Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Isaias 11

Isaias Rango:

18
Mga Konsepto ng TaludtodPaskoMga Sanga, Talinghaga na Gamit ngNalabiBugtongTuod ng PunoMessias, Propesiya tungkol sa

At may lalabas na usbong sa puno ni Isai, at isang sanga mula sa kaniyang mga ugat ay magbubunga:

26
Mga Konsepto ng TaludtodLeopardoMilenyal na KaharianKorderoLeon, MgaHayop, Uri ng mgaPagliligtas mula sa mga LeonLobo, MgaMga Bata at ang Kaharian ng DiyosUsaAlagang Hayop, MgaNatutulog ng Payapa

At ang lobo ay tatahang kasama ng kordero, at ang leopardo ay mahihigang kasiping ng batang kambing; at ang guya, at ang batang leon, at ang patabain na magkakasama; at papatnubayan sila ng munting bata.

109
Mga Konsepto ng TaludtodPaninibughoPag-Iwas sa Pagiging SelosoPanliligalig

Ang inggit naman ng Ephraim ay maaalis, at ang mga lumiligalig ng Juda ay mahihiwalay: ang Ephraim ay hindi maiinggit sa Juda, at ang Juda ay hindi liligalig sa Ephraim.

133
Mga Konsepto ng TaludtodAng Propesiya sa AmmonAng Propesiya sa Edom

At sila'y lulusob sa mga Filisteo sa kalunuran; magkasamang sasamsam sila sa mga anak ng silanganan: kanilang iuunat ang kanilang kamay sa Edom at sa Moab; at susundin sila ng mga anak ni Ammon.

137
Mga Konsepto ng TaludtodKatuyuanIlog at Sapa, MgaHanginAng Propesiya sa EhiptoPitong BagayDiyos na Tinutuyo ang mga Bagay-bagayIba pang mga Talata tungkol sa Pulang DagatIlog Euprates

At lubos na sisirain ng Panginoon ang look ng dagat ng Egipto; at iwawaswas ang kaniyang kamay sa Ilog ng kaniyang malakas na hangin, at papagpipituhing batis, at palalakarin ang mga tao na hindi basa ang mga paa.

140
Mga Konsepto ng TaludtodLandas na DaraananKalsadaAng Propesiya sa AssiryaPagsasagawa ng mga KalyeNakaligtas, Lingap sa mgaLandas na Daraanan, Mga

At magkakaroon ng isang lansangan sa nalabi sa kaniyang bayan, na malalabi, mula sa Asiria; gaya ng nagkaroon sa Israel ng araw na siya'y umahon mula sa lupain ng Egipto.

231
Mga Konsepto ng TaludtodKarunungang Kumilala, Katangian ngPinuno, Mga Pulitikal naEspiritu ni CristoPagpapakitaCristo na HumahatolPagsasagawa ng PasyaTakot sa DiyosUsap-Usapan

At ang kaniyang kaluguran ay magiging sa pagkatakot sa Panginoon: at hindi siya hahatol ng ayon sa paningin ng kaniyang mga mata, ni sasaway man ng ayon sa pakinig ng kaniyang mga tainga:

264
Mga Konsepto ng TaludtodBaka, MgaPagpapakainDayamiOsoBatang HayopPagliligtas mula sa mga LeonInaalam kung Ano ang Kinakain ng mga HayopPusa

At ang baka at ang oso ay manginginain; ang kanilang mga anak ay mahihigang magkakasiping: at ang leon ay kakain ng dayami na gaya ng baka.

282
Mga Konsepto ng TaludtodPugadKobraAhas, MgaHayop, Uri ng mgaGumapangKapangyarihan sa mga AhasMga Bata at ang Kaharian ng DiyosSanggol

At ang batang pasusuhin ay maglalaro sa lungga ng ahas, at isusuot ng batang kahihiwalay sa suso ang kaniyang kamay sa lungga ng ulupong.

356
Mga Konsepto ng TaludtodAraw ng PANGINOONHentil sa Lumang TipanWatawat, Talinghagang Gamit ngPagasa bilang TiwalaMisyon ng IsraelJesu-Cristo bilang HariCristo, Mga Pangalan niMessias, Propesiya tungkol saWatawat

At mangyayari, sa araw na yaon na ang angkan ni Isai, na tumatayong pinakawatawat ng mga bayan, hahanapin ng mga bansa; at ang kaniyang pahingahang dako ay magiging maluwalhati.

374
Mga Konsepto ng TaludtodAraw ng PANGINOONKamay ng DiyosPulo, MgaNalabiPagpapanumbalik sa mga BansaAng Propesiya sa AssiryaAng Propesiya sa EhiptoPagsasagawa ng Dalawang UlitNakaligtas, Lingap sa mgaPagbuti

At mangyayari, sa araw na yaon, na ilalapag ng Panginoon uli ang kaniyang kamay na ikalawa upang mabawi ang nalabi sa kaniyang bayan na malalabi, mula sa Asiria, at mula sa Egipto, at mula sa Patros, at mula sa Cus, at mula sa Elam, at mula sa Sinar, at mula sa Amath, at mula sa mga pulo ng dagat.

388
Mga Konsepto ng TaludtodHininga ng DiyosMukha ng DiyosBaywangMilenyal na KaharianEspiritu ni CristoAng Tabak ng EspirituDiyos na Pumapalo sa TaoDiyos na PumapatayCristo, Pagsasalita niDiyos, Pumapatay angKatuwiran ni CristoHampasin ang mga Tao ng TungkodWalang Kinikilingan

Kundi hahatol siya ng katuwiran sa dukha, at sasaway na may karampatan dahil sa mga maamo sa lupa: at sasaktan niya ang lupa ng pamalo ng kaniyang bibig, at ng hinga ng kaniyang mga labi ay kaniyang papatayin ang masama.

394
Mga Konsepto ng TaludtodPangangalat, AngNalabiIpinatapon, MgaApat na SulokWatawatApat na Gilid

At siya'y maglalagay ng pinakawatawat sa mga bansa, at titipunin niya ang mga tapon ng Israel, at pipisanin ang mga nangalat ng Juda mula sa apat na sulok ng lupa.