Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Genesis 33

Genesis Rango:

603
Mga Konsepto ng TaludtodApat hanggang Limang DaanApat at Limang DaanPagkakita sa mga TaoPamilya, Kaguluhan sa

At itiningin ni Jacob ang kaniyang mga mata at tumingin, at, narito, si Esau ay dumarating, at kasama niya'y apat na raang tao. At kaniyang binahagi ang mga bata kay Lea at kay Raquel, at sa dalawang alilang babae.

721
Mga Konsepto ng TaludtodPagaari na LupainPilakTolda, MgaPag-aaring LupaMalaking Denominasyon

At binili ang pitak ng lupa na pinagtayuan ng kaniyang tolda, sa kamay ng mga anak ni Hamor, na ama ni Sichem, ng isang daang putol na salapi.

725
Mga Konsepto ng TaludtodKatapangan, Halimbawa ngAltar, Mga GinawangKampo ng Israel

At dumating si Jacob na payapa sa bayan ng Sichem, na nasa lupain ng Canaan, nang siya'y manggaling sa Padan-aram; at siya'y humantong sa tapat ng bayan.

816
Mga Konsepto ng TaludtodAltar, MgaPagtatatag ng AltarMga Taong Nagbibigay Pangalan sa mga Bagay

At siya'y nagtindig doon ng isang dambana, at tinawag niyang El-Elohe-Israel.

931
Mga Konsepto ng TaludtodPagtatatag, LiteralPuwesto

At si Jacob ay naglakbay sa Succoth, at nagtayo ng isang bahay para sa kaniya, at iginawa niya ng mga balag ang kaniyang hayop: kaya't tinawag ang pangalan ng dakong yaon na Succoth.

978
Mga Konsepto ng TaludtodMasamang mga MagulangMga Bata, Ugali para saKabanalan ng BuhayMga Bata, mga Biyayang Galing sa DiyosSino ito?Kaloob ng Diyos, MgaIba pang Kaloob ng DiyosPagkakita sa mga Tao

At itiningin ni Esau ang mga mata niya, at nakita ang mga babae at ang mga bata, at sinabi, Sinosino itong mga kasama mo? At kaniyang sinabi, Ang mga anak na ipinagkaloob ng Dios sa iyong lingkod.

1114
Mga Konsepto ng TaludtodMakalangit na mga MukhaNgumingiti

At sinabi sa kaniya ni Jacob, Hindi, ipinamamanhik ko sa iyo, na kung ngayo'y nakasundo ako ng biyaya sa iyong paningin, ay tanggapin mo nga ang aking kaloob sa aking kamay: yamang nakita ko ang iyong mukha, na gaya ng nakakakita ng mukha ng Dios, at ikaw ay nalugod sa akin.

1162
Mga Konsepto ng TaludtodKasaganahanPinagpala ng Diyos

Tanggapin mo, ipinamamanhik ko sa iyo, ang kaloob na dala sa iyo; sapagka't ipinagkaloob sa akin ng Dios, at mayroon ako ng lahat. At ipinilit sa kaniya, at kaniyang tinanggap.

1167
Mga Konsepto ng TaludtodMalambingIsang ArawMahinang mga HayopPagmamanehoHayop, Sumususong mgaKamatayan ng lahat ng NilalangMahigpit, Pagiging

At sinabi niya sa kaniya, Nalalaman ng aking panginoon na ang mga bata ay mahihina pa at ang mga kawan at ang mga baka ay nagpapasuso: at kung ipagmadali sa isa lamang araw ay mamamatay ang lahat ng kawan.

1187
Mga Konsepto ng TaludtodPagyukodPitoPagbatiPitong UlitSa Harapan

At siya naman ay lumagpas sa unahan nila, at yumukod sa lupa na makapito, hanggang sa nalapit sa kaniyang kapatid.

1253
Mga Konsepto ng TaludtodPagtatangiPagkasunod-Sunod sa MartsaHuli, Ang mgaSa Harapan

At inilagay niya ang mga alila na kasama ng kanilang mga anak na pinakapanguna, at si Lea na kasama ng kaniyang mga anak na pinakapangalawa, at si Raquel at si Jose na pinakahuli.

1256

Nang magkagayo'y nagsilapit ang mga alilang babae, sila at ang kanilang mga anak, at nagsiyukod.

1289
Mga Konsepto ng TaludtodPagkamabagalMga Taong Nauuna

Magpauna ang aking panginoon sa kaniyang lingkod: at ako'y mamamatnubay na dahandahan, ayon sa hakbang ng mga hayop na nasa aking unahan, at ng hakbang ng mga bata, hanggang sa makarating ako sa aking panginoon sa Seir.

1291
Mga Konsepto ng TaludtodSa Harapan

At kaniyang sinabi, Yumaon tayo at tayo'y lumakad, at ako'y mangunguna sa iyo.

1392
Mga Konsepto ng TaludtodPapuntang Magkakasama

At sinabi ni Esau, Pahintulutan mong iwan ko sa iyo ang ilan sa mga taong kasama ko. At kaniyang sinabi, Ano pang dahil nito? Makasundo nawa ako ng biyaya sa paningin ng aking panginoon.

1393
Mga Konsepto ng TaludtodTauhang Pinauwi ng Bahay, MgaPalakaibigan

Gayon nagbalik si Esau ng araw ding yaon sa kaniyang lakad sa Seir.

1402
Mga Konsepto ng TaludtodKahulugan

At kaniyang sinabi, Anong palagay mo sa buong karamihang ito na nasumpungan ko? At kaniyang sinabi, Nang makasundo ng biyaya sa paningin ng aking panginoon.

1429
Mga Konsepto ng TaludtodHindi Tumatanggap

At sinabi ni Esau, Mayroon akong kasiya; kapatid ko, ariin mo ang iyo.

1510

At lumapit din si Lea at ang kaniyang mga anak, at nagsiyukod: at pagkatapos ay nagsilapit si Jose at si Raquel, at nagsiyukod.