Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Ezra 5

Ezra Rango:

27
Mga Konsepto ng TaludtodGobernadorKopya ng mga DokumentoLampas sa IlogPinangalanang mga Hentil na Pinuno

Ang salin ng sulat na ipinadala ni Tatnai, na tagapamahala sa dako roon ng Ilog at ni Sethar-boznai, at ng kaniyang mga kasama na mga Apharsachita, na nangasa dako roon ng Ilog, kay Dario na hari:

53
Mga Konsepto ng TaludtodPagbati

Sila'y nangagpadala ng isang sulat sa kaniya, na kinasusulatan ng ganito: Kay Dario na hari, buong kapayapaan.

74
Mga Konsepto ng TaludtodPagkamasigasigKasipaganPagtatatag ng Pader ng JerusalemMuling Pagtatatag ng TemploPampatibay

Talastasin ng hari, na kami ay nagsiparoon sa lalawigan ng Juda, sa bahay ng dakilang Dios, na natayo ng mga malaking bato, at mga kahoy ay nalapat sa mga kuta; at ang gawaing ito ay pinagsisikapan at nayayari sa kanilang mga kamay.

94
Mga Konsepto ng TaludtodLangit at LupaLingkod ng PanginoonAng Ikalawang TemploMuling Pagtatatag

At ganito sila nangagbalik ng sagot sa amin, na nangagsasabi, Kami ay mga lingkod ng Dios ng langit at lupa, at nangagtatayo ng bahay na natayo nitong malaong panahon, na itinayo at niyari ng isang dakilang hari sa Israel.

106
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapanumbalikAng Utos ng HariBalangkas

Nang magkagayo'y tumanong kami sa mga matandang yaon, at nagsabi sa kanila ng ganito: Sino ang nagbigay sa inyo ng pasiya upang itayo ang bahay na ito at upang yariin ang kutang ito?

133

Aming itinanong naman sa kanila ang kanilang mga pangalan, na patotohanan sa iyo, upang aming maisulat ang mga pangalan ng mga tao na nangungulo sa kanila.

140
Mga Konsepto ng TaludtodKaalyadoBahay ng DiyosPaaralan ng mga PropetaAng Ikalawang Templo

Nang magkagayo'y bumangon si Zorobabel na anak ni Sealthiel, at si Jesua na anak ni Josadach, at pinasimulang itinayo ang bahay ng Dios na nasa Jerusalem; at kasama nila ang mga propeta ng Dios, na nagsisitulong sa kanila.

148
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapahayag, MgaAng Ikalawang TemploAng Utos ng HariAng Unang TemploMuling Pagtatatag

Nguni't sa unang taon ni Ciro na hari sa Babilonia, gumawa ng pasiya si Ciro na hari na itayo ang bahay na ito ng Dios,

155
Mga Konsepto ng TaludtodBabilonya, Israel ay Ipinatapon saPagkawasak ng mga TemploPagpapatapon sa Juda tungo sa Babilonya

Nguni't pagkamungkahi sa pagiinit sa Dios ng langit ng aming mga magulang, ibinigay niya sila sa kamay ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, na Caldeo, na siyang gumiba ng bahay na ito, at dinala ang bayan sa Babilonia.

169
Mga Konsepto ng TaludtodMga Kaaway ng Israel at JudaGobernadorLampas sa IlogPinangalanang mga Hentil na PinunoAng Utos ng HariBalangkas

Nang panahon ding yaon ay naparoon sa kanila si Tatnai, na tagapamahala sa dako roon ng Ilog, at si Sethar-boznai, at ang kanilang mga kasama, at nagsabi ng ganito sa kanila: Sino ang nagbigay sa inyo ng pasiya upang itayo ang bahay na ito, at yariin ang kutang ito?

171
Mga Konsepto ng TaludtodPagmamay-aring Dinala sa BabilonyaGobernadorKumuha ng mga Pinahalong MetalTemplo, Inalis na mga Kagamitan sa

At ang ginto at pilak na mga sisidlan rin naman sa bahay ng Dios na inilabas ni Nabucodonosor sa templo na nasa Jerusalem, at nangadala sa loob ng templo ng Babilonia, ang mga yaon ay inilabas sa templo ng Babilonia ni Ciro na hari, at ibinigay sa isang nagngangalang Sesbassar, na siya niyang ginawang tagapamahala,

175
Mga Konsepto ng TaludtodAng Ikalawang Templo

At sinabi niya sa kaniya, Kunin mo ang mga sisidlang ito, ikaw ay yumaon, ipagpasok mo sa templo na nasa Jerusalem, at ipahintulot mo na matayo ang bahay ng Dios sa kaniyang dako.

177
Mga Konsepto ng TaludtodPundasyonGobernadorPundasyon ng mga GusaliHindi Natapos na mga GawainPagtatapos ng MalakasKonstruksyon

Nang magkagayo'y naparoon ang Sesbassar na yaon, at inilagay ang mga tatagang-baon ng bahay ng Dios na nasa Jerusalem: at mula sa panahong yaon hanggang ngayon ay itinatayo, at hindi pa yari.

182
Mga Konsepto ng TaludtodMga SininopPagiimbakPaghahanap sa mga Nahahawakang BagayAng Utos ng Hari

Ngayon nga, kung inaakalang mabuti ng hari, magsagawa ng pagsaliksik sa bahay na ingatang-yaman ng hari, na nandiyan sa Babilonia, kung gayon nga, na nagpasiya si Ciro na hari na itayo ang bahay na ito ng Dios sa Jerusalem, at ipasabi sa amin ng hari ang kaniyang kalooban tungkol sa bagay na ito.

190
Mga Konsepto ng TaludtodJudio, Ang mgaPagbabantay ng DiyosDiyos na Nakikita ang Matuwid

Nguni't ang mata ng kanilang Dios ay nakatingin sa mga matanda ng mga Judio, at hindi nila pinatigil, hanggang sa ang bagay ay dumating kay Dario, at nang magkagayo'y ang sagot ay nabalik sa pamamagitan ng sulat tungkol doon.

204
Mga Konsepto ng TaludtodBalangkas

Nang magkagayo'y nangagsalita kami sa kanila ng ganitong paraan: Ano-ano ang mga pangalan ng mga tao na nagsigawa ng bahay na ito?

219
Mga Konsepto ng TaludtodJudio, Ang mgaPagpapahayag ng PropesiyaPinangalanang mga Propeta ng PanginoonSa Ngalan ng Diyos

Ang mga propeta nga, si Haggeo na propeta, at si Zacharias na anak ni Iddo, ay nanghula sa mga Judio na nasa Juda at Jerusalem; sa pangalan ng Dios ng Israel ay nagsipanghula sila sa kanila;