Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Isaias 29

Isaias Rango:

453
Mga Konsepto ng TaludtodPangalan para sa Jerusalem, MgaPagsalakay sa Jerusalem ay IpinahayagAbang Kapighatian sa Israel at JerusalemPagdiriwang na TinatangkilikTalatakdaan

Hoy Ariel, Ariel, na bayang hinantungan ni David! magdagdag kayo ng taon sa taon; magdiwang sila ng mga kapistahan:

475
Mga Konsepto ng TaludtodKahangalan, Halimbawa ngPagiisipPilosopiyaDahilanKatusuhanKaisipanKarunungan ng Tao, Pinagmumulan ngImbensyon, MgaBulaang KarununganMakamundong PatibongKarunungang Kumilala

Dahil dito narito, pasisimulan kong gawin ang isang kagilagilalas na gawa sa gitna ng bayang ito, isang kagilagilalas na gawa at kamanghamangha: at ang karunungan ng kanilang mga pantas ay mapapawi, at ang unawa ng kanilang mga mabait ay malilingid.

520
Mga Konsepto ng TaludtodLiterasiyaPagbabasa ng Ibang mga BagayPagsasaulo ng KasulatanEdukasyonPagbabasa ng Biblia

At ang aklat ay nabigay sa kaniya na hindi marunong, na sinasabi, Iyong basahin ito, isinasamo ko sa iyo: at kaniyang sinasabi, Ako'y hindi marunong bumasa.

533
Mga Konsepto ng TaludtodPakikinigTagakitaPagtulog, Espirituwal naPagtulog, Pisikal naEspiritu, Damdaming Aspeto ngMata, Nasaktang mgaPropesiya, Binuwag naUlo bilang PinunoPropeta, Mga

Sapagka't inihulog ng Panginoon sa inyo ang diwa ng mahimbing na pagkakatulog, at ipinikit ang inyong mga mata, na mga propeta; at ang iyong mga pangulo, na mga tagakita, ay kaniyang tinakpan.

557
Mga Konsepto ng TaludtodPintas sa gitna ng mga MananampalatayaLuwadMagpapalayokPagpapalayokBinaligtadPagiging Walang UnawaTao, Kanyang Relasyon sa Kanyang ManlilikhaDamoAteismoPalayok

Kayo'y nangagbabaligtad ng mga bagay! Maibibilang bagang putik ang magpapalyok; upang sabihin ng bagay na yari sa may-gawa sa kaniya, Hindi niya ginawa ako; o sabihin ng bagay na may anyo tungkol sa naganyo, Siya'y walang unawa?

565
Mga Konsepto ng TaludtodPagkabingiKadiliman, Kaligtasan mula saMata na Ginagamit sa PropesiyaAng Bingi ay MakikinigKagalingan ng Bulag

At sa araw na yaon ay makikinig ang pipi ng mga salita ng aklat, at ang mga mata ng bulag ay makakakita mula sa kalabuan at sa kadiliman.

625
Mga Konsepto ng TaludtodBalumbonKapurulanTinatakan ang MensahePagbabasa ng Biblia

At ang lahat ng pangitain ay naging sa inyo'y gaya ng mga salita ng aklat na natatatakan, na ibinibigay ng mga tao sa isang marunong bumasa, na sinasabi, Iyong basahin ito, isinasamo ko sa iyo: at kaniyang sinasabi, Hindi ko mababasa, sapagka't natatatakan;

655
Mga Konsepto ng TaludtodLindolPaghihirap, Sanhi ngKidlatDiyos na Nagsusugo ng HanginApoy ng KahatulanBagyo, MgaKidlat na Kapahayagan ng Hatol ng Diyos

Siya'y dadalawin ng Panginoon ng mga hukbo sa pamamagitan ng kulog, at ng lindol, at ng malaking kaingay, ng ipoipo at bagyo, at ng liyab ng mamumugnaw na apoy.

689
Mga Konsepto ng TaludtodKamanghamanghaUmiinomNagpasuraysurayMalakas na InuminPambubulagDiyos na Nagbigay KalasinganIba, Pagkabulag ngKawalang KatiyakanBeerLasenggero

Kayo'y mangatigilan at manganggilalas; kayo'y mangalugod at mangabulag: sila'y lango, nguni't hindi sa alak; sila'y gumigiray, nguni't hindi sa matapang na alak.

755
Mga Konsepto ng TaludtodPagtatago ng KasalananTabing, MgaLihim na mga KasalananKadiliman ng KasamaanHindi Nakikita ang mga TaoHindi NakikitaPagtatago ng KasalananAbang Kapighatian sa mga MasamaKadilimanPagtatago

Sa aba nila, na nagsisihanap ng kalaliman upang ilingid sa Panginoon ang kanilang payo, at ang kanilang mga gawa ay nasa kadiliman, at kanilang sinasabi, Sinong nakakakita sa atin? at sinong nakakakilala sa atin?

778
Mga Konsepto ng TaludtodNigromansiyaPaghamak sa mga TaoTalumpatiMulto, MgaAbo

At ikaw ay mabababa, at magsasalita mula sa lupa, at ang iyong salita ay magiging mababa na mula sa alabok: at ang iyong tinig ay magiging gaya ng isang nakikipagsanggunian sa masamang espiritu, mula sa lupa, at ang iyong pananalita ay bubulong mula sa alabok.

822
Mga Konsepto ng TaludtodSandaling PanahonDumaraming BungaMaiksing Panahon Hanggang KatapusanMabunga, Pagiging

Hindi baga sangdaling-sangdali na lamang, at ang Libano ay magiging mainam na bukid, at ang mainam na bukid ay magiging pinakagubat?

843
Mga Konsepto ng TaludtodIpaBiglaanLiwanag bilang IpaNilalang na bumabalik sa AlabokPagiingat sa mga KaawayKaaway, Atake ng mgaAbo

Nguni't ang karamihan ng iyong mga kaaway ay magiging gaya ng munting alabok, at ang karamihan ng mga kakilakilabot ay gaya ng ipang inililipad ng hangin: oo, magiging sa biglang sandali.

896
Mga Konsepto ng TaludtodDumaramiKapakumbabaanKapakumbabaanKatangian ng MananampalatayaNagagalakPagiging MapagpakumbabaKapakumbabaan

At mananagana naman sa kanilang kagalakan sa Panginoon, ang maamo, at ang dukha sa gitna ng mga tao ay magagalak sa Banal ng Israel.

929
Mga Konsepto ng TaludtodKawalang Katarungan, Halimbawa ngPatibongKawalang PagmamalasakitNegosyo sa Tabi ng Pasukang DaananTao, Patibong sa

Yaong nakapagkasala sa tao sa isang usapin, at naglalagay ng silo doon sa sumasaway sa pintuang-bayan, at nagliligaw sa ganap na tao sa pamamagitan ng walang kabuluhan.

931
Mga Konsepto ng TaludtodPagtangis dahil sa PagkawasakLikas na mga Sakuna

Akin ngang pahihirapan ang Ariel, at magsisitangis at mananaghoy: at siya'y magiging gaya ng Ariel sa akin.

951
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos bilang ManunubosTinubos

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, na siyang tumubos kay Abraham, tungkol sa sangbahayan ni Jacob, Si Jacob nga ay hindi mapapahiya o mamumula pa man ang kaniyang mukha.

977
Mga Konsepto ng TaludtodBulaang PagsambaPagpipitagan at ang Kalikasan ng DiyosKatatakutan sa DiyosPagpapakabanal

Nguni't pagka kaniyang nakikita ang kaniyang mga anak, ang gawa ng aking mga kamay, sa gitna niya, ay kanilang aariing banal ang aking pangalan; oo, kanilang aariing banal ang Banal ni Jacob, at magsisitayong may takot sa Dios ng Israel.

988
Mga Konsepto ng TaludtodMasamang PanaginipGana, Pisikal naPisikal na GutomPagiging Hindi KontentoGaya ng Panaginip

At mangyayari, na gaya ng kung ang isang gutom ay nananaginip, at, narito, siya'y kumakain; nguni't siya'y nagigising, at ang kaniyang kaluluwa ay walang anoman: o gaya ng kung ang isang uhaw ay nananaginip, at, narito, siya'y umiinom; nguni't siya'y nagigising, at, narito, siya'y malata, at ang kaniyang kaluluwa ay uhaw: gayon ang mangyayari sa karamihan ng lahat na bansa, na nagsisilaban sa bundok ng Sion.

1026
Mga Konsepto ng TaludtodKahangalan, Epekto ngKaunawaanPagtanggap ng TuroHuwag MagreklamoPagrereklamoPintasDoktrina

Sila namang nangamamali sa diwa ay darating sa pagkaunawa, at silang mga mapag-upasala ay mangatututo ng aral.

1036
Mga Konsepto ng TaludtodKarahasan, Ugali ng Diyos labanPanlilibakKawalang Katapatan sa DiyosKawalang PagmamalasakitPagbabantay upang ManiloMga Taong NagwakasManlillibakMapanlibak, Mga

Sapagka't ang kakilakilabot ay nauwi sa wala, at ang mangduduwahagi ay naglilikat, at ang lahat na nagbabanta ng kasamaan ay nangahiwalay:

1066
Mga Konsepto ng TaludtodPagsalakay sa Jerusalem ay Ipinahayag

At ako'y magtatayo ng kampamento laban sa iyo sa palibot, at kukubkubin kita ng mga kuta, at ako'y magbabangon ng mga pangkubkob laban sa iyo.

1196
Mga Konsepto ng TaludtodGaya ng Panaginip

At ang karamihan ng lahat na bansa na nagsisilaban sa Ariel, lahat na nagsisilaban sa kaniya at sa kaniyang kuta, at ang nagpapahirap sa kaniya, ay magiging gaya ng panaginip na isang pangitain sa gabi.