46 Talata sa Bibliya tungkol sa Pagtatago
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Kaluwalhatian nga ng Dios na maglihim ng isang bagay: nguni't ang kaluwalhatian ng mga hari ay magusisa ng isang bagay.
Sapagka't kayo'y nangamatay na, at ang inyong buhay ay natatagong kasama ni Cristo sa Dios.
May makapagkukubli bagang sinoman sa mga lihim na dako na hindi ko makikita siya? sabi ng Panginoon, Hindi baga pinupuno ko ang langit at ang lupa? sabi ng Panginoon.
At ang limang haring ito ay tumakas at nagsipagkubli sa yungib sa Maceda.
Sapagka't sa kaarawan ng kabagabagan ay iingatan niya ako na lihim sa kaniyang kulandong: sa kublihan ng kaniyang tabernakulo ay ikukubli niya ako; Kaniyang itataas ako sa ibabaw ng isang malaking bato.
Sapagka't walang bagay na natatago, na di mahahayag; o walang lihim, na di makikilala at mapapasa liwanag.
Nakuha nga ni Raquel ang mga larawan, at naisiksik sa mga daladalahan ng kamello at kaniyang inupuan. At inapuhap ni Laban ang buong palibot ng tolda, nguni't hindi niya nasumpungan.
Hindi namin ikukubli sa kanilang mga anak, na isasaysay sa salin ng lahing darating ang mga pagpuri sa Panginoon, at ang kaniyang kalakasan, at ang kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ginawa.
At narinig nila ang tinig ng Panginoong Dios na lumalakad sa halamanan sa kulimlim ng araw: at nagtago ang lalake at ang kaniyang asawa sa harapan ng Panginoong Dios sa pagitan ng mga punong kahoy sa halamanan.
Ikaw ay aking kublihang dako; iyong iingatan ako sa kabagabagan; iyong kukulungin ako sa palibot ng mga awit ng kaligtasan. (Selah)
Na siyang kinatataguan ng lahat ng mga kayamanan ng karunungan at ng kaalaman.
Ang salita mo'y aking iningatan sa aking puso: upang huwag akong magkasala laban sa iyo.
At isang lalake ay magiging gaya ng isang kublihang dako sa hangin, at kanlungan sa bagyo, gaya ng mga ilog ng tubig sa tuyong dako, gaya ng lilim ng malaking bato sa kinapapagurang lupain.
Katotohanang ikaw ay Dios na nagkukubli, Oh Dios ng Israel, na Tagapagligtas.
Oh kalapati ko, na nasa mga bitak ng malalaking bato, sa puwang ng matarik na dako, ipakita mo sa akin ang iyong mukha, iparinig mo sa akin ang iyong tinig; Sapagka't matamis ang iyong tinig, at ang iyong mukha ay kahalihalina.
At kung ang aming evangelio ay natatalukbungan pa, ay may talukbong sa mga napapahamak:
Sapagka't ang aking mga mata ay nangasa lahat ng kanilang lakad, sila'y hindi nangakukubli sa aking mukha, o nangalilingid man ang kanilang kasamaan sa harap ng aking mga mata.
Pagka ang masama ay bumabangon, nagsisipagkubli ang mga tao; nguni't pagka sila'y nangamamatay, dumadami ang matuwid.
At ipinagsama ng babae ang dalawang lalake at ikinubli, at sinabi niya, Oo, ang mga lalake ay naparito sa akin, nguni't hindi ko talastas kung sila'y taga saan:
Maging ang hiwaga na inilihim sa lahat ng panahon at lahi: datapuwa't ngayo'y ipinahayag sa kaniyang mga banal,
At sinabi niya, Narinig ko ang iyong tinig sa halamanan, at ako'y natakot, sapagka't ako'y hubad; at ako'y nagtago.
Ang kaniyang labasan ay mula sa wakas ng mga langit, at ang kaniyang ligid ay sa mga wakas niyaon: at walang bagay na nakukubli sa pagiinit niyaon.
Datapuwa't ang tumanggap ng isa ay yumaon at humukay sa lupa, at itinago ang salapi ng kaniyang panginoon.
At tinawag ng Panginoong Dios ang lalake at sa kaniya'y sinabi, Saan ka naroon?
At bagaman sila'y magsipagtago sa taluktok ng Carmelo, aking hahanapin at kukunin sila mula roon; at bagaman sila'y magsikubli sa aking paningin sa gitna ng dagat, mula roo'y uutusan ko ang ahas, at tutukain niyaon sila.
At ang mga hari sa lupa, at ang mga prinsipe, at ang mga pangulong kapitan, at ang mayayaman, at ang mga makapangyarihan, at ang bawa't alipin at ang bawa't laya, ay nagsipagtago sa mga yungib at sa mga bato sa mga bundok;
Huwag mong ikubli ang iyong mukha sa akin; huwag mong ihiwalay ang iyong lingkod ng dahil sa galit: ikaw ay naging aking saklolo; huwag mo akong itakuwil, o pabayaan man, Oh Dios ng aking kaligtasan.
Sapagka't nangyari, nang ihiwalay ni Jezabel ang mga propeta ng Panginoon, na kumuha si Abdias ng isang daang propeta, at ikinubli na limalimangpu sa isang yungib, at pinakain sila ng tinapay at tubig,)
Sila nga'y nagsidampot ng mga bato upang ihagis sa kaniya: datapuwa't nagtago si Jesus, at lumabas sa templo.
Kayo ang ilaw ng sanglibutan. Ang isang bayan na natatayo sa ibabaw ng isang bundok ay hindi maitatago.
At sinasabi nila sa mga bundok at sa mga bato, Mahulog kayo sa amin, at kami'y inyong itago sa mukha noong nakaupo sa luklukan, at sa galit ng Cordero:
Sa gayo'y nagkubli si David sa parang: at nang dumating ang bagong buwan, ang hari ay umupong kumain.
At ang kaniyang ningning ay parang liwanag; Siya'y may mga sinag na nagbubuhat sa kaniyang kamay; At doo'y nakukubli ang kaniyang kapangyarihan.
At ang mga tao ay magsisipasok sa mga yungib ng malalaking bato, at sa mga puwang ng lupa, sa harap ng kakilabutan sa Panginoon, at sa kaluwalhatian ng kaniyang kamahalan, pagka siya'y bumangon upang yaniging may kapangyarihan ang lupa.
Nguni't aking hinubdan ang Esau, aking inilitaw ang kaniyang mga kublihan, at siya'y hindi makapagkukubli: ang kaniyang mga binhi ay nasira, at ang kaniyang mga kapatid, at ang kaniyang mga kalapit, at siya'y wala na rin.
Saan ako paroroon na mula sa iyong Espiritu? O saan ako tatakas na mula sa iyong harapan?
Sa aba nila, na nagsisihanap ng kalaliman upang ilingid sa Panginoon ang kanilang payo, at ang kanilang mga gawa ay nasa kadiliman, at kanilang sinasabi, Sinong nakakakita sa atin? at sinong nakakakilala sa atin?
At bagaman bigyan kayo ng Panginoon ng tinapay ng kasakunaan at ng tubig ng kadalamhatian, gayon may hindi na makukubli pa ang iyong mga tagapagturo, kundi makikita ng iyong mga mata ang iyong mga tagapagturo:
At mangyayari, na samantalang ang aking kaluwalhatian ay dumadaan, na aking ilalagay ka sa isang bitak ng bato, at tatakpan kita ng aking kamay hanggang sa ako'y makaraan:
Mga Paksa sa Pagtatago
Pagtatago mula sa mga Tao
Deuteronomio 7:20Bukod dito'y susuguin sa kanila ng Panginoon mong Dios ang malaking putakti hanggang sa ang nangaiiwan, at nangagtatago ay mamatay sa harap mo.
Pagtatago ng Diyos
Kawikaan 25:2Kaluwalhatian nga ng Dios na maglihim ng isang bagay: nguni't ang kaluwalhatian ng mga hari ay magusisa ng isang bagay.
Pagtatago ng Kasalanan
Kawikaan 28:13Siyang nagtatakip ng kaniyang mga pagsalangsang ay hindi giginhawa: nguni't ang nagpapahayag at nagiiwan ng mga yaon ay magtatamo ng kaawaan.
Pagtatago ng Kasalanan
Isaias 29:15Sa aba nila, na nagsisihanap ng kalaliman upang ilingid sa Panginoon ang kanilang payo, at ang kanilang mga gawa ay nasa kadiliman, at kanilang sinasabi, Sinong nakakakita sa atin? at sinong nakakakilala sa atin?
Pagtatago sa Diyos
Mga Hebreo 4:13At walang anomang nilalang na hindi nahahayag sa kaniyang paningin: nguni't ang lahat ng mga bagay ay hubad at hayag sa harapan ng mga mata niyaong ating pagsusulitan.
Pagtatago sa Diyos
Genesis 4:14Narito, ako'y iyong itinataboy ngayon mula sa ibabaw ng lupa, at sa iyong harapan ay magtatago ako; at ako'y magiging palaboy at hampaslupa; at mangyayari, na sinomang makasumpong sa akin ay papatayin ako.