Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Genesis 32

Genesis Rango:

356
Mga Konsepto ng TaludtodIlog at Sapa, MgaSa Isang GabiDalawang BabaeLabing IsaTumawid na Ilog

At siya'y bumangon ng gabing yaon, at isinama niya ang kaniyang dalawang asawa, at ang kaniyang dalawang alilang babae, at ang kaniyang labing isang anak at tumawid sa tawiran ng Jaboc.

376
Mga Konsepto ng TaludtodSagisag ni CristoBinagong PangalanDiyos na Nagpapangalan sa Kanyang BayanDiyos na Nagpangalan sa Kanyang BayanTao, Labanan ang Likas ngPagpapakasakit

At sinabi niya, Hindi na tatawaging Jacob ang iyong pangalan, kundi Israel; sapagka't ikaw ay nakipagpunyagi sa Dios at sa mga tao, at ikaw ay nanaig.

571
Mga Konsepto ng TaludtodPakikipagtagpo sa DiyosAnghel, Gumagawa ayon sa Utos ng Diyos ang mga

At ipinagpatuloy ni Jacob ang kaniyang paglakad, at sinalubong siya ng mga anghel ng Dios.

643
Mga Konsepto ng TaludtodSugo, Mga IpinadalangSugo

At si Jacob ay nagpasugo sa unahan niya kay Esau, na kaniyang kapatid sa lupain ng Seir, na parang ng Edom.

669
Mga Konsepto ng TaludtodPanalangin na Inialay na mayMadaling ArawSa Pagbubukang LiwaywayNawa'y Pagpapalain ng DiyosMga Taong Pinapalaya ang Iba

At sinabi, Bitawan mo ako, sapagka't nagbubukang liwayway na. At kaniyang sinabi, Hindi kita bibitawan hanggang hindi mo ako mabasbasan.

700
Mga Konsepto ng TaludtodKapansananPinsalaHipuinKahinaan, Pisikal naKalasinHita, MgaHipuin upang SaktanPakikipagbunoKalamnan

At nang makita nitong siya'y hindi manaig sa kaniya ay hinipo ang kasukasuan ng hita niya; at ang kasukasuan ni Jacob ay sinaktan samantalang nakikipagbuno sa kaniya.

710
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Gumagawa ng MabutiPagbabalik sa LupainPinangalanang mga Tao na NanalanginMga Lolo

At sinabi ni Jacob, Oh Dios ng aking amang si Abraham, at Dios ng aking amang si Isaac, Oh Panginoon, na nagsabi sa akin, Magbalik ka sa iyong lupain at sa iyong kamaganakan, at gagawan kita ng magaling:

771
Mga Konsepto ng TaludtodPaglilingkod sa LipunanPaninirahan

At inutusan niya sila, na sinasabi, Ganito ninyo sabihin sa aking panginoong kay Esau, Ganito ang sabi ng iyong lingkod na si Jacob, Dumoon ako kay Laban at ako'y natira roon hanggang ngayon.

787

At sila'y kaniyang isinama at itinawid sa batis, at kaniyang itinawid ang kaniyang tinatangkilik.

788
Mga Konsepto ng TaludtodBakit mo ito Ginagawa?Ano ba ang Pangalan ng Diyos?Pinagpala ng Diyos

At siya'y tinanong ni Jacob, at sinabi, Ipinamamanhik ko sa iyong sabihin mo sa akin ang iyong pangalan. At kaniyang sinabi, Bakit nagtatanong ka ng aking pangalan? At siya'y binasbasan doon.

828
Mga Konsepto ng TaludtodMadaling ArawSa Pagbubukang Liwayway

At sinikatan siya ng araw ng siya'y nagdadaan sa Penuel; at siya'y napipilay sa hita niya.

833
Mga Konsepto ng TaludtodKabutihanKapakumbabaanTungkodKapakumbabaan, Halimbawa ngDalawang PangkatIlog, Tawiran ngPaglalakad na may TungkodDiyos na Nagpakita ng Kanyang Kagandahang-Loob

Hindi ako marapat sa kababababaan ng lahat ng kaawaan, at ng buong katotohanan na iyong ipinakita sa iyong lingkod: sapagka't dala ko ang aking tungkod, na dinaanan ko ang Jordang ito; at ngayo'y naging dalawang pulutong ako.

834
Mga Konsepto ng TaludtodHindi MabilangImposible para sa mga TaoDiyos na Gumagawa ng MabutiBuhangin at Graba

At ikaw ang nagsabi, Tunay na ikaw ay gagawan ko ng magaling, at gagawin ko ang iyong binhi na parang buhangin sa dagat, na hindi mabibilang dahil sa karamihan.

847
Mga Konsepto ng TaludtodKahinaan, Pisikal naHita, MgaHipuin upang SaktanIpinagbabawal na PagkainBantayog Hanggang NgayonKalamnan

Kaya't hindi kumakain ang mga anak ni Israel ng litid ng balakang na nasa kasukasuan ng hita, hanggang ngayon: sapagka't hinipo ng taong yaon ang kasukasuan ng hita ni Jacob, sa litid ng pigi.

888

At sinabi ni Jacob nang makita niya sila, Ito'y hukbo ng Dios: at tinawag niya ang pangalan ng dakong yaon na Mahanaim.

934
Mga Konsepto ng TaludtodTrinidad

At sinabi niya sa kaniya, Ano ang pangalan mo? At kaniyang sinabi, Jacob.

975
Mga Konsepto ng TaludtodTrigo, Alay naNananatiling Pansamantala

At siya'y nagparaan doon ng gabing yaon; at kumuha ng mayroon siya na ipagkakaloob kay Esau na kaniyang kapatid;

1005
Mga Konsepto ng TaludtodKapahingahan, Pisikal naPagpatay sa Buong PamilyaTakot sa Isang TaoMga Tao na Sinasalakay ang Kapwa NilaPagiging Ina

Iligtas mo ako, ipinamamanhik ko sa iyo, sa kamay ng aking kapatid, sa kamay ni Esau; sapagka't ako'y natatakot sa kaniya, baka siya'y dumating at ako'y saktan niya, ang ina pati ng mga anak.

1034
Mga Konsepto ng TaludtodKambing, MgaBaka, MgaNagmamay-ari ng mga HayopGrupo ng mga AlipinNapakaraming AsnoPagmamay-aring mga TupaMayayamang Tao

At mayroon akong mga baka, at mga asno, at mga kawan, at mga aliping lalake at babae: at ako'y nagpasugo upang magbigay alam sa aking panginoon, upang makasumpong ng biyaya sa iyong paningin.

1094

At sasabihin ninyo, Saka, narito, ang iyong lingkod na si Jacob, ay nasa hulihan namin, sapagka't kaniyang sinabi, Paglulubagin ko ang kaniyang galit sa pamamagitan ng kaloob na sumasaunahan ko, at pagkatapos ay makikita ko ang kaniyang mukha; marahil ay tatanggapin niya ako.

1128
Mga Konsepto ng TaludtodDigmaan, Estratehiya saDalawang PangkatNagmamay-ari ng mga HayopKalahati ng mga GrupoTakot sa Isang TaoPagmamay-aring mga Tupa

Nang magkagayo'y natakot na mainam si Jacob at nahapis at kaniyang binahagi ang bayang kasama niya, at ang mga kawan, at ang mga bakahan, at ang mga kamelyo ng dalawang pulutong.

1171
Mga Konsepto ng TaludtodSugo, Mga IpinadalangApat hanggang Limang DaanPakikipagtagpo sa mga TaoApat at Limang Daan

At ang mga sugo ay nagsipagbalik kay Jacob, na nagsipagsabi, Dumating kami sa iyong kapatid na kay Esau, at siya rin naman ay sumasalubong sa iyo, at apat na raang tao ang kasama niya.

1206
Mga Konsepto ng TaludtodLalakeng TupaDalawangpuAng Bilang Dalawang DaanPagmamay-aring mga Tupa

Dalawang daang kambing na babae, at dalawang pung lalaking kambing; dalawang daang tupang babae, at dalawang pung tupang lalake,

1232

Kung magkagayo'y sasabihin mo, Sa iyong lingkod na kay Jacob; isang kaloob nga, na padala sa aking panginoong kay Esau: at, narito, siya'y nasa hulihan din naman namin.

1239
Mga Konsepto ng TaludtodKampo ng IsraelNananatiling Pansamantala

Gayon isinaunahan niya ang mga kaloob; at siya'y natira ng gabing yaon sa pulutong.

1258
Mga Konsepto ng TaludtodHayop, Uri ng mgaKawan, MgaSampung mga HayopDalawangpuTatlumpuHayop, Mga Anak naNagmamay-ari ng mga HayopHayop, Sumususong mgaApatnapung TaonNapakaraming Asno

Tatlong pung kamelyong inahin na pati ng kanilang mga anak; apat na pung baka at sangpung toro, dalawang pung asna at sangpung anak ng mga yaon.

1330
Mga Konsepto ng TaludtodPagtakas mula sa Taung-BayanNakaligtas sa Israel, MgaMga Tao na Sinasalakay ang Kapwa Nila

At kaniyang sinabi, Kung dumating si Esau sa isang pulutong, at kaniyang saktan, ang pulutong ngang natitira ay tatanan.

1343
Mga Konsepto ng TaludtodPaghingiSino ito?Saan Tutungo?

At iniutos sa una, na sinasabi, Pagka ikaw ay nasumpungan ni Esau na aking kapatid, at ikaw ay tinanong na sinasabi, Kanino ka? at saan ka paroroon? at kanino itong nangasa unahan mo.

1368
Mga Konsepto ng TaludtodTao, Atas ng

At iniutos din sa ikalawa, at sa ikatlo, at sa lahat ng sumusunod sa mga kawan, na sinasabi, Sa ganitong paraan sasalitain ninyo kay Esau, pagkasumpong ninyo sa kaniya;

1378
Mga Konsepto ng TaludtodPagtitipon ng mga NilalangPuwangSa Harapan

At ipinagbibigay sa kamay ng kaniyang mga bataan, bawa't kawan ay bukod; at sinabi sa kaniyang mga bataan, Lumagpas kayo sa unahan ko, at iiwanan ninyo ng isang pagitan ang bawa't kawan.