Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Ezekiel 6

Ezekiel Rango:

64
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakaalam sa Diyos, Katangian ng

At ang mga patay ay mangabubuwal sa gitna ninyo, at inyong malalaman na ako ang Panginoon.

89
Mga Konsepto ng TaludtodPagtakas sa KasamaanNakaligtas sa Israel, Mga

Gayon ma'y magiiwan ako ng nalabi, upang magkaroon sa inyo ng ilan na nakatanan sa tabak sa gitna ng mga bansa, pagka kayo'y mangangalat sa mga lupain.

132
Mga Konsepto ng TaludtodPagbabago, Hinihingi ng Diyos para saPagtalikod sa Lumang TipanPagtanggi sa Diyos, Bunga ngPuso ng mga Hindi MananampalatayaHedonismoTalikuran ang DiyosPagtakas sa KasamaanPagsamba sa Diyus-diyusanPagkamuhi sa Isang TaoPuso, Sugatang

At silang nangakatanan sa inyo ay aalalahanin ako sa gitna ng mga bansa na pagdadalhan sa kanilang bihag, kung paanong ako'y nakipagkasira sa kanilang masamang kalooban na humiwalay sa akin, at sa kanilang mga mata, na yumaong sumamba sa kanilang mga diosdiosan; at sila'y magiging kasuklamsuklam sa kanilang sariling paningin dahil sa mga kasamaan na kanilang nagawa sa lahat nilang kasuklamsuklam.

167
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakakilala sa DiyosAltarOak, Mga Puno ngPagsamba sa Diyus-diyusanSasapitin ng Sumasamba sa DiyusdiyusanPagsamba sa mga Puno

At inyong malalaman na ako ang Panginoon, pagka ang kanilang mga patay na tao ay mangalalagay sa gitna ng kanilang mga diosdiosan sa palibot ng kanilang mga dambana, sa ibabaw ng bawa't mataas na burol, sa lahat na taluktok ng mga bundok, at sa ilalim ng bawa't sariwang punong kahoy, at sa ilalim ng bawa't mayabong na encina, na kanilang pinaghandugan ng masarap na amoy sa lahat nilang diosdiosan.

194
Mga Konsepto ng TaludtodWalang Kabuluhang mga PagtratrabahoDiyos na Maaring Manakit sa mga Tao

At kanilang malalaman na ako ang Panginoon: hindi ako nagsalita ng walang kabuluhan na aking gagawin ang kasamaang ito sa kanila.

201
Mga Konsepto ng TaludtodPaa, MgaSalotYapakanPalakpakTaggutom, Nakamamatay na

Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Saktan mo ng iyong kamay, at sikaran mo ng iyong paa, at iyong sabihin, Sa aba nila! dahil sa lahat na masamang kasuklamsuklam ng sangbahayan ni Israel; sapagka't sila'y mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak, ng kagutom, at ng salot.

237
Mga Konsepto ng TaludtodPropesiya at Inspirasyon sa Lumang TipanSalita ng Diyos

At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,

257
Mga Konsepto ng TaludtodTaggutom, Nakamamatay na

Ang malayo ay mamamatay sa salot; at ang malapit ay mabubuwal sa pamamagitan ng tabak; at ang malabi at makubkob ay mamamatay sa pamamagitan ng kagutom: ganito ko gaganapin ang aking kapusukan sa kanila.

263
Mga Konsepto ng TaludtodKamay ng DiyosKamay ng DiyosPagkawasak ng mga BansaKamay ng Diyos na Nakaunat

At aking iuunat ang kamay ko laban sa kanila, at gagawin kong sira at giba ang lupa, mula sa ilang hanggang sa Diblah, sa lahat nilang tahanan; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.

276
Mga Konsepto ng TaludtodDigmaan bilang Hatol ng Diyos

At magsabi, Kayong mga bundok ng Israel, pakinggan ang salita ng Panginoong Dios. Ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa mga bundok at sa mga burol, sa mga batis at sa mga libis: Narito, ako sa makatuwid baga'y ako, magpaparating ng tabak sa inyo, at aking sisirain ang inyong mga mataas na dako.

309
Mga Konsepto ng TaludtodPropesiya!

Anak ng tao, itingin mo ang iyong mukha sa mga bundok ng Israel, at ikaw ay manghula tungkol sa mga yaon.

312
Mga Konsepto ng TaludtodPagkawasak ng mga Gawa ni SatanasSasapitin ng Sumasamba sa DiyusdiyusanSa HarapanTae

At ang inyong mga dambana ay masisira, at ang inyong mga larawang araw ay mababasag; at aking ibubulagta ang inyong mga patay na tao sa harap ng inyong mga diosdiosan.

319
Mga Konsepto ng TaludtodBuwagin ang mga Masamang BagayPagkawasak ng mga LungsodPagkawasak ng mga Gawa ni SatanasWalang Kabuluhang mga PagtratrabahoIsang Tao, Gawa ngPagtalikod sa mga Diyus-diyusan

Sa lahat ng inyong mga tahanang dako ay mawawasak ang mga bayan, at ang mga mataas na dako ay mangasisira; upang ang inyong mga dambana ay mangawasak at mangagiba, at ang inyong mga diosdiosan ay mangabasag at mangaglikat, at ang inyong mga larawang araw ay mangabagsak, at ang inyong mga gawa ay mangawawala.

324
Mga Konsepto ng TaludtodButo, MgaSasapitin ng Sumasamba sa DiyusdiyusanSa Harapan

At aking ilalapag ang mga bangkay ng mga anak ni Israel sa harap ng kanilang mga diosdiosan; at aking ikakalat ang inyong mga buto sa palibot ng inyong mga dambana.