Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Isaias 21

Isaias Rango:

586
Mga Konsepto ng TaludtodKagubatanKarabana

Ang hula tungkol sa Arabia. Sa gubat ng Arabia ay magsisitigil kayo, Oh kayong nangaglalakbay na pulupulutong na mga Dedaneo.

595
Mga Konsepto ng TaludtodIpoipoPangitain mula sa Diyos

Ang hula tungkol sa ilang na nasa baybayin ng dagat. Kung paanong umiikot ang mga ipoipo sa Timugan gayon dumarating ang hangin na mula sa ilang mula sa kakilakilabot na lupain.

613
Mga Konsepto ng TaludtodTagapagbantay

Sapagka't ganito ang sinabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay yumaon, maglagay ka ng bantay; ipahayag niya kung ano ang nakikita niya:

627
Mga Konsepto ng TaludtodPropesiya Tungkol Sa

Ang hula tungkol sa Duma. May tumatawag sa akin mula sa Seir, Bantay, anong nangyari sa gabi? Bantay, anong nangyari sa gabi?

744
Mga Konsepto ng TaludtodPropesiyang PangitainTaksil, Mga

Isang malubhang pangitain ay naipahayag sa akin; ang manggagawa ng karayaan ay gumagawang may karayaan, at ang mananamsam ay nananamsam. Umahon ka, Oh Elam; kumubkob ka, Oh Media; lahat ng buntong-hininga niya'y aking pinatigil.

774
Mga Konsepto ng TaludtodPagpahid na LangisOpisyalesSanggalangHapag, MgaPagpahid ng Langis ang mga Bagay-bagayKumain at Umiinom

Sila'y nangaghanda ng dulang, sila'y nangaglagay ng bantay, sila'y nagsisikain, sila'y nagsisiinom: magsitindig kayo, kayong mga pangulo, inyong ihanda ang kalasag.

839
Mga Konsepto ng TaludtodKatapusanAng Kaluwalhatian ng TaoIsang TaonPagkawala ng Dangal

Sapagka't ganito ang sinabi ng Panginoon sa akin, Sa loob ng isang taon, ayon sa mga taon ng magpapaupa, ang lahat ng kaluwalhatian ng Cedar ay mapapawi:

845
Mga Konsepto ng TaludtodLikodKabayo, MgaPagsakay sa AsnoPagsakay sa KamelyoDalawang Hayop

At pagka siya'y nakakita ng pulutong, ng mga nangangabayong dalawa't dalawa, ng mga asno, ng pulutong ng mga kamelyo siya'y masikap na makikinig na ma'y pagiingat.

856
Mga Konsepto ng TaludtodBabilonyaAng Propesiya sa BabilonyaPagkawasak ng BabilonyaBabilonya, Pagkawasak ngIbinababang mga Diyus-diyusanPagtalikod sa mga Diyus-diyusan

At, narito, dito'y dumarating ang isang pulutong na lalake, mga nangangabayong dalawa't dalawa. At siya'y sumagot at nagsabi, Babilonia ay nabagsak, nabagsak, at lahat na larawang inanyuan na kaniyang mga dios ay nangabagsak sa lupa.

944
Mga Konsepto ng TaludtodPuganteKawanggawaNagpapakain, Grupong

Ang nauuhaw ay dinadalhan nila ng tubig; sinalubong ng mga nananahan sa lupain ng Tema na may kanilang tinapay ang mga bihag.

960
Mga Konsepto ng TaludtodPagsamba sa Araw at Gabi

At siya'y umungal na parang leon: Oh Panginoon, ako'y tumatayong lagi sa moog na bantayan kung araw, at ako'y tumatanod sa aking bantayan na magdamagan:

989
Mga Konsepto ng TaludtodGiikan

Oh ikaw na aking giniik, at trigo ng aking giikan: ang aking narinig sa Panginoon ng mga hukbo, sa Dios ng Israel, aking ipinahayag sa iyo.

1006
Mga Konsepto ng TaludtodNakaligtas sa Israel, MgaIlang Tao

At ang malabi sa bilang sa mga mangbubusog, sa mga makapangyarihang lalake na mga anak ni Cedar, ay mangiilan: sapagka't ang Panginoon, ang Dios ng Israel, siyang nagsalita.

1031
Mga Konsepto ng TaludtodPagdurusa, Sa KatawanKatawanKaparusahan, Katangian ngHirap ng Panganganak

Kaya't ang aking mga balakang ay puspos ng kahirapan; mga hirap ay dinamdam ko, gaya ng mga hirap ng babae sa pagdaramdam; ako'y naghihirap na anopa't hindi ako makarinig; ako'y nanglulupaypay na anopa't hindi ako makakita.

1060
Mga Konsepto ng TaludtodTao, Damdamin ngPuso ng TaoMakatulog, HindiNatitisodTakot sa Hindi MaintindihanWalang KapahingahanTakipsilimTauhang Nanginginig, Mga

Ang aking puso ay sumisikdo, kakilabutan ay tumakot sa akin: ang pagtatakip-silim na aking ninasa ay naging kapanginigan sa akin.

1137
Mga Konsepto ng TaludtodLiwaywayEspirituwal na Pagbubukang LiwaywaySa Umaga at GabiProbisyon sa GabiNatutulog ng Payapa

Sinabi ng bantay, Ang umaga ay dumarating, at gayon din ang gabi: kung inyong uusisain, usisain ninyo: magsipihit kayo, parito kayo.

1160
Mga Konsepto ng TaludtodMainitMga Taong Tumatakas

Sapagka't kanilang tinatakasan ang mga tabak, ang bunot na tabak, at ang akmang busog, at ang lala ng digmaan.