Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Isaias 20

Isaias Rango:

498
Mga Konsepto ng TaludtodIbang mga Panahon

Nang taong dumating si Tartan kay Asdod, nang suguin siya ni Sargon na hari sa Asiria, at siya'y makipaglaban kay Asdod, at sakupin niya;

548
Mga Konsepto ng TaludtodKatawanPaa Lamang

Nang panahong yaon ay nagsalita ang Panginoon sa pamamagitan ni Isaias na anak ni Amoz, na nagsasabi, Ikaw ay yumaon, at kalagin mo ang kayong magaspang sa iyong mga balakang, at maghubad ka ng iyong panyapak sa iyong paa. At ginawa niyang gayon na lumakad na hubad at walang panyapak.

674
Mga Konsepto ng TaludtodKalaswaanPaa LamangMinisteryo, Katangian ngKahubaranAfrikaTatlong Taon

At sinabi ng Panginoon, Kung paanong ang aking lingkod na si Isaias ay lumakad na hubad at walang panyapak na tatlong taon na pinakatanda at pinakakamanghaan sa Egipto at sa Etiopia;

1020
Mga Konsepto ng TaludtodPaa LamangBilanggo, MgaAfrika

Gayon ihahatid ng hari sa Asiria ang mga bihag sa Egipto, at ang mga tapon sa Etiopia, bata at matanda, hubad at walang panyapak, at may mga pigi na litaw, sa ikapapahiya ng Egipto.

1090
Mga Konsepto ng TaludtodAfrikaInaasahan, Mga

At sila'y manganglulupaypay at mangapapahiya, dahil sa Etiopia na kanilang pagasa at sa Egipto na kanilang kaluwalhatian.

1227
Mga Konsepto ng TaludtodPagtakas sa KasamaanKutob

At ang nananahan sa baybaying ito ay mangagsasabi sa araw na yaon, Narito, gayon na lamang ang aming pagasa, na aming tinakasan na hiningan ng tulong upang makalaya sa hari sa Asiria: at kami paanong makatatanan?