Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Isaias 22

Isaias Rango:

181
Mga Konsepto ng TaludtodTronoKuko, MgaTalasokPagiingat sa Iyong Pamilya

At aking ikakapit siya na parang pako sa isang matibay na dako; at siya'y magiging pinakaluklukan ng kaluwalhatian sa sangbahayan ng kaniyang magulang.

258
Mga Konsepto ng TaludtodAma, Mga Tungkulin ng

At kanilang ipagkakaloob sa kaniya ang buong kaluwalhatian ng sangbahayan ng kaniyang magulang, ang mga anak at ang angkan, bawa't sisidlan, mula sa mga munting sisidlan hanggang sa mga malalaking sisidlan.

369
Mga Konsepto ng TaludtodTolda, MgaTalasok

Sa araw na yaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, matatanggal ang pakong nakapit sa matibay na dako; at mababalikwat, at mahuhulog, at ang mga sabit niyaon ay malalaglag; sapagka't sinalita ng Panginoon.

480
Mga Konsepto ng TaludtodKilos at GalawPagkakalbo, Hindi Likas naPagkakalboBuhok, MgaPagtangis

At nang araw na yao'y tumawag ang Panginoon, ang Panginoon ng mga hukbo, sa pagiyak, at sa pagtangis, at sa pagkakalbo, at sa pagbibigkis ng kayong magaspang.

502
Mga Konsepto ng TaludtodDavid, Espirituwal na Halaga niSusi, MgaBukas na mga PintoIpinipinid ang Kaharian

At ang katungkulan sa sangbahayan ni David ay iaatang ko sa kaniyang balikat; at siya'y magbubukas, at walang magsasara; at siya'y magsasara, at walang magbubukas.

570
Mga Konsepto ng TaludtodSa Tuktok ng BahayBubungan

Ang hula tungkol sa libis ng pangitain. Anong ipinakikialam mo ngayon na ikaw ay lubos na sumampa sa mga bubungan?

628
Mga Konsepto ng TaludtodPangangagatMortalidadKasalukuyan, AngSarili, Pagpapakalayaw saAlakLugod, Naghahanap ngAlkohol, Paggamit ngKumain at UmiinomKumakain, Umiinom at Nagpapakasaya

At, narito, kagalakan at kasayahan, pagpatay ng mga baka at pagpatay ng mga tupa, pagkain ng karne, at paginom ng alak: Tayo'y magsikain at magsiinom, sapagka't bukas tayo ay mangamamatay.

629
Mga Konsepto ng TaludtodIngat-Yaman

Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo, Ikaw ay yumaon, pumaroon ka sa tagaingat-yamang ito sa makatuwid baga'y kay Sebna, na katiwala sa bahay, at iyong sabihin,

722
Mga Konsepto ng TaludtodLingkod ng Panginoon

At mangyayari sa araw na yaon, na aking tatawagin ang aking lingkod na si Eliacim na anak ni Hilcias:

797

Oh ikaw na puspos ng mga hiyawan, magulong bayan, masayang bayan; ang iyong mga patay ay hindi nangapatay ng tabak, o nangamatay man sila sa pakikipagbaka.

829
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Pahayag ngDiyos na Hindi Nagpapatawad

At ang Panginoon ng mga hukbo ay naghayag sa aking mga pakinig, Tunay na ang kasamaang ito ay hindi malilinis sa inyo hanggang sa kayo'y mangamatay, sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo.

940
Mga Konsepto ng TaludtodTrosong PanggibaLambak, MgaPader, MgaPangitain mula sa Diyos

Sapagka't araw na pagkatulig at ng pagyurak, at ng pagkalito, mula sa Panginoon, mula sa Panginoon ng mga hukbo, sa libis ng pangitain; pagkabagsak ng mga kuta at paghiyaw sa mga bundok.

995
Mga Konsepto ng TaludtodPagiging Masigasig para sa IsraelKalungkutanWalang Kaaliwan

Kaya't sinabi ko, Bayaan ninyo ako, ako'y iiyak na may kapanglawan; huwag ninyong sikaping aliwin ako, ng dahil sa pagkasamsam sa anak na babae ng aking bayan.

1011
Mga Konsepto ng TaludtodPagbibilangBinibilang na mga GusaliPagkawasak ng mga KabahayanPagtatatag ng Pader ng Jerusalem

At inyong binilang ang mga bahay ng Jerusalem, at inyong iginiba ang mga bahay upang patibayin ang kuta.

1012
Mga Konsepto ng TaludtodKahihiyanPagpapaalis

At aalisin kita sa iyong katungkulan, at sa iyong kinaroroonan ay ibubuwal ka.

1024
Mga Konsepto ng TaludtodTarangkahanKarwahePaghihintay sa TarangkahanPagsakay sa KabayoPagsalakay sa Jerusalem ay Ipinahayag

At nangyari, na ang iyong pinakapiling libis ay puno ng mga karo, at ang mga mangangabayo ay nagsisihanay sa pintuang-bayan.

1027
Mga Konsepto ng TaludtodBalabalTao, Katangian ng Pamahalaan ngEspirituwal na mga AmaMga Taong Kulang sa Kapamahalaan

At aking susuutan siya ng iyong balabal, at patitibayin siya ng iyong pamigkis, at aking ipagkakatiwala ang iyong pamamahala sa kaniyang kamay: at siya'y magiging ama sa mga nananahan sa Jerusalem, at sa sangbahayan ni Juda.

1028
Mga Konsepto ng TaludtodPangangatalBagay na Hinubaran, Mga

At ang Elam ay may dalang lalagyan ng pana, may mga karo ng mga tao at mga mangangabayo; at ang Kir ay Bunot ang kalasag.

1038
Mga Konsepto ng TaludtodLibinganTaasKagamitanMakamundong Hangarin, Halimbawa ng

Anong ginagawa mo rito? at sinong ibinaon mo rito, na gumawa ka rito ng isang libingan para sa iyo? na gumagawa ka ng libingan sa itaas, at umuukit ka ng tahanan niyang sarili sa malaking bato!

1049
Mga Konsepto ng TaludtodHalimbawa ng KompiyansaBulaang Tiwala, Halimbawa ngBulaang TiwalaPalanguyanDiyos na may Panukala noong Una PalangPag-aalinlangan sa DiyosPlano ng Diyos, Mga

Kayo'y nagsigawa naman ng tipunang tubig sa pagitan ng dalawang kuta para sa tubig ng dating tangke. Nguni't hindi ninyo tiningnan siyang gumawa nito, o nagpakundangan man kayo sa kaniya na naganyo nito na malaon na.

1059
Mga Konsepto ng TaludtodIsrael, Tumatakas ang

Lahat mong pinuno ay nagsitakas na magkakasama, nangatalian ng mga mangbubusog: lahat na nangasumpungan sa iyo ay nangataliang magkakasama, nagsitakas na malayo.

1089
Mga Konsepto ng TaludtodPalanguyanPagkawasak ng Pader ng JerusalemGawa ng Pagbubukas, AngBinubuksang mga Pader

At inyong nakita ang mga sira ng bayan ni David, na napakarami: at inyong pinisan ang tubig ng mababang tangke.

1110
Mga Konsepto ng TaludtodNagtitiwala sa mga KarwaheLumiligidKahihiyan ay Dumating

Tunay niyang papipihit-pihitin at itatapon ka na parang bola sa malaking lupain; doon ka mamamatay, at doon malalagay ang mga karo ng iyong kaluwalhatian, ikaw na kahihiyan ng sangbahayan ng iyong panginoon.

1158
Mga Konsepto ng TaludtodLugar para sa mga SandataDiyos na Hinuhuburan ang mga Tao

At kaniyang inalis ang takip ng Juda; at ikaw ay tumitig ng araw na yaon sa sakbat sa bahay na kahoy sa gubat.

1219
Mga Konsepto ng TaludtodItinatapong mga Tao

Narito, ibabagsak kang bigla ng Panginoon na gaya ng malakas na tao: oo, kaniyang hihigpitan ka.