang mga BagayKabaligtaran ng mga BagayPamana

Nguni't kung ibigay niya ang kaniyang mana na pinakakaloob sa isa sa kaniyang mga alipin, magiging kaniya sa taon ng kalayaan; kung magkagayo'y mababalik sa prinsipe; nguni't tungkol sa kaniyang mana, magiging sa kaniyang mga anak.

1063
Mga Konsepto ng TaludtodLangis para sa mga HandogEfa (Sampung Omer)Mahirap at MayamanTuntunin para sa Handog na Butil

At ang handog na harina ay isang efa sa lalaking tupa, at ang handog na harina sa mga batang tupa ay ang kaniyang kayang ibigay, at isang hin ng langis sa isang efa.

1093
Mga Konsepto ng TaludtodUmagang PagsambaGanap na mga AlayMinsan sa Isang ArawHayop, Batay sa kanilang Gulang

At ikaw ay maghahanda ng isang batang tupa ng unang taon na walang kapintasan na pinakahandog na susunugin sa Panginoon araw-araw: tuwing umaga ay maghahanda ka.

1094
Mga Konsepto ng TaludtodKorderoLalakeng TupaSabbath sa Lumang TipanAnim na mga BagayGanap na mga AlaySa Araw ng Sabbath

At ang handog na susunugin na ihahandog ng prinsipe sa Panginoon sa araw ng sabbath ay anim na batang tupa na walang kapintasan at isang lalaking tupang walang kapintasan;

1137
Mga Konsepto ng TaludtodEfa (Sampung Omer)Mahirap at MayamanTuntunin para sa Handog na ButilPagdiriwang na Tinatangkilik

At sa mga kapistahan at sa mga kadakilaan ay ang handog na harina ay magiging isang efa sa isang toro, at isang efa sa lalaking tupa, at sa mga batang tupa ay ang kayang ibigay niya, at isang hin ng langis sa isang efa.

1148
Mga Konsepto ng TaludtodKanlurang BahagiSilid sa Templo ni Ezekiel, Mga

Nang magkagayo'y dinala niya ako sa pasukan, na nasa tabi ng pintuang-daan, sa loob ng mga banal na silid na ukol sa mga saserdote, na nakaharap sa hilagaan: at, narito, may isang dako sa lalong loob na bahagi na dakong kalunuran.

1149
Mga Konsepto ng TaludtodLangis para sa mga HandogEfa (Sampung Omer)Mahirap at MayamanTuntunin para sa Handog na Butil

At siya'y maghahanda ng handog na harina, isang efa sa toro, at isang efa sa lalaking tupa, at sa mga batang tupa ay ayon sa kaniyang kaya, at isang hin na langis sa isang efa.

1159
Mga Konsepto ng TaludtodMinisteryoPagluluto

Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Ito ang mga dako na pakuluan na pagpapakuluan ng mga tagapangasiwa sa bahay ng hain ng bayan.

1176
Mga Konsepto ng TaludtodBuwanAnim na mga BagayGanap na mga AlayPagaalay ng mga Tupa at Baka

At sa kaarawan ng bagong buwan ay isang guyang toro na walang kapintasan, at anim na batang tupa at isang lalaking tupa; mga walang kapintasan:

1177
Mga Konsepto ng TaludtodApat na Ibang Bagay

At may isang pader sa palibot ng mga yaon, sa palibot ng apat, at may ginawang pakuluang mga dako sa ilalim ng mga pader sa palibot.

1214
Mga Konsepto ng TaludtodApat na SulokSulokApat na GilidSilid sa Templo

Sa apat na sulok ng looban ay may mga looban na nababakod, apat na pung siko ang haba at tatlong pu ang luwang: ang apat na ito sa mga sulok ay may isang sukat.

1224
Mga Konsepto ng TaludtodPagpasok sa TemploLumabas

At pagka ang prinsipe ay papasok, siya'y papasok sa daan ng portiko ng pintuang-daan, at sa daan ding yaon siya lalabas.

1248
Mga Konsepto ng TaludtodSulokSilid sa TemploLabas ng Bahay

Nang magkagayo'y inilabas niya ako sa labas ng looban ng bahay at pinaraan niya ako sa apat na sulok ng looban; at, narito, sa bawa't sulok ng looban ay may isang looban.

1252
Mga Konsepto ng TaludtodPapuntang MagkakasamaPagpasok sa TemploLumabas

At ang prinsipe, pagka sila'y magsisipasok, ay magsisipasok sa gitna ng mga yaon; at pagka sila'y magsisilabas ay magsisilabas na magkakasama.

1260
Mga Konsepto ng TaludtodUmagang PagsambaKarne, Handog na

Ganito nila ihahanda ang batang tupa at ang handog na harina, at ang langis, tuwing umaga, na pinakahandog na susunuging lagi.