Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Ezra 4

Ezra Rango:

17
Mga Konsepto ng TaludtodUmuupaPanahon ng mga Tao

At umupa ng mga tagapayo laban sa kanila, upang iurong ang kanilang akala, sa lahat ng kaarawan ni Ciro na hari sa Persia, hanggang sa paghahari ni Dario na hari sa Persia.

20
Mga Konsepto ng TaludtodSamaritano, MgaAkusa, Pinagmumulan ngAkusa, Legal na Tuntunin sa Lumang TipanMga Tao na Inakusahan ang mga Tao

At sa paghahari ni Assuero, sa pasimula ng kaniyang paghahari, nagsisulat sila ng isang sakdal laban sa mga taga Juda at Jerusalem.

30
Mga Konsepto ng TaludtodHaring ArtaxerxesOpisyalesPinangalanang mga Hentil na Pinuno

Si Rehum na kasangguni at si Simsai na kalihim, sumulat ng isang sulat laban sa Jerusalem kay Artajerjes na hari ng ganitong paraan:

32
Mga Konsepto ng TaludtodKasakasamaHaring ArtaxerxesWika, MgaTitik, MgaWika na Binaggit sa Kasulatan, MgaWikang AramaicoPanahon ng mga Tao

At sa mga kaarawan ni Artajerjes, nagsisulat si Bislam, si Mitridates, si Tabeel at ang nalabi sa kaniyang mga kasama kay Artajerjes na hari sa Persia; at ang pagkasulat ng sulat ay nasusulat ng sulat Siria, at ang laman niyaon ay wikang Siria.

65
Mga Konsepto ng TaludtodHukom, Mga

Nang magkagayo'y nagsisulat si Rehum na tagapayo at si Simsai na kalihim, at ang nalabi sa kanilang mga kasama; ang mga Dinaita, at ang mga Apharsacita, ang mga Tharphelita, ang mga Apharsita, ang mga Archevita, ang mga Babilonio, ang mga Susanchita, ang mga Dehaita, ang mga Elamita.

77
Mga Konsepto ng TaludtodPagtatatag, LiteralMuling Pagtatatag ng Templo

Nang mabalitaan nga ng mga kaaway ng Juda at Benjamin na ang mga anak sa pagkabihag ay nangagtatayo ng templo na ukol sa Panginoon, sa Dios ng Israel;

86
Mga Konsepto ng TaludtodIpinatapong mga BanyagaLampas sa IlogLampas sa Euphrates

At ang nalabi sa mga bansa na itinawid ng dakila at marangal na si Asnappar, at inilagay sa bayan ng Samaria, at sa nalabi sa lupain, na nasa dako roon ng Ilog, at sa iba pa.

92
Mga Konsepto ng TaludtodPagbubuwisParangal

Talastasin ngayon ng hari, na, kung ang bayang ito ay matayo, at ang mga kuta ay mayari, sila'y hindi mangagbabayad ng buwis, kabayaran, o upa, at sa wakas ay ikapapahamak ng mga hari.

95
Mga Konsepto ng TaludtodSamaritano, MgaIpinatapong mga BanyagaPanahon ng mga Tao

Nagsilapit nga sila kay Zorobabel, at sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang, at nangagsabi sa kanila, Papagtayuin ninyo kami na kasama ninyo: sapagka't aming hinahanap ang inyong Dios, na gaya ng inyong ginagawa; at kami ay nangaghahain sa kaniya mula ng mga kaarawan ni Esar-haddon na hari sa Asiria, na nagahon sa amin dito.

96
Mga Konsepto ng TaludtodAsinPagkawala ng DangalMaasim, Pagiging

Sapagka't aming kinakain nga ang asin ng bahay-hari, at hindi marapat sa amin na aming makita ang ikasisirang puri ng hari, kaya't kami ay nangagsugo at nangagpatotoo sa hari;

99
Mga Konsepto ng TaludtodPundasyonLungsodJudaismoPagtatatag ng Pader ng JerusalemMuling Pagtatatag ng JerusalemMuling Pagtatatag

Talastasin ng hari, na ang mga Judio na nagsiahong galing sa iyo ay nagsiparoon sa amin sa Jerusalem; kanilang itinatayo ang mapanghimagsik at masamang bayan, at nayari ang mga kuta, at isinauli ang mga tatagang-baon.

104
Mga Konsepto ng TaludtodHaring ArtaxerxesPaglilingkod sa LipunanKopya ng mga DokumentoLampas sa IlogLampas sa Euphrates

Ito ang salin ng sulat na kanilang ipinadala kay Artajerjes na hari: Ang iyong mga lingkod na mga lalake sa dako roon ng Ilog, at iba pa.

109
Mga Konsepto ng TaludtodBahay ng DiyosMuling Pagtatatag ng TemploKonstruksyon

Nang magkagayo'y natigil ang gawa sa bahay ng Dios na nasa Jerusalem; at natigil hanggang sa ikalawang taon ng paghahari ni Dario, na hari sa Persia.

119
Mga Konsepto ng TaludtodMga SininopAklat, MgaPagiimbakPaghahanap sa mga Nahahawakang BagayMga Aklat ng Kasaysayan

Upang ang pagsaliksik ay maisagawa sa aklat ng mga alaala ng iyong mga magulang: sa gayo'y iyong masusumpungan sa aklat ng mga alaala, at malalaman na ang bayang ito ay mapanghimagsik na bayan, at mapangpahamak sa mga hari at mga lalawigan, at sila'y nagsipanghimagsik doon nang unang panahon: na siyang ikinagiba ng bayang ito.

132
Mga Konsepto ng TaludtodHaring ArtaxerxesJudio, Ang mgaNagmamadaling HakbangPagbabasa ng Ibang mga Bagay

Nang mabasa nga ang salin ng sulat ng haring Artajerjes sa harap ni Rehum, at ni Simsai na kalihim, at ng kanilang mga kasama, sila'y nangagmadaling nagsiparoon sa Jerusalem sa mga Judio, at pinatigil nila sa pamamagitan ng lakas at kapangyarihan.

136
Mga Konsepto ng TaludtodParangalLampas sa IlogLampas sa Euphrates

Nagkaroon naman doon ng mga may kayang hari sa Jerusalem, na nagpuno sa buong lupain sa dako roon ng Ilog; at buwis, kabayaran, at upa, ay nabayad sa kanila.

137
Mga Konsepto ng TaludtodPagbatiSumasagot na BayanLampas sa IlogPinangalanang mga Hentil na PinunoLampas sa Euphrates

Nang magkagayo'y nagpadala ang hari ng kasagutan kay Rehum na kasangguni, at kay Simsai na kalihim, at sa mga nalabi sa kanilang mga kasama na nagsisitahan sa Samaria, at sa nalabi sa lupain sa dako roon ng Ilog: Kapayapaan, at iba pa.

139
Mga Konsepto ng TaludtodMga Utos sa Lumang TipanAno ba ang ating Pagkakatulad?

Nguni't si Zorobabel, at si Jesua, at ang nalabi sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng Israel, ay nangagsabi sa kanila, Kayo'y walang ipakikialam sa amin sa pagtatayo ng isang bahay na ukol sa aming Dios; kundi kami rin na magkakasama ay aming ipagtatayo ang Panginoon, ang Dios ng Israel, gaya ng iniutos sa amin ni Ciro na hari sa Persia,

145
Mga Konsepto ng TaludtodLiterasiyaPagbabasa ng Ibang mga Bagay

Ang sulat na inyong ipinadala sa amin, ay nabasa na maliwanag sa harap ko.

150
Mga Konsepto ng TaludtodLampas sa IlogLampas sa Euphrates

Aming pinatototohanan sa hari, na, kung ang bayang ito ay matayo, at ang mga kuta ay mayari, ay hindi ka magkakaroon ng bahagi sa dako roon ng Ilog sa kadahilanang ito.

153
Mga Konsepto ng TaludtodKabagabagan, Sanhi ngPanghihina ng LoobPag-uusig, Uri ngTakot na UsiginPaghahadlang sa Gawain ng DiyosTakot sa mga KaawayKonstruksyon

Nang magkagayo'y pinahina ng bayan ng lupain ang mga kamay ng bayan ng Juda, at binagabag sila sa pagtatayo.

178
Mga Konsepto ng TaludtodKapabayaan sa Tungkulin

At kayo'y mangagingat na huwag kayong magpabaya dito: bakit ang pagkapahamak ay mangyayari sa ikapapahamak ng mga hari?

179

Magpasiya kayo ngayon na inyong patigilin ang mga taong ito, at upang ang bayang ito ay huwag matayo, hanggang sa ang pasiya ay magawa ko.

180
Mga Konsepto ng TaludtodPaghahanap sa mga Nahahawakang Bagay

At ako'y nagpasiya, at ang pagsaliksik ay naisagawa at nasumpungan na ang bayang ito nang una ay gumawa ng panghihimagsik laban sa mga hari, at ang panghihimagsik at pagbabanta ay nagawa roon.