Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Ezekiel 7

Ezekiel Rango:

46
Mga Konsepto ng TaludtodGalit ng Diyos, Dulot ngIbulalas

Bigla ko ngang ibubugso sa iyo ang aking kapusukan, at aking gaganapin ang aking galit laban sa iyo, at hahatulan kita ayon sa iyong mga lakad; at ipadadanas ko sa iyo ang lahat ng iyong kasuklamsuklam.

69
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Pumapalo sa TaoDiyos na Walang HabagHindi NagkakaitGinagantihan ang Masama ng MasamaKahabaghabag

At ang aking mata ay hindi magpapatawad, o mahahabag man ako: padadatnin ko sa iyo ang ayon sa iyong mga lakad; at ang iyong mga kasuklamsuklam ay dadanasin mo; at inyong malalaman na ako ang Panginoon na nananakit.

82
Mga Konsepto ng TaludtodNamumulaklak

Narito, ang kaarawan, narito, dumarating; ang hatol sa iyo ay ipinasiya; ang tungkod ay namulaklak, ang kapalaluan ay namuko.

107
Mga Konsepto ng TaludtodBagay na Lumilipas, MgaPagtitipon ng MaramiHinahanap na KarahasanHalamang Lumalago, MgaPagiging Mahirap

Pangdadahas ay bumangon na naging pamalo ng kasamaan; walang malalabi sa kanila, o sa kanilang karamihan man, o sa kanilang kayamanan man: at hindi magkakaroon ng kahit karangalan sa kanila.

125
Mga Konsepto ng TaludtodPamimili at PagtitindaAng Araw ng KahatulanHuwag TumangisKakulangan sa Kagalakan

Ang panahon ay dumarating, ang kaarawan ay nalalapit: huwag magalak ang mamimili, o tumangis man ang manininda: sapagka't ang poot ay nasa lahat ng karamihan niyaon.

179
Mga Konsepto ng TaludtodTrumpetaPagtalikodTrumpeta sa Pakikipaglaban, MgaPaghahanda para sa PagkilosWalang Digmaan

Nagsihihip sila ng pakakak, at nagsihanda; nguni't walang naparoroon sa pagbabaka; sapagka't ang aking poot ay nasa buong karamihan niyaon.

202
Mga Konsepto ng TaludtodPangitain mula sa DiyosMga Taong Hindi Bumabalik

Sapagka't hindi na pagbabalikan ng manininda ang ipinagbili, bagaman sila'y buhay pa: sapagka't ang pangitain ay tungkol sa buong karamihan niyaon, walang babalik; at sinoman ay hindi magpapakalakas pa sa kasamaan ng kaniyang buhay.

247
Mga Konsepto ng TaludtodKakayahan na MagligtasKawalang KasiyahanGintoTinataponKasiyahanTiyanNatitisodKayamananKaligtasan Hindi sa Pamamagitan ng GawaPagtataboy sa mga BagayAng Pagpasok ng KasalananBagay na Hindi Makapagliligtas, MgaPaghahadlang sa Gawain ng DiyosSalapi, Kakulangan ngPagiimpok ng Salapi

Kanilang ihahagis ang kanilang pilak sa mga lansangan, at ang kanilang ginto ay magiging parang isang maruming bagay; ang kanilang pilak at ang kanilang ginto ay hindi makapagliligtas sa kanila sa kaarawan ng poot ng Panginoon: hindi nila maaaliw ang kanilang mga kaluluwa, o mabubusog man ang kanilang mga tiyan; sapagka't naging katitisuran ng kanilang kasamaan.

249
Mga Konsepto ng TaludtodSalotSa Loob at LabasTaggutom, Darating naTaggutom, Nakamamatay naTaggutom na DaratingLabas ng Bahay

Ang tabak ay nasa labas, at ang salot at ang kagutom ay nasa loob: siyang nasa parang ay mamamatay sa tabak; at siyang nasa bayan, kagutom at salot ay lalamon sa kaniya.

265
Mga Konsepto ng TaludtodKalapati, MgaPagtakas sa KasamaanIba pa na Tumatangis

Nguni't silang nagsisitanan sa mga yaon ay tatanan, at mangapapasa mga bundok, na parang mga kalapati sa mga libis, silang lahat ay nagsisitangis, bawa't isa'y dahil sa kaniyang kasamaan.

270
Mga Konsepto ng TaludtodKayamananKasuklamsuklam, Pagsamba sa Diyus-diyusan ayKagandahan ng mga BagayHiyas, Mga

Tungkol sa ganda ng kaniyang gayak, inilagay niya sa kamahalan; nguni't kanilang ginawang mga larawan ang kanilang mga kasuklamsuklam at karumaldumal na mga bagay: kaya't ginawa ko sa kanila na parang maruming bagay.

278
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakalboUlo, MgaKutsilyo, MgaPagtangisPag-ahitMaruming DamitKahihiyan ay Darating

Sila'y mangagbibigkis din naman ng kayong magaspang, at pangingilabot ay sasa kanila; at kahihiyan ay sasa lahat ng mukha, at pagkakalbo sa lahat nilang ulo.

290
Mga Konsepto ng TaludtodApat na SulokMga Taong NagwakasApat na Gilid

At ikaw, anak ng tao, ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa lupain ng Israel, May wakas: ang wakas ay dumating sa apat na sulok ng lupain.

291
Mga Konsepto ng TaludtodBanyaga, MgaPaghihirap mula sa mga BanyagaKaunlaran ng Masama

At aking ibibigay sa mga kamay ng mga taga ibang lupa na pinakahuli, at sa mga masama sa lupa na pinakasamsam; at kanilang lalapastanganin.

293
Mga Konsepto ng TaludtodKarahasan sa LupaKadenaPuspusin ang mga LugarKarahasanBakal na KadenaPagpatay sa Walang SalaPagkakasala ng Bayan ng DiyosPatulin ang Kadena

Gumawa ka ng tanikala; sapagka't ang lupain ay puno ng mga sala sa pagbububo ng dugo, at ang bayan ay puno ng pangdadahas.

296

Bukod dito'y ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,

300
Mga Konsepto ng TaludtodMukha ng DiyosMakalangit na mga MukhaPagpasok sa TemploDiyos, Pagbabago ng Isip ngDinudungisan ang Banal na DakoMapanghimasok sa Templo

Ang aking mukha ay aking itatalikod naman sa kanila, at kanilang lalapastanganin ang aking lihim na dako: at mga magnanakaw ay magsisipasok doon, at lalapastangan.

302
Mga Konsepto ng TaludtodNadaramtan ng Masamang BagayGrupong NanginginigMga Taong Kasama sa KahatulanMga Taong NagulatMga Taong Tumatangis sa Pagkawasak

Ang hari ay tatangis, at ang prinsipe ay mananamit ng kapahamakan, at ang mga kamay ng mga tao ng lupain ay mababagbag: aking gagawin sa kanila ang ayon sa kanilang lakad, at ayon sa kanilang kaugalian ay hahatulan ko sila; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.

303
Mga Konsepto ng TaludtodPagtanggi sa Diyos, Bunga ngSantuwaryoPagtigilLimitasyon ng LakasDiyos na Laban sa mga PalaloKabahayan, Nilulusob na mgaMga Taong Inaangkin ang Ibang mga BagayDinudungisan ang Banal na DakoBagay na Humihinto, Mga

Kaya't aking dadalhin ang mga pinakamasama ng mga bansa, at aariin nila ang kanilang mga bahay: akin namang patitigilin ang kapalaluan ng malakas, at ang kanilang mga dakong banal ay lalapastanganin.

306
Mga Konsepto ng TaludtodKakulangan sa KagalakanPagdiriwangNagdiriwang

Ang parusa sa iyo ay dumarating, Oh mananahan sa lupain: ang panahon ay dumarating, ang kaarawan ay malapit na, kaarawan ng pagkakagulo, at hindi ng kagalakang may hiyawan, sa ibabaw ng mga bundok.

307
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakakilala sa DiyosGantimpala ng DiyosAng Igagawad sa MasamaDiyos na Walang HabagHindi NagkakaitKahabaghabag

At hindi ka patatawarin ng aking mata, o kahahabagan man kita; kundi aking parurusahan ang iyong mga lakad, at ang iyong mga kasuklamsuklam na gawa ay malilitaw; at inyong malalaman na ako ang Panginoon.

311
Mga Konsepto ng TaludtodKahirapan, Espirituwal naSaserdote, Gawain sa Panahon ng Lumang TipanPropeta, Gampanin ng mgaUsap-UsapanPangitain, MgaSakunaPagkawasakEspirituwal na PagdarahopWalang PangitainPropesiya, Binuwag naUsap-Usapan

Kapanglawan at kapanglawan ay darating, at balita at balita ay darating; at sila'y magsisihanap ng pangitain ng propeta; nguni't ang kautusa'y mawawala sa saserdote, at ang payo'y mawawala sa mga matanda.

320
Mga Konsepto ng TaludtodSakunaNatatanging mga PangyayariPagiging Natatangi

Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Ang kasamaan, ang tanging kasamaan; narito, dumarating.

323

Ngayon ang wakas ay sumasaiyo at aking pararatingin ang aking galit sa iyo, at hahatulan ka ayon sa iyong mga lakad; at ipadadanas ko sa iyo ang lahat ng iyong kasuklamsuklam.

332
Mga Konsepto ng TaludtodKapayapaan para sa MasamaWalang KapahingahanAng Paghihirap ng MasamaWalang Kapayapaan

Kagibaan ay dumarating; at sila'y magsisihanap ng kapayapaan, at wala doon.

337
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Nagwakas

Ang wakas ay dumating, ang wakas ay dumating; ito'y gumigising laban sa iyo; narito, dumarating.