Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Isaias 23

Isaias Rango:

474
Mga Konsepto ng TaludtodMandaragatBarko, Mga

Ang hula tungkol sa Tiro. Magsiangal kayo, kayong mga sasakyang dagat ng Tarsis; sapagka't nasira, na anopa't walang bahay, walang pasukan: mula sa lupain ng Chittim ay nahayag sa kanila.

784
Mga Konsepto ng TaludtodKatahimikanKalakalKaragatan, Manlalayag saMapagpigil na PananalitaPagtawid sa Kabilang Ibayo

Magsitahimik kayo, kayong mga nananahan sa baybayin; ikaw na pinasagana ng mga mangangalakal ng Sidon, na nagdaraan sa dagat.

877

Magdaan ka sa iyong lupain na gaya ng Nilo, Oh anak na babae ng Tarsis; wala ka ng lakas.

881
Mga Konsepto ng TaludtodGulang, Haba ng Buhay batay sa70 hanggang 80 mga taonBuhay, Haba ngKinalimutan ang mga TaoBayarang Babae

At mangyayari, sa araw na yaon na ang Tiro ay malilimutang pitong pung taon, ayon sa mga kaarawan ng isang hari: pagkatapos ng pitong pung taon ay mangyayari sa Tiro ang gaya sa awit ng patutot.

946
Mga Konsepto ng TaludtodPalengke

At nasa baybayin ng malawak na tubig ang binhi ng Sihor, ang ani ng Nilo, naging kaniyang pakinabang; at siya'y naging pamilihan ng mga bansa.

956
Mga Konsepto ng TaludtodAnak na Babae, MgaMakatulog, HindiBirhenWalang Kapahingahan

At kaniyang sinabi, Ikaw ay hindi na magagalak pa, Oh ikaw na aping dalaga ng Sidon; bumangon ka, magdaan ka sa Chittim: doon ma'y hindi ka magkakaroon ng kapahingahan.

978
Mga Konsepto ng TaludtodKalakalKalakalPlano ng Diyos, Mga

Sinong nagpanukala nito laban sa Tiro na siyang bayang nagpuputong, na ang mga manininda ay mga pangulo, na ang mga mangangalakal ay mararangal sa lupa.

994
Mga Konsepto ng TaludtodGiba, MgaAng Propesiya sa AssiryaAng Propesiya sa Babilonya

Tingnan mo ang lupain ng mga Caldeo; ang bayang ito ay wala na; inilaan ng taga Asiria para sa mga hayop sa ilang; kanilang itinayo ang kanilang mga moog; iginiba nila ang mga palacio niyaon: kaniyang pinapaging isang guho.

1097
Mga Konsepto ng TaludtodAlpaPagalaala sa mga TaoKinalimutan ang mga Tao

Ikaw ay humawak ng alpa, lumibot ka sa bayan, ikaw na patutot na nalimutan; magpainam ka ng tinig, umawit ka ng maraming awit, upang ikaw ay maalaala.

1100
Mga Konsepto ng TaludtodUmuupa70 hanggang 80 mga taonDiyos, Pagbisita ng

At mangyayari, sa katapusan ng pitong pung taon, na dadalawin ng Panginoon ang Tiro, at pagbabalikan niya ang kaniyang upa, at magiging patutot sa lahat ng kaharian ng sanglibutan sa ibabaw ng lupa.

1116

Mangagpatuloy kayo sa Tarsis: magsiangal kayo, kayong mga nananahan sa baybayin.

1148
Mga Konsepto ng TaludtodMandaragatBarko, MgaPagkawasak ng mga Muog Tanggulan

Magsiangal kayo, kayong mga sasakyang dagat ng Tarsis: sapagka't ang inyong tanggulan ay giba.

1149
Mga Konsepto ng TaludtodKatapusanKapakumbabaanMapagmataasPagpapakababa sa PalaloDiyos na Laban sa mga PalaloPlano ng Diyos, Mga

Pinanukala ng Panginoon ng mga hukbo, upang hamakin ang kapalaluan ng buong kaluwalhatian, upang hiyain ang lahat na mararangal sa lupa?

1162
Mga Konsepto ng TaludtodKalakalPagiimbak ng Kayamanan sa LupaKabayaraan sa Bayarang Babae

At ang kaniyang kalakal at ang upa sa kaniya ay itatalaga sa Panginoon: hindi itatago o isisimpan man, sapagka't ang kaniyang kalakal ay magiging sa ganang kanila na nagsisitahan sa harap ng Panginoon, upang magsikaing may kabusugan, at manamit na mainam.

1175

Pagka ang balita ay dumating sa Egipto, ay mamamanglaw silang mainam sa balita tungkol sa Tiro.

1206
Mga Konsepto ng TaludtodTiwala sa Diyos, Nagbubunga ng KatapanganPanganganak, Hindi

Mahiya ka, O Sidon: sapagka't sinalita ng dagat, ng tanggulan ng dagat, na sinasabi, hindi ako nagdamdam, o nanganak man, o nagalaga man ako ng mga binata, o nagpalaki ng mga dalaga.

1246
Mga Konsepto ng TaludtodKamay ng DiyosKaharian, MgaKamay ng DiyosPagkawasak ng mga Muog TanggulanKamay ng Diyos na Nakaunat

Kaniyang iniunat ang kaniyang kamay sa dagat, kaniyang niyanig ang mga kaharian: ang Panginoon ay nagutos tungkol sa Canaan, upang gibain ang mga kuta niyaon.

1280
Mga Konsepto ng TaludtodKasaysayan ng mga BansaMalayo mula rito

Ito baga ang inyong masayang bayan, na matanda na mula pa noong unang araw, na dinadala ng kaniyang mga paa sa malayo upang mangibang bayan?