Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Genesis 14

Genesis Rango:

101
Mga Konsepto ng TaludtodPagkataloSa Isang Gabi

At sila'y nangagpangkatpangkat sa kinagabihan, laban sa kaaway, siya at ang kaniyang mga alipin, at kanilang sinaktan sila, at hinabol nila sila hanggang sa Hobah, na nasa kaliwa ng Damasco.

117
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapanumbalik sa mga BagayKunin ang Ibang mga Tao

At iniuwi niya ang lahat ng pag-aari; at iniuwi rin niya si Lot na kaniyang kapatid, at ang kaniyang mga pag-aari, at gayon din ang mga babae at ang bayan.

118
Mga Konsepto ng TaludtodPagpatayPakikipagtagpo sa mga Tao

At nilabas na sinalubong siya ng hari sa Sodoma pagkatapos na siya'y magbalik na mula sa pagpatay kay Chedorlaomer, at sa mga haring kasama niya sa libis ng Shave (na siyang libis ng hari).

277
Mga Konsepto ng TaludtodPinagpalaKalawakanDiyos na nasa KaitaasanLahat ng bagay ay sa DiyosMga Taong Pinagpala ang IbaPagmamayari ng Diyos sa Lahat

At binasbasan niya siya na sinabi, Pagpalain si Abram ng Kataastaasang Dios, na may-ari ng langit at ng lupa:

299
Mga Konsepto ng TaludtodAbraham, Katangian niPangaalipin sa Lumang Tipan

At sinabi ng hari sa Sodoma kay Abram, Ibigay mo sa akin ang mga tao at kunin mo sa ganang iyo ang mga pag-aari.

358
Mga Konsepto ng TaludtodPangako ng Tao, MgaDiyos na nasa KaitaasanLahat ng bagay ay sa Diyos

At sinabi ni Abram sa hari sa Sodoma, Itinaas ko ang aking kamay sa Panginoong Dios na Kataastaasan, na may ari ng langit at ng lupa.

414
Mga Konsepto ng TaludtodHusayKarahasanDigmaan, Estratehiya saAbraham, Pagsubok at Tagumpay niGuwardiyaTatlo at ApatnaraanTatlong Daan at Higit PaIpinanganak sa Isang SambahayanPagtagumpayan ang KahirapanPagsasanay

At pagkarinig ni Abram, na nabihag ang kaniyang kapatid ay ipinagsama ang kaniyang mga subok na lalake, na mga ipinanganak sa kaniyang bahay, na tatlong daan at labing walo, at kanilang hinabol sila hanggang sa Dan.

419
Mga Konsepto ng TaludtodMateryalismo bilang Aspeto ng KasalananSapatosLubid

Isinumpa kong hindi ako kukuha maging isang sinulid, o maging isang panali ng pangyapak, o ng anomang nauukol sa iyo, baka iyong sabihin, Pinayaman ko si Abram:

428
Mga Konsepto ng TaludtodBabilonya, Kasaysayan ng

At nangyari sa mga kaarawan ni Amraphel, hari sa Sinar, ni Ariok hari sa Elasar, ni Chedorlaomer hari sa Elam, at ni Tidal na hari ng mga Goiim,

431
Mga Konsepto ng TaludtodKaalyado, MgaAbraham, Katangian niKatapatanOak, Mga Puno ngIba na NakatakasNagsasabi tungkol sa mga Pangyayari

At dumating ang isang nakatanan, at ibinalita kay Abram na Hebreo; na tumatahan nga sa mga puno ng encina ni Mamre na Amorrheo, kapatid ni Eschol, at kapatid ni Aner; at ang mga ito ay kakampi ni Abram.

473
Mga Konsepto ng TaludtodHigante, Mga

At sa ikalabingapat na taon ay dumating si Chedorlaomer at ang mga haring kasama niya, at sinaktan ang mga Refaim sa Ashteroth-Carnaim, at ang mga Zuzita sa Ham, at ang mga Emita sa Shave-ciriataim.

564
Mga Konsepto ng TaludtodPagkain na PinahihintulutanNagbabahagi ng mga Materyal na Bagay

Liban na lamang ang kinain ng mga binata at ang bahagi ng mga lalaking kinasama ko; si Aner, si Eschol, at si Mamre, ay pakunin mo ng kanilang bahagi.

598

Na ang mga ito ay nakipagbaka laban kay Bera hari sa Sodoma, at laban kay Birsha hari sa Gomorra, kay Shinab hari sa Adma, at kay Shemeber, hari sa Zeboim, at sa hari sa Bela (na si Zoar).

633

At sila'y nangagbalik at nagsiparoon sa Enmispat (na siyang Cades), at kanilang sinaktan ang buong lupain ng mga Amalecita at pati ng mga Amorrheo na nagsisitahan sa Hazezon-tamar.

697
Mga Konsepto ng TaludtodDagat na PulaAsinKaragatan

Lahat ng ito'y nagkatipon sa libis ng Siddim (na siyang Dagat na Alat).

762
Mga Konsepto ng TaludtodBitumen at TarMineral, MgaPagtakas tungo sa KabundukanMga Taong Nahulog mula sa Mataas na DakoMga Taong TumatakasNakaligtas sa mga Bansa, Mga

At ang libis ng Siddim ay puno ng hukay ng betun; at nagsitakas ang mga hari sa Sodoma at sa Gomorra, at nangahulog doon, at ang natira ay nagsitakas sa kabundukan.

766

At ang mga Horeo sa kanilang kabundukan ng Seir, hanggang Elparan na nasa tabi ng ilang.

784
Mga Konsepto ng TaludtodLambak, Mga

At nagsilabas ang hari sa Sodoma, at ang hari sa Gomorra, at ang hari sa Adma, at ang hari sa Zeboim, at ang hari sa Bela (na dili iba't si Zoar); at sila'y humanay ng pakikipagbaka laban sa kanila sa libis ng Siddim;

803
Mga Konsepto ng TaludtodHalimbawa ng Pagtakas

At dinala nila si Lot, na anak ng kapatid ni Abram, na nananahan sa Sodoma at ang kaniyang mga pag-aari at sila'y nagsiyaon.

890
Mga Konsepto ng TaludtodSampu hanggang Labing Apat na Taon

Labingdalawang taong nagsipaglingkod kay Chedorlaomer, at sa ikalabingtatlong taon ay nagsipaghimagsik.

993
Mga Konsepto ng TaludtodPagtitipon ng Pagkain

At kanilang sinamsam ang lahat ng pag-aari ng Sodoma at Gomorra, at ang lahat nilang pagkain, at nagsiyaon.

1011
Mga Konsepto ng TaludtodApat na TaoLimang Tao

Laban kay Chedorlaomer, hari sa Elam, at kay Tidal na hari ng mga Goiim at kay Amraphel, hari sa Shinar, at kay Arioch, hari sa Elasar; apat na hari laban sa lima.