Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Isaias 33

Isaias Rango:

523
Mga Konsepto ng TaludtodWalang Hanggang KamatayanSala, Pantaong Aspeto ngImpyerno bilang Lugar KaparusahanImpyerno, Paglalarawan saKaparusahan ng DiyosMakasalanan, MgaKasamaanMaysala, Takot ngKatatakutan sa Diyos

Ang mga makasalanan sa Sion ay nangatatakot; nanginginig ang mga masasama. Sino sa atin ang tatahan sa mamumugnaw na apoy? Sino sa atin ang tatahan sa walang hanggang ningas?

562
Mga Konsepto ng TaludtodKasalanan, Pagpapalaya na Mula sa DiyosKalusugang PangakoDiyos, Patatawarin sila ngPakinabang ng KalangitanKaramdamanKaramdamanKalusugan at Kagalingan

At ang mamamayan ay hindi magsasabi, Ako'y may sakit: ang bayan na tumatahan doon ay patatawarin sa kanilang kasamaan.

657
Mga Konsepto ng TaludtodPagtanggap ng SuholMata na IniingatanPagiging PatasPananalapi, Payo saIwasan ang Suhol

Siyang lumalakad ng matuwid, at nagsasalita ng matuwid; siyang humahamak ng pakinabang sa mga kapighatian, na iniuurong ang kaniyang mga kamay sa paghawak ng mga suhol, na nagtatakip ng kaniyang mga tainga ng pagdinig ng tungkol sa dugo, at ipinipikit ang kaniyang mga mata sa pagtingin sa kasamaan;

696
Mga Konsepto ng TaludtodPagtataksilPagdarayaAbaAng TagapagwasakAbang Kapighatian sa mga MasamaHindi TapatTinataposTaksil, Mga

Sa aba mo na sumasamsam, at ikaw ay hindi nasamsaman; at gumagawa na may kataksilan, at sila'y hindi gumawang may kataksilan sa iyo! Pagka ikaw ay naglikat ng pagsamsam, ikaw ay sasamsaman; at pagka ikaw ay nakatapos ng paggawang may kataksilan, sila'y gagawang may kataksilan sa iyo.

750
Mga Konsepto ng TaludtodIunatZion, Bilang LugarAng Propesiya sa JerusalemHindi GumagalawHindi NagagambalaPagdiriwang na Tinatangkilik

Tumingin ka sa Sion, ang bayan ng ating mga takdang kapistahan: makikita ng iyong mga mata ang Jerusalem na tahimik na tahanan, isang tabernakulo na hindi makikilos, ang mga tulos niyao'y hindi mangabubunot kailan man, o mapapatid man ang alin man sa mga tali niyaon.

786
Mga Konsepto ng TaludtodBiyaya sa Lumang TipanPanalangin bilang Relasyon sa DiyosBumangon, MaagangBanal na KaluguranBawat UmagaNawa'y Palakasin ka ng DiyosYaong mga Naghihintay sa DiyosPaghihintay sa Panginoon

Oh Panginoon, magmahabagin ka sa amin; aming hinintay ka: ikaw ay maging kanilang bisig tuwing umaga; aming kaligtasan naman sa panahon ng kabagabagan.

842
Mga Konsepto ng TaludtodTinapay bilang PagkainTubigKutaBato bilang ProteksyonMga Taong Nagbibigay Pagkain

Siya'y tatahan sa mataas, ang kaniyang dakong sanggalangan ay ang mga katibayan na malalaking bato: ang kaniyang tinapay ay mabibigay sa kaniya; ang kaniyang tubig ay sagana.

895
Mga Konsepto ng TaludtodKatuyuanAng Propesiya sa LebanonPagtangis dahil sa Pagkawasak

Ang lupain ay nananangis at nahahapis: ang Libano ay nahihiya at natutuyo: ang Saron ay gaya ng isang ilang; at ang Basan at ang Carmel ay napapaspas ang kanilang mga dahon.

959
Mga Konsepto ng TaludtodNgayonDiyos, Bumabangon angPagiging Ikaw sa iyong Sarili

Ngayo'y babangon ako, sabi ng Panginoon; ngayo'y magpapakataas ako; ngayo'y magpapakadakila ako.

973
Mga Konsepto ng TaludtodSibikong KatuwiranMatuwid na BayanJerusalem sa Milenyal na KaharianDiyos na Hindi Sakop ng SannilikhaWalang Kinikilingan

Ang Panginoon ay nahayag; sapagka't siya'y tumatahan sa mataas: kaniyang pinuno ang Sion ng kahatulan at katuwiran.

1021
Mga Konsepto ng TaludtodKinilala

Pakinggan ninyo, ninyong nangasa malayo, kung ano ang aking ginawa; at kilalanin ninyo, na nangasa malapit, ang aking kapangyarihan.

1114
Mga Konsepto ng TaludtodSugoPagtangisMga Taong Tumatangis sa PagkawasakBayani, Mga

Narito, ang kanilang mga matapang ay nagsisihiyaw sa labas; ang mga sugo ng kapayapaan ay nagsisiiyak na mainam.

1119
Mga Konsepto ng TaludtodKaluwaganBarko, MgaMaglayag

Kundi doon ay sasa atin ang Panginoon sa kamahalan, na dako ng mga maluwang na ilog at batis; na hindi daraanan ng mga daong na may mga gaod, o daraanan man ng magilas na sasakyang dagat.

1138
Mga Konsepto ng TaludtodLandas na DaraananPagiging MababaKasunduanWalang Lamang mga BagayManlalakbayTrahedya sa KalyeLandas na Daraanan, Mga

Ang mga lansangan ay sira, ang palalakad na tao ay naglilikat: kaniyang sinira ang tipan, kaniyang hinamak ang mga bayan, hindi niya pinakukundanganan ang kapuwa tao.

1143
Mga Konsepto ng TaludtodTinik,Mga

At ang mga bayan ay magiging gaya ng pagluluto ng apog: gaya ng mga putol na mga tinik, na mga nasusunog sa apoy.

1157
Mga Konsepto ng TaludtodPandarambongPag-AaniKatepilarBalang, Mga

At ang iyong samsam ay pipisanin na gaya ng pagpisan ng uod: kung paanong ang mga balang ay nagsisilukso ay gayon luluksuhan ng mga tao.

1178
Mga Konsepto ng TaludtodIpaDayamiLiwanag bilang IpaApoy ng Kasamaan

Kayo'y mangaglilihi ng ipa, kayo'y manganganak ng dayami: ang inyong hinga ay apoy na pupugnaw sa inyo.

1202
Mga Konsepto ng TaludtodSensoOpisyalesBinibilang na mga GusaliTakot na DaratingTerorismoPagkukuwenta

Ang inyong puso ay gugunita ng kakilabutan: saan nandoon siya na bumibilang, saan nandoon siya na tumitimbang ng buwis? saan nandoon siya na bumibilang ng mga moog?

1205
Mga Konsepto ng TaludtodBarko, MgaHinati ang mga Samsam

Ang iyong mga tali ay nangakalag: hindi nila mapatibay ang kanilang palo, hindi nila mailadlad ang layag: ang huli nga na malaking samsam ay binahagi; ang pilay ay kumuha ng huli.

1242
Mga Konsepto ng TaludtodHindi Nauunawaan ang WikaHindi Alam na mga WikaTalumpati, Balakid sa

Hindi mo makikita ang mabagsik na bayan, ang bayan na may malalim na pananalita na hindi mo matatalastas, na may ibang wika na hindi mo mauunawa.

1271
Mga Konsepto ng TaludtodTalumpati ng DiyosKidlatTinig, MgaNangakalat na mga TaoTumakas sa DiyosKidlat na Kapahayagan ng Hatol ng Diyos

Sa ingay ng kagulo ay nagsisitakas ang mga bayan; sa pagbangon mo ay nagsisipangalat ang mga bansa.