Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Ezra 6

Ezra Rango:

15
Mga Konsepto ng TaludtodKonstruksyon

Pabayaan ninyo ang gawain sa bahay na ito ng Dios; ipahintulot ninyo na itayo ng tagapamahala ng mga Judio at ng mga matanda ng mga Judio ang bahay na ito ng Dios sa kaniyang dako.

24
Mga Konsepto ng TaludtodPag-uusig, Ugali sa

Bukod dito'y gumagawa ako ng pasiya kung ano ang inyong gagawin sa mga matandang ito ng mga Judio sa pagtatayo ng bahay na ito ng Dios: na sa mga pag-aari ng hari, sa makatuwid baga'y sa buwis sa dako roon ng Ilog, ang mga magugugol ay ibigay ng buong sikap sa mga taong ito upang huwag mangagluwat.

28
Mga Konsepto ng TaludtodMapagbigay na TaoLangisTrigoPagbibigay ng AlakLangis para sa mga HandogPagaalay ng mga Tupa at BakaMaasim, Pagiging

At ang kanilang kakailanganin, mga guyang toro, at gayon din ang mga tupa, at mga kordero, na ukol sa mga handog na susunugin para sa Dios ng langit; trigo, asin, alak, at langis, ayon sa salita ng mga saserdote na nangasa Jerusalem, ibigay sa kanila araw-araw na walang pagsala.

39
Mga Konsepto ng TaludtodEtika, PanlipunangPagbibigay Lugod sa Diyos

Upang sila'y makapaghandog ng mga hain na pinaka masarap na amoy sa Dios ng langit, at idalangin ang buhay ng hari at ng kaniyang mga anak.

46
Mga Konsepto ng TaludtodBuwan, Ikalabing Dalawang

At ang bahay na ito ay nayari nang ikatlong araw ng buwan ng Adar, nang ikaanim na taon ng paghahari ni Dario na hari.

48
Mga Konsepto ng TaludtodLampas sa IlogPinangalanang mga Hentil na Pinuno

Nang magkagayo'y si Tatnai na tagapamahala sa dako roon ng Ilog, si Sethar-boznai, at ang kanilang mga kasama, dahil sa iniutos ni Dario na hari, ay gumawa ng buong sikap.

61
Mga Konsepto ng TaludtodPamamahalaPaghahanap sa mga Nahahawakang BagayMga Aklat ng KasaysayanAng Utos ng HariPagkukusa

Nang magkagayo'y si Dario, na hari ay gumawa ng pasiya, at ang pagsaliksik ay isinagawa sa bahay ng mga aklat, na kinalalagyan ng mga kayamanan sa Babilonia.

64
Mga Konsepto ng TaludtodAklat ng KautusanPangkat

At kanilang inilagay ang mga saserdote sa kanilang mga bahagi, at ang mga Levita sa kanilang mga paghahalihalili, sa paglilingkod sa Dios na nasa Jerusalem; gaya ng nasusulat sa aklat ni Moises.

72
Mga Konsepto ng TaludtodPaskuwa, Kordero ngTaon, MgaAng Bilang na Labing Apat

At ang mga anak sa pagkabihag ay nangagdiwang ng pascua nang ikalabing apat ng unang buwan.

78
Mga Konsepto ng TaludtodKriminalBitayanParusang KamatayanNakabitinKaparusahan, Legal na Aspeto ngBinubutasanBasura

Ako nama'y gumawa ng pasiya, na sinomang bumago ng salitang ito, hugutan ng isang sikang ang kaniyang bahay at itaas siya, at mabitin doon; at ang kaniyang bahay ay maging tipunan ng dumi dahil dito:

82
Mga Konsepto ng TaludtodPamamahalaHaring ArtaxerxesPinangalanang mga Propeta ng PanginoonPagaasawa ng BaklaUmuunlad

At ang mga matanda ng mga Judio ay nangagtayo at nangapasulong, ayon sa hula ni Haggeo na propeta at ni Zacarias na anak ni Iddo. At kanilang itinayo at niyari, ayon sa utos ng Dios ng Israel, at ayon sa pasiya ni Ciro at ni Dario, at ni Artajerjes na hari sa Persia.

83
Mga Konsepto ng TaludtodKasipaganLugar para sa Pangalan ng Diyos

At lipulin ng Dios na nagpatahan ng kaniyang pangalan doon ang lahat ng mga hari at mga bayan, na maguunat ng kanilang kamay na baguhin, upang gibain ang bahay na ito ng Dios na nasa Jerusalem. Akong si Dario ang gumawa ng pasiya: isagawa ng buong sikap.

101
Mga Konsepto ng TaludtodLubos na KaligayahanPagdiriwang, MgaKagalakan ng IsraelPagtatalaga

At ang mga anak ni Israel, ang mga saserdote, at ang mga Levita, at ang mga nalabi sa mga anak sa pagkabihag, ay nangagdiwang ng pagtatalaga ng bahay na ito ng Dios na may kagalakan.

124
Mga Konsepto ng TaludtodKambing, MgaKaparusahanAlay sa Lumang TipanKasalanan, Handog para saIsang DaanAng Bilang Dalawang DaanApat hanggang Limang DaanLabing Dalawang TriboLabing Dalawang HayopApat at Limang DaanTupa at mga Kambing, MgaPagtatalaga

At sila'y nangaghandog sa pagtatalaga ng bahay na ito ng Dios ng isang daang baka, dalawang daang lalaking tupa, apat na raang kordero; at ang pinakahandog dahil sa kasalanan na ukol sa buong Israel, ay labing dalawang lalaking kambing, ayon sa bilang ng mga lipi ng Israel.

128
Mga Konsepto ng TaludtodPagiging BukodPagkakahiwalayPaganoBansang Inilarawan, MgaTaong Nagbago ng PaniniwalaPagkakahiwalay mula sa mga Masamang TaoYaong mga Bumalik mula sa PagkakataponPag-ampon, Kabanalang Hatid ng

At ang mga anak ni Israel, na nangagbalik uli na mula sa pagkabihag, at yaong lahat na sa kanila'y nagsihiwalay sa karumihan ng mga bansa ng lupain, upang hanapin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, ay nagsikain.

154
Mga Konsepto ng TaludtodMga SininopBalumbonMga Aklat ng Kasaysayan

At nasumpungan sa Achmetta, sa bahay-hari na nasa lalawigan ng Media, ang isang ikid, at doo'y nasusulat ang ganito na pinakaalaala.

164
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Kadakilaan ngKagalakan ng IsraelLinggo, MgaPitong ArawDiyos na Nagpapalakas-LoobNagagalak sa Gawa ng Diyos

At nangagdiwang ng kapistahan ng tinapay na walang lebadura na pitong araw na may kagalakan: sapagka't pinapagkatuwa sila ng Panginoon at nanumbalik ang puso ng hari sa Asiria sa kanila, upang palakasin ang kanilang mga kamay sa gawain sa bahay ng Dios, ng Dios ng Israel.

174
Mga Konsepto ng TaludtodPundasyonKaluwaganPagpapahayag, MgaAng Ikalawang TemploSukat ng mga GusaliAng Unang Templo

Nang unang taon ni Ciro na hari, si Ciro na hari ay gumawa ng pasiya: Tungkol sa bahay ng Dios sa Jerusalem, ipahintulot na matayo ang bahay, ang dako na kanilang pinaghahandugan ng mga hain, at ipahintulot na malagay na matibay ang mga tatagang-baon; ang taas niyao'y anim na pung siko, at ang luwang niyao'y anim na pung siko,

183
Mga Konsepto ng TaludtodKorderoPaglilinisNililinis ang SariliPagpatay sa Handog

Sapagka't ang mga saserdote at ang mga Levita ay nangagpakalinis na magkakasama; silang lahat ay malilinis: at kanilang pinatay ang kordero ng paskua na ukol sa lahat ng mga anak sa pagkabihag, at sa kanilang mga kapatid na mga saserdote, at sa kanilang sarili.

186
Mga Konsepto ng TaludtodGobernadorLampas sa IlogPinangalanang mga Hentil na Pinuno

Ngayon nga, Tatnai, na tagapamahala sa dako roon ng Ilog, Setharboznai, at ang inyong mga kasama na mga Apharsachita, na nasa dako roon ng Ilog, magsilayo kayo mula riyan:

206
Mga Konsepto ng TaludtodTatlong Bahagi ng Itinatayo

Na may tatlong hanay na mga malaking bato, at isang hanay ng bagong kahoy: at ang magugugol ay ibigay na mula sa bahay ng hari:

207
Mga Konsepto ng TaludtodPagmamay-aring Dinala sa BabilonyaKumuha ng mga Pinahalong MetalTemplo, Inalis na mga Kagamitan sa

At ang ginto at pilak na mga sisidlan din naman ng bahay ng Dios na inilabas ni Nabucodonosor sa templo na nasa Jerusalem, at nangadala sa Babilonia, masauli, at ipasok uli sa templo na nasa Jerusalem, bawa't isa'y sa kanikaniyang dako, at iyong ipaglalagay sa bahay ng Dios.