Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Isaias 19

Isaias Rango:

162
Mga Konsepto ng TaludtodTanggulang Gawa ng DiyosSinagot na PangakoUmiiyakBagay bilang mga Tanda, Mga

At magiging pinakatanda at pinakasaksi sa Panginoon ng mga hukbo sa lupain ng Egipto: sapagka't sila'y magsisidaing sa Panginoon dahil sa mga mamimighati, at magsusugo siya sa kanila ng isang tagapagligtas, at isang tagapagsanggalang, at kaniyang ililigtas sila.

202
Mga Konsepto ng TaludtodMaayos na Turo sa Lumang TipanAlay na Natupad sa Bagong TipanPagsasagawa ng Panata

At ang Panginoon ay makikilala sa Egipto, at makikilala ng mga Egipcio ang Panginoon sa araw na yaon; oo, sila'y magsisisamba na may hain at alay, at magsisipanata ng panata sa Panginoon, at tutuparin.

313
Mga Konsepto ng TaludtodSalot, MgaPagsisisi, Halimbawa ngPagsisisi, Kahalagahan ngTugonPagbabalik sa DiyosDiyos na Pumapalo sa TaoDiyos na NagpapagalingKagalingan at Kaaliwan

At sasaktan ng Panginoon ang Egipto, na nananakit at magpapagaling; at sila'y manunumbalik sa Panginoon, at siya'y madadalanginan nila, at pagagalingin niya sila.

347
Mga Konsepto ng TaludtodLandas na DaraananPagsasagawa ng mga KalyeNananambahan sa DiyosLandas na Daraanan, MgaMga Tulay

Sa araw na yaon ay magkakaroon ng lansangan mula sa Egipto hanggang sa Asiria, at ang mga taga Asiria ay magsisipasok sa Egipto, at ang mga Egipcio ay sa Asiria, at ang mga Egipcio ay magsisisambang kasama ng mga taga Asiria.

382
Mga Konsepto ng TaludtodMilenyal na KaharianTatlong PangkatPagpapala sa pamamagitan ng Bayan ng DiyosPagpapala para sa mga Judio at Hentil

Sa araw na yao'y magiging pangatlo ang Israel sa Egipto at sa Asiria, na pagpapala sa gitna ng lupain:

409
Mga Konsepto ng TaludtodKarwaheNatutunawDiyos na SumasakayGrupong NanginginigPagkawala ng Tapang

Ang hula tungkol sa Egipto. Narito, ang Panginoon ay nakasakay sa isang matuling alapaap, at napasasa Egipto: at ang mga diosdiosan ng Egipto ay makikilos sa kaniyang harapan, at ang puso ng Egipto ay manglulumo sa gitna niyaon.

488
Mga Konsepto ng TaludtodPinagpalaPangalan at Titulo para sa IglesiaPagpapala mula sa Diyos

Sapagka't pinagpala sila ng Panginoon ng mga hukbo, na sinasabi, Pagpalain ang bayan kong Egipto, at ang Asiria na gawa ng aking mga kamay, at ang Israel na aking mana.

508
Mga Konsepto ng TaludtodAltar sa PanginoonObeliskoHangganan

Sa araw na yaon ay magkakaroon ng isang dambana sa Panginoon sa gitna ng lupain ng Egipto, at isang haligi sa hangganan niyaon sa Panginoon.

580
Mga Konsepto ng TaludtodWika, MgaLimang BagayLungsod na Sinasalakay

Sa araw na yaon ay magkakaroon ng limang bayan sa lupain ng Egipto, na mangagsasalita ng wika ng Canaan, at magsisisumpa sa Panginoon ng mga hukbo; isa'y tatawagin: Ang bayang giba.

646
Mga Konsepto ng TaludtodTagapayo, MgaTao, Damdamin ngPatnubay ng Diyos, Pangangailangan saPuso ng TaoEspiritistaPesimismoPlano, MgaEspiritu, MgaPanghuhulaNigromansiyaPagkawala ng TapangOkultismoOkulto na Walang Kapangyarihan sa Harapan ng Diyos

At ang diwa ng Egipto ay mauupos sa gitna niyaon; at aking sisirain ang payo niyaon: at sasangguni sila sa mga diosdiosan, at sa mga enkantador, at sa mga nakikipagsanggunian sa masamang espiritu, at sa mga manghuhula.

685
Mga Konsepto ng TaludtodKaguluhanKawalan ng PamahalaanKilabot na Hatid ng DigmaanSibil, Digmaang

At aking hihikayatin ang mga Egipcio laban sa mga Egipcio: at lalaban bawa't isa sa kanikaniyang kapatid, at bawa't isa laban sa kaniyang kapuwa; bayan laban sa bayan, at kaharian laban sa kaharian.

762
Mga Konsepto ng TaludtodAlkoholPagkalasenggo, Talinghagang Gamit ngKalituhanNagpasuraysurayPagkatuliroKawalang KatiyakanLasenggero

Naghalo ang Panginoon ng diwa ng kasuwailan sa gitna niya: at iniligaw nila ang Egipto sa bawa't gawa niya, na parang langong tao na nahahapay sa kaniyang suka.

781
Mga Konsepto ng TaludtodTagapayo, MgaPayo sa Masamang TaoKarunungan, sa Likas ng TaoKarunungan ng Tao, Pinagmumulan ngHangal na mga Tao

Ang mga pangulo sa Zoan ay lubos na mangmang; ang payo ng mga pinakapantas at kasangguni ni Faraon ay naging tampalasan: paanong masasabi ninyo kay Faraon, Ako'y anak ng pantas, anak ng mga dating hari?

814
Mga Konsepto ng TaludtodBatong PanulukanMemphisHangal na mga TaoMatinding Kahibangan

Ang mga pangulo sa Zoan ay naging mga mangmang, ang mga pangulo sa Nof ay nangadaya; kanilang iniligaw ang Egipto, na siyang panulok na bato ng kaniyang mga lipi.

824
Mga Konsepto ng TaludtodPlaksPagasa, Bunga ng KawalangLinoNananahiKawalang-Pagasa

Bukod dito'y silang nagsisigawa sa mga lino, at silang nagsisihabi ng puting damit ay mangapapahiya.

914
Mga Konsepto ng TaludtodKabayaranPalanguyanMatalinghagang mga Haligi

At ang kaniyang mga haligi ay magkakaputolputol, silang lahat na nangagpapaupa ay nangagdadalamhati ang kalooban.

921
Mga Konsepto ng TaludtodTubig, NatutuyongIlog NiloIlog, MgaMga Sanhi ng Pagkabigo sa…

At magkukulang ng tubig sa mga dagat, at ang ilog ay mawawalan ng tubig at matutuyo.

943
Mga Konsepto ng TaludtodKamay ng DiyosKapangyarihan, KawalangBinabaeKamay ng DiyosWagayway ng KamayGrupong NanginginigMahinang mga BabaeKatatakutan sa DiyosKamay ng Diyos na Laban

Sa araw na yaon ay magiging parang mga babae ang Egipto: at manginginig at matatakot dahil sa bala ng kamay ng Panginoon ng mga hukbo, na kaniyang ibinabala.

980
Mga Konsepto ng TaludtodTamboAmoyKanalKalikasan, Nabubulok naBatis

At ang mga ilog ay babaho; ang mga batis ng Egipto ay huhupa at matutuyo: ang mga tambo at mga talahib ay mangatutuyo.

1022
Mga Konsepto ng TaludtodIsda, MgaTumatangisLambatTrabahoMangingisda

Ang mga mangingisda naman ay magsisitaghoy, at lahat ng nangaglalawit ng bingwit sa Nilo ay tatangis, at silang nangaglaladlad ng mga lambat sa mga tubig ay manganglalata.

1033
Mga Konsepto ng TaludtodTakot sa Ibang mga TaoTerorismo

At ang lupain ng Juda ay magiging kakilabutan sa Egipto; sa kanino man mabanggit yaon ay matatakot, dahil sa panukala ng Panginoon ng mga hukbo, na ipinanukala laban doon.

1056
Mga Konsepto ng TaludtodAklat, Mga

Ang mga parang sa pangpang ng Nilo, sa baybayin ng Nilo, at lahat na nahasik sa tabi ng Nilo, mangatutuyo, mangatatangay, at mangawawala.

1058
Mga Konsepto ng TaludtodKarahasan, Ugali ng Diyos labanTubig, Natutuyong

At aking ibibigay ang mga Egipcio sa kamay ng mabagsik na panginoon; at mabangis na hari ay magpupuno sa kanila, sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo.

1180
Mga Konsepto ng TaludtodPlano, MgaMatatalinong LalakeNasaan ang mga Tao?

Saan nangaroon nga ang iyong mga pantas? at sasabihin nila sa iyo ngayon; at alamin nila kung ano ang pinanukala ng Panginoon ng mga hukbo tungkol sa Egipto.

1262
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Walang Kakayahan na MagligtasHindi Mailigtas

Hindi na magkakaroon man sa Egipto ng anomang gawain, na magagawa ng ulo o ng buntot, sanga ng palma, o tambo.