Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Genesis 31

Genesis Rango:

138
Mga Konsepto ng TaludtodPagpayag na PatayinNinanakaw ang mga Diyus-diyusanSa Harapan ng mga Kalalakihan

Kaya kung kanino mo masumpungan ang iyong mga dios, ay huwag mabuhay: sa harap ng ating mga kapatid ay iyong kilalanin kung anong mayroon akong iyo, at dalhin mo sa iyo. Sapagka't hindi nalalaman ni Jacob na si Raquel ang nagnakaw.

176
Mga Konsepto ng TaludtodTolda, MgaHindi Natagpuan

At pumasok si Laban sa tolda ni Jacob, at sa tolda ni Lea, at sa tolda ng dalawang alilang babae, datapuwa't hindi niya nasumpungan; at lumabas sa tolda ni Lea, at pumasok sa tolda ni Raquel.

296
Mga Konsepto ng TaludtodBato, Bantayog na mga

At sinabi ni Jacob sa kaniyang mga kapatid, Manguha kayo ng mga bato; at kumuha sila ng mga bato at kanilang ginawang isang bunton: at sila'y nagkainan doon sa malapit sa bunton.

314
Mga Konsepto ng TaludtodHindi NatagpuanSa Harapan ng mga Kalalakihan

Yamang inapuhap mo ang lahat ng aking kasangkapan, anong nasumpungan mong kasangkapan, ng iyong bahay? Ilagay mo rito sa harap ng aking mga kapatid at ng iyong mga kapatid, upang hatulan nila tayong dalawa.

315

At pinanganlan ni Laban na Jegarsahadutha, datapuwa't pinanganlan ni Jacob na Galaad.

318
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Inaangkin ang Ibang mga Bagay

At sumagot si Laban at sinabi kay Jacob, Ang mga anak na babaing ito, ay aking mga anak at itong mga anak ay mga anak ko, at ang mga kawan ay mga kawan ko, at ang lahat ng iyong nakikita ay akin: at anong magagawa ko ngayon sa mga anak kong babae, o sa kanilang mga anak na ipinanganak nila?

327
Mga Konsepto ng TaludtodPagbubuntisLalakeng Tupa20 hanggang 30 mga taonNakunang Hayop, Mga

Ako'y natira sa iyo nitong dalawang pung taon: ang iyong mga babaing tupa, at ang iyong mga babaing kambing ay hindi nawalan ng kanilang mga anak, at ang mga tupang lalake ng iyong kawan ay hindi ko kinain.

468
Mga Konsepto ng TaludtodMga Diyus-diyusan sa BahayMga Taong NakaupoPaghahanap sa mga Nahahawakang BagayHindi NatagpuanPagtatagoBantayog

Nakuha nga ni Raquel ang mga larawan, at naisiksik sa mga daladalahan ng kamello at kaniyang inupuan. At inapuhap ni Laban ang buong palibot ng tolda, nguni't hindi niya nasumpungan.

639
Mga Konsepto ng TaludtodInggit, Halimbawa ngPagkamit ng KayamananGawing mga Pag-aari

At narinig ni Jacob ang mga salita ng mga anak ni Laban, na nagsisipagsabi, Kinuha ni Jacob ang lahat ng sa ating ama; at doon sa mga sa ating ama ay tinamo niya ang buong karangalang ito.

640
Mga Konsepto ng TaludtodKriminalMga Diyus-diyusan sa BahayTupaPagnanakawPaghihirap, Sanhi ngTupa na GinugupitanNinanakaw ang mga Diyus-diyusan

Si Laban nga ay yumaon upang gupitan ang kaniyang mga tupa: at ninakaw ni Raquel ang mga larawang tinatangkilik ng kaniyang ama.

662
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Maingat na NagmamasidMga Taong Naghihiwalay

At Mizpa sapagka't kaniyang sinabi, Bantayan ng Panginoon ako at ikaw, pag nagkakahiwalay tayo.

664
Mga Konsepto ng TaludtodPagdurugo ng Babae, BuwanangPagdurugoPaghahanap sa mga Nahahawakang BagayHindi NatagpuanHindi Kayang MakabangonBabae, Pagka

At sinabi niya sa kaniyang ama, Huwag magalit ang aking panginoon na ako'y hindi makatindig sa harap mo; sapagka't ako'y mayroon ng kaugalian ng mga babae. At kaniyang hinanap, datapuwa't hindi masumpungan ang mga larawan.

665
Mga Konsepto ng TaludtodTahananPagibig, at ang MundoMatuwid na PagnanasaNinanakaw ang mga Diyus-diyusan

At ngayon, bagaman iyong inibig yumaon, sapagka't pinagmimithian mong datnin ang bahay ng iyong ama ay bakit mo ninakaw ang aking mga dios?

674
Mga Konsepto ng TaludtodPangangasoGalit, Halimbawa ng MakatuwirangGalit ng Taong MatuwidPagtataloPinangalanang mga Tao na may Galit sa IbaAnong Kasalanan?

At naginit si Jacob at nakipagtalo kay Laban, at sumagot si Jacob, at sinabi kay Laban, Ano ang aking sinalangsang at ang aking kasalanan, upang ako'y habulin mong may pagiinit?

732
Mga Konsepto ng TaludtodTipan, Relasyon saBagay bilang mga Saksi, MgaHindi Magawa ang Iba Pang BagayTipan

At ngayo'y halika, gumawa tayo ng isang tipan, ako't ikaw na maging patotoo sa akin at sa iyo.

733
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos ng ating mga NinunoTakot sa Diyos, Halimbawa ngDiyos na Nakikita ang KahirapanWalang Lamang KamayDiyos na Para sa AtinDiyos na Nagsugo ng Kanyang AnakAko ay NahihirapanYaong mga NagpagalDiyos na Humihingi sa Kanila

Kung hindi sumaakin ang Dios ng aking ama, ang Dios ni Abraham, at ang Katakutan ni Isaac, ay walang pagsalang palalayasin mo ako ngayong walang dala. Nakita ng Dios ang aking kapighatian, ang kapaguran ng aking mga kamay, at sinaway ka niya kagabi.

754
Mga Konsepto ng TaludtodLangisBantayog, MgaAko ang DiyosPagpahid ng Langis ang mga Bagay-bagay

Ako ang Dios ng Betel, na doon mo pinahiran ng langis ang batong pinakaalaala, at doon ka gumawa ng panata sa akin: ngayo'y tumindig ka, umalis ka sa lupaing ito, at bumalik ka sa lupaing pinanganakan sa iyo.

781
Mga Konsepto ng TaludtodAnghel ng PanginoonMasdan nyo Ako!

At sinabi sa akin ng anghel ng Dios, sa panaginip, Jacob: at sinabi ko, Narito ako.

782
Mga Konsepto ng TaludtodBayadKalugihanPaniniil, Katangian ngPastol, Trabaho ngHayop, Biniyak na mgaAraw o Gabi

Ang nilapa ng mga ganid ay hindi ko dinala sa iyo; ako ang nagbata ng kawalan; sa aking kamay mo hiningi, maging nanakaw sa araw, o nanakaw sa gabi.

819
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos bilang HukomDiyos na Dapat Katakutan

Ang Dios ni Abraham at ang Dios ni Nachor, ang Dios ng ama nila ay siyang humatol sa atin. At si Jacob ay sumumpa ng ayon sa Katakutan ng kaniyang amang si Isaac.

866
Mga Konsepto ng TaludtodHindi Nagbabahagi

At nagsisagot si Raquel at si Lea, at sa kaniya'y sinabi, Mayroon pa ba kaming natitirang bahagi o mana sa bahay ng aming ama?

872

Nang magkagayo'y tumindig si Jacob, at pinasakay sa mga kamello ang kaniyang mga anak at ang kaniyang mga asawa;

894
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos ay Nasa Lahat ng DakoBanal na PangungunaDiyos, Sasaiyo angPagbabalik sa LupainPamilya, Unahin angMga LoloLupain

At sinabi ng Panginoon kay Jacob, Magbalik ka sa lupain ng iyong mga magulang, at sa iyong kamaganakan; at ako'y sasaiyo.

900
Mga Konsepto ng TaludtodAnak na Babae, MgaPoligamyaSaksi, Naayon sa Batas na mgaPagsamo sa DiyosAng Patotoo ng DiyosMga Taong Maaring Gumagawa ng Masama

Kung pahirapan mo ang aking mga anak, o kung magasawa ka sa iba bukod sa aking mga anak, ay wala tayong ibang kasama; tingnan mo, ang Dios ay saksi sa akin at sa iyo.

902
Mga Konsepto ng TaludtodPanaginipPanaginip, Halimbawa ngGabiTalumpati ng DiyosBabala sa mga TaoTuwirang Pahayag sa Pamamagitan ng Panaginip

At naparoon ang Dios kay Laban na taga Siria, sa panaginip sa gabi, at sa kaniya'y sinabi, Ingatan mong huwag kang magsalita kay Jacob ng mabuti o masama man,

965
Mga Konsepto ng TaludtodMasaholPagbabago

At minasdan ni Jacob ang mukha ni Laban, at narito't hindi sumasa kaniyang gaya ng dati.

969
Mga Konsepto ng TaludtodAlpaInstrumento ng Musika, Uri ngMusikaTamburinLira, MgaPag-Iwas LihimIba na NakatakasYaong mga NalinlangYaong mga Hindi Nagsabi

Bakit ka tumakas ng lihim, at tumanan ka sa akin; at hindi mo ipinaalam sa akin, upang ikaw ay napagpaalam kong may sayahan at may awitan, may tambol at may alpa;

980
Mga Konsepto ng TaludtodHayop, Nagtatalik na mgaHayop, Pagpaparami ng mgaBatik, Mga Hayop na mayItim at Puti

At nangyari, na sa panahong ang kawan ay naglilihi, ay itiningin ko ang aking mga mata, at nakita ko sa panaginip, at narito, ang mga kambing na lalake na nakatakip sa kawan ay mga may guhit, may batik at may dungis.

1029
Mga Konsepto ng TaludtodPistahan sa mga Natatanging ArawPistahanPaanyaya, MgaKumakain sa Harapan ng DiyosNananatiling Pansamantala

At naghandog si Jacob ng hain sa bundok, at tinawag ang kaniyang mga kapatid upang magsikain ng tinapay: at sila'y nagsikain ng tinapay, at sila'y nagparaan ng buong gabi sa bundok.

1039
Mga Konsepto ng TaludtodKaburulanIlog, Tawiran ngIlog Tigris

Ganito tumakas si Jacob sangpu ng buong kaniya; at bumangon at tumawid sa ilog Eufrates, at siya'y tumungo sa bundok ng Gilead.

1062
Mga Konsepto ng TaludtodBantayog, MgaObelisko

At kumuha si Jacob ng isang bato, at itinindig na pinakaalaala.

1065
Mga Konsepto ng TaludtodAnong Iyong Ginagawa?Yaong mga Nalinlang

At sinabi ni Laban kay Jacob, Anong ginawa mo na tumanan ka ng di ko nalalaman, at dinala mo ang aking mga anak na parang mangabihag sa tabak?

1069
Mga Konsepto ng TaludtodLagalagKampo ng IsraelNaabutan

At inabutan ni Laban si Jacob, At naitirik na ni Jacob ang kaniyang tolda sa bundok; at si Laban sangpu ng kaniyang mga kapatid ay nagtirik din sa bundok ng Gilead.

1072
Mga Konsepto ng TaludtodDoteKasakiman, Halimbawa ngKawalang Katapatan, Halimbawa ngAng Bilang na Labing ApatSampung UlitAnim na TaonSampu hanggang Labing Apat na Taon20 hanggang 30 mga taonPagbabagoNaglilingkod sa Bawat Tao

Nitong dalawang pung taon ay natira ako sa iyong bahay; pinaglingkuran kitang labing apat na taon dahil sa iyong dalawang anak, at anim na taon dahil sa iyong kawan: at binago mo ang aking kaupahan na makasangpu.

1076
Mga Konsepto ng TaludtodPagmamaneho

At dinala ang kaniyang lahat na hayop, at ang kaniyang buong pag-aaring tinipon, ang hayop na kaniyang napakinabang, na kaniyang tinipon, sa Padan-aram, upang pumaroon kay Isaac na kaniyang ama, sa lupain ng Canaan.

1077
Mga Konsepto ng TaludtodPagtuturingIturing bilang Banyaga

Hindi ba inaari niya kaming taga ibang bayan? sapagka't ipinagbili niya kami at kaniyang lubos nang kinain ang aming halaga.

1139
Mga Konsepto ng TaludtodBagay bilang mga Saksi, Mga

At sinabi ni Laban, Ang buntong ito ay saksi sa akin at sa iyo ngayon. Kaya't ang pangalan niya'y tinawag na Galaad;

1165
Mga Konsepto ng TaludtodBabala sa mga TaoMga Taong Maaring Gumagawa ng MasamaKapangyarihanNasaktanMagulang na MaliNasasaktan

Nasa kapangyarihan ng aking kamay ang gawan ko kayo ng masama: nguni't ang Dios ng inyong ama ay kinausap ako kagabi, na sinasabi, Ingatan mong huwag kang magsalita kay Jacob ng mabuti o masama man.

1174
Mga Konsepto ng TaludtodIba pang Ipinapatawag

At si Jacob ay nagsugo at tinawag si Raquel at si Lea sa bukid, sa kaniyang kawan,

1214
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos sa piling ng mga TaoMasaholPagbabago

At sinabi sa kanila, Nakikita ko ang mukha ng inyong ama, na hindi sumasaakin na gaya ng dati; datapuwa't ang Dios ng aking ama ay sumaakin.

1227
Mga Konsepto ng TaludtodKaloob ng Diyos, MgaIba pang Kaloob ng DiyosKumuha ng mga Hayop

Ganito inalis ng Dios ang mga hayop ng inyong ama, at ibinigay sa akin.

1283
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong NaghahalikanMga ApoUmagaYaong mga Bumangon ng UmagaTauhang Pinauwi ng Bahay, MgaMga Taong Pinagpala ang IbaMabuting PamamaalamHalimbawa ng Pagibig sa mga Anak

At bumangong maaga sa kinaumagahan si Laban, at hinagkan ang kaniyang mga anak na lalake at babae, at pinagbabasbasan: at yumaon at umuwi si Laban.

1305
Mga Konsepto ng TaludtodPagkamit ng KayamananGawing mga Pag-aari

Sapagka't ang buong kayamanang inalis ng Dios sa aming ama, ay amin yaon at sa aming mga anak: ngayon nga, gawin mo ang lahat ng sinabi sa iyo ng Dios.

1307
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Nakikita ang KahirapanBatik, Mga Hayop na mayItim at PutiDiyos na Nagsugo ng Kanyang Anak

At kaniyang sinabi, Itingin mo ngayon ang iyong mga mata, tingnan mo na ang lahat ng kambing na natatakip sa kawan ay may guhit, may batik at may dungis: sapagka't aking nakita ang lahat na ginagawa sa iyo ni Laban.

1310
Mga Konsepto ng TaludtodIba na NakatakasYaong mga NalinlangYaong mga Hindi Nagsabi

At tumanan si Jacob na di nalalaman ni Laban na taga Siria, sa di niya pagbibigay alam na siya'y tumakas.

1328
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong NaghahalikanPaghalikPagibig, at ang MundoPagkasiphayoMabuting Pamamaalam

At hindi mo man lamang ipinahintulot sa aking humalik sa aking mga anak na lalake at babae? Ngayon nga'y gumawa ka ng kamangmangan.

1342
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong may Pangkalahatang KaalamanNaglilingkod sa Bawat TaoMalalakas na mga Tauhan

At nalalaman ninyo, na ang aking buong lakas ay ipinaglingkod ko sa inyong ama.

1347
Mga Konsepto ng TaludtodKunin ang Ibang mga TaoTakot sa Isang Tao

At sumagot si Jacob, at sinabi kay Laban, Sapagka't ako'y natakot: sapagka't sinabi kong baka mo alising sapilitan sa akin ang iyong mga anak.

1374
Mga Konsepto ng TaludtodPitong ArawNaabutan

At ipinagsama niya ang kaniyang mga kapatid, at hinabol niyang pitong araw; at kaniyang inabutan sa bundok ng Gilead.

1444
Mga Konsepto ng TaludtodNaparaanObeliskoMga Panandang BatoBagay bilang mga Saksi, Mga

Maging saksi ang buntong ito, at saksi ang batong ito, na hindi ko lalagpasan ang buntong ito sa dako mo, at hindi mo lalagpasan ang buntong ito at ang batong pinakaalaalang ito sa pagpapahamak sa amin.

1447
Mga Konsepto ng TaludtodObeliskoMga Panandang Bato

At sinabi ni Laban kay Jacob, Narito, ang buntong ito at ang batong pinakaalaalang ito, na aking inilagay sa gitna natin.

1480
Mga Konsepto ng TaludtodBatik, Mga Hayop na mayItim at Puti

Kung kaniyang sinabing ganito, Ang mga may batik ang magiging kaupahan mo; kung magkagayo'y nanganganak ang lahat ng kawan ng mga may batik: at kung kaniyang sinabing ganito, Ang mga may guhit ang magiging kaupahan mo; kung magkagayo'y ang lahat ng kawan ay manganganak ng mga may guhit.