Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Genesis 13

Genesis Rango:

128
Mga Konsepto ng TaludtodKaluwaganHabaPaglalakadTuntuninLupain

Magtindig ka, lakarin mo ang lupain, ang hinabahaba at niluwang-luwang niyan; sapagka't ibibigay ko sa iyo.

175
Mga Konsepto ng TaludtodMabunga, Natural naAbo, Talinghagang Gamit ngHindi MabilangHindi Mabilang Gaya ng AlikabokImposible para sa mga Tao

At gagawin kong parang alabok ng lupa ang iyong binhi: na ano pa't kung mabibilang ng sinoman ang alabok ng lupa ay mabibilang nga rin ang iyong binhi.

247
Mga Konsepto ng TaludtodAltar, MgaPuno, MgaPagtatatag ng AltarOak, Mga Puno ng

At binuhat ni Abram ang kaniyang tolda, at yumaon at tumahan sa mga punong encina ni Mamre na nasa Hebron, at siya'y nagtayo roon ng dambana sa Panginoon.

361
Mga Konsepto ng TaludtodHilagaTimogKanluranSinasakopMga Taong NaghihiwalayHilaga, Timog, Silangan at KanluranMinamasdan at NakikitaPlano sa KinabukasanTuntunin

At sinabi ng Panginoon kay Abram, pagkatapos na makahiwalay si Lot sa kaniya, Itingin mo ngayon ang iyong mga mata, at tumanaw ka mula sa dakong iyong kinalalagyan, sa dakong hilagaan, at sa dakong timugan, at sa dakong silanganan, at sa dakong kalunuran:

405
Mga Konsepto ng TaludtodAbraham, Panawagan at Buhay niPapuntang Magkakasama

At umahon sa Timugan si Abram mula sa Egipto, siya at ang kaniyang asawa, at ang lahat ng kaniyang tinatangkilik, at si Lot na kaniyang kasama.

408
Mga Konsepto ng TaludtodHardin ng Eden, AngPaghahalamanBumigay sa TuksoPagkawasak ng mga Lungsod

At itiningin ni Lot ang kaniyang mga mata, at natanaw niya ang buong kapatagan ng Jordan, na pawang patubigan na magaling sa magkabikabila, kung pasa sa Zoar, bago giniba ng Panginoon ang Sodoma at Gomorra, ay gaya ng halamanan ng Panginoon, gaya ng lupain ng Egipto.

538
Mga Konsepto ng TaludtodAng Lupang PangakoWalang Hanggang PagaariLahi niPangako, MgaBinhi, MgaPagbibigayMagigingLupain

Sapagka't ang buong lupaing iyong natatanaw ay ibibigay ko sa iyo, at sa iyong binhi magpakaylan man.

551
Mga Konsepto ng TaludtodAbraham, Pagsubok at Tagumpay niPagibig sa Pagitan ng mga Kamag-anakPagaawayPamilya, Kaguluhan saPagsasaayos ng Kaguluhan

At sinabi ni Abram kay Lot, Ipinamamanhik ko sa iyong huwag magkaroon ng pagtatalo, ikaw at ako, at ang mga pastor mo at mga pastor ko; sapagka't tayo'y magkapatid.

574
Mga Konsepto ng TaludtodKasalanan, Kalikasan ngSodoma at GomoraLungsod, MgaBumigay sa Tukso

Ang mga tao nga sa Sodoma ay masasama at mga makasalanan sa harap ng Panginoon.

637
Mga Konsepto ng TaludtodTolda, MgaNagmamay-ari ng mga HayopPagmamay-aring mga Tupa

At si Lot man na kinasama ni Abram ay may tupahan at bakahan, at mga tolda.

738
Mga Konsepto ng TaludtodTolda, Mga

Tumahan si Abram sa lupain ng Canaan; at si Lot ay tumahan sa mga bayan ng kapatagan, at inilipat ang kaniyang tolda hanggang sa Sodoma.

769
Mga Konsepto ng TaludtodBakahanLingkod, Mga MasasamangPangangalaga ng KawanPagsasaayos ng Kaguluhan

At nagkaroon ng pagtatalo ang mga pastor ng hayop ni Abram at ang mga pastor ng hayop ni Lot; at ang Cananeo at ang Pherezeo ay naninirahan noon sa lupain.

802
Mga Konsepto ng TaludtodLagalagPartikular na Paglalakbay, Mga

At nagpatuloy si Abram ng kaniyang paglalakbay mula sa Timugan hanggang sa Bethel, hanggang sa dakong kinaroroonan noong una ng kaniyang tolda sa pagitan ng Bethel at ng Hai;

814
Mga Konsepto ng TaludtodAbraham, Panawagan at Buhay niNamumuhay, MagkasamangMga Taong Nagbibigay

At sila'y hindi makayanan ng lupain, na sila'y manahan na magkasama: sapagka't napakarami ang kanilang pag-aari, na ano pa't hindi maaring manirahang magkasama.

824
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong NaghihiwalayBumaling sa Kaliwa at Kanan

Di ba ang buong lupain ay nasa harap mo? Humiwalay ka nga sa akin, ipinamamanhik ko sa iyo: kung ikaw ay pasa sa kaliwa, ay pasa sa kanan ako: o kung ikaw ay pasa sa kanan, ay pasa sa kaliwa ako.

841
Mga Konsepto ng TaludtodPanawagan sa DiyosAbraham, Ang Kaibigan ng DiyosPagtatatag ng Altar

Sa dako ng dambana na kaniyang ginawa roon nang una: at sinambitla doon ni Abram ang pangalan ng Panginoon.

905
Mga Konsepto ng TaludtodSilanganBumigay sa TuksoMga Taong NaghihiwalayNakaharap sa SilanganPamimili ng mga Bagay

Kaya't pinili ni Lot sa kaniya ang buong kapatagan ng Jordan; at si Lot ay naglakbay sa silanganan: at sila'y kapuwa naghiwalay.