Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Genesis 48

Genesis Rango:

556
Mga Konsepto ng TaludtodBanig ng KamatayanPaghihirap, Sanhi ngPaghihirap, Katangian ngPapuntang MagkakasamaMaysakit na isang Tao

At nangyari, pagkatapos ng mga bagay na ito, na sinabi ng isa kay Jose, Narito, ang iyong ama ay may sakit: at kaniyang ipinagsama ang kaniyang dalawang anak, si Manases at si Ephraim.

660
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Nagbibigay Pangalan sa mga TaoAnghel, Hinahanap ang mga Tao ng mgaAnghel, Nagbibigay Ingat na mgaNawa'y Pagpapalain ng Diyos

Ang anghel na tumubos sa akin sa buong kasamaan, ay siya nawang magpala sa mga batang ito; at tawagin nawa sila sa aking pangalan, at sa pangalan ng aking mga magulang na si Abraham at si Isaac; at magsidami nawa silang totoo sa ibabaw ng lupa.

760
Mga Konsepto ng TaludtodPag-ampon, Kalikasan ngAnak, MgaDalawang AnakMga Taong Inaangkin ang Ibang mga Bagay

At ang iyo ngang dalawang anak na ipinanganak sa iyo sa lupain ng Egipto bago ako naparito sa iyo sa Egipto, ay akin; si Ephraim at si Manases, gaya ni Ruben at ni Simeon ay magiging akin.

773
Mga Konsepto ng TaludtodAng Pinakabatang AnakMga Taong may Pangkalahatang KaalamanTuntunin tungkol sa mga Kabataan

At tumanggi ang kaniyang ama, at sinabi, Talastas ko, anak ko, talastas ko; siya man ay magiging isang bayan, at siya man ay magiging dakila: gayon ma'y ang kaniyang kapatid na bata ay magiging lalong dakila kay sa kaniya, at ang kaniyang binhi ay magiging isang makapal na bansa.

794
Mga Konsepto ng TaludtodPanganayKamay, MgaPagpapatong ng KamayPanganay na Anak na LalakeMga Kamay sa mga UloKaliwang mga KamayPagpapatong ng Kamay para sa KagalinganPagpapala para sa Kanang Kamay

At iniunat ni Israel ang kaniyang kanang kamay, at ipinatong sa ulo ni Ephraim, na siyang bunso, at ang kaniyang kaliwang kamay ay sa ulo ni Manases, na pinapatnubayang sadya ang kaniyang mga kamay; sapagka't si Manases ang panganay.

850
Mga Konsepto ng TaludtodPakikipaglaban sa mga Kaaway

Bukod dito'y binigyan kita ng isang bahaging higit kay sa iyong mga kapatid, na aking kinuha ng aking tabak at ng aking busog sa kamay ng Amorrheo.

885
Mga Konsepto ng TaludtodPangungulila, Karanasan ngHindi Maligaya

At tungkol sa akin, nang ako'y dumating mula sa Padan, si Raquel ay namatay sa akin sa lupain ng Canaan sa daan, nang kulang pa ng kaunti upang dumating sa Ephrata: at aking inilibing siya roon sa daan ng Ephrata (na siya ring Bethlehem).

925

At kapuwa dinala ni Jose, si Ephraim sa kaniyang kanang kamay, sa dakong kaliwang kamay ni Israel, at si Manases sa kaniyang kaliwang kamay, sa dakong kanang kamay ni Israel, at inilapit niya sa kaniya.

941
Mga Konsepto ng TaludtodSino ito?

At nakita ni Israel ang mga anak ni Jose, at sinabi, Sino sino ito?

1015
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapakita ng DiyosPinagpala ng Diyos

At sinabi ni Jacob kay Jose, Ang Dios na Makapangyarihan sa lahat ay napakita sa akin sa Luz sa lupain ng Canaan, at binasbasan ako.

1113
Mga Konsepto ng TaludtodGaya ng mga Mabubuting TaoMga Taong Pinagpala ang Iba

At kaniyang binasbasan sila ng araw na yaon, na sinasabi Sa iyo magbabasbas ang Israel, na magsasabi, Gawin ka nawa ng Dios na gaya ni Ephraim at gaya ni Manases, at kaniyang ipinagpauna si Ephraim bago si Manases.

1120
Mga Konsepto ng TaludtodMga Kamay sa mga UloPagpapala para sa Kanang KamayMapanggulong mga Tao

At nang makita ni Jose na ipinatong ng kaniyang ama ang kaniyang kanang kamay sa ulo ni Ephraim, ay minasama niya; at itinaas niya ang kamay ng kaniyang ama, upang ilipat sa ulo ni Manases mula sa ulo ni Ephraim.

1143
Mga Konsepto ng TaludtodNalalapit na KamatayanDiyos, Sasaiyo angPagbabalik sa LupainKamatayan na Mangyayari

At sinabi ni Israel kay Jose, Narito, ako'y namamatay: nguni't ang Dios ay sasainyo, at dadalhin kayo uli sa lupain ng inyong mga magulang.

1190
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Walang HangganWalang Hanggang PagaariMabunga, Pagiging

At sinabi sa akin, Narito, palalaguin kita, at pararamihin kita, at gagawin kitang isang kapisanan ng mga bayan; at aking ibibigay ang lupaing ito sa iyong lahi pagkamatay mo, na pinakaari magpakailan man.

1225
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong NaghahalikanMatandang Edad, Kapansanan ng mayBisigPaghalikMatandang Edad, Pagkamit ngPangitainMadilim na PaninginHalik, MgaLimitasyon ng mga Matandang Tao

Ang mga mata nga ni Israel ay malabo na dahil sa katandaan, na ano pa't hindi na siya makakita. At kaniyang inilapit sila sa kaniya; at sila'y kaniyang hinagkan, at niyakap.

1281
Mga Konsepto ng TaludtodMga Bata, Ugali para saKabanalan ng BuhayMga Bata, mga Biyayang Galing sa DiyosMga Taong Pinagpala ang Iba

At sinabi ni Jose sa kaniyang ama, Sila'y aking mga anak, na silang mga ibinigay ng Dios sa akin dito. At kaniyang sinabi, Isinasamo ko sa iyo, na iyong dalhin sila rito sa akin, at sila'y aking babasbasan.

1294
Mga Konsepto ng TaludtodTuhod

At sila'y pinagkuha ni Jose sa pagitan ng kaniyang mga tuhod; at siya'y nagpatirapa sa lupa.

1332
Mga Konsepto ng TaludtodSilid-TuluganPagaasawa ng Bakla

At may nagsaysay kay Jacob, at nagsabi, Narito, pinaparituhan ka ng anak mong si Jose: at si Israel ay nagpakalakas at umupo sa higaan.

1355
Mga Konsepto ng TaludtodMatandang Edad, Pagkamit ngPagkakita sa mga Tao

At sinabi ni Israel kay Jose, Hindi ko akalaing makita ang iyong mukha: at, narito, ipinakita sa akin ng Dios pati ng iyong binhi.

1382
Mga Konsepto ng TaludtodPanganay na Anak na LalakeMga Kamay sa mga UloPagpapatong ng Kamay para sa KagalinganHindi Pagsang-ayonPagpapala para sa Kanang Kamay

At sinabi ni Jose sa kaniyang ama, Hindi ganyan, ama ko: sapagka't ito ang panganay; ipatong mo ang iyong kanang kamay sa kaniyang ulo.

1459

At ang iyong mga anak, na iyong mga naging anak na sumunod sa kanila ay magiging iyo; sila'y tatawagin ayon sa pangalan ng kanilang mga kapatid sa kanilang mana.