45 Talata sa Bibliya tungkol sa Makaraos sa Kahirapan

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Isaias 30:20

At bagaman bigyan kayo ng Panginoon ng tinapay ng kasakunaan at ng tubig ng kadalamhatian, gayon may hindi na makukubli pa ang iyong mga tagapagturo, kundi makikita ng iyong mga mata ang iyong mga tagapagturo:

Awit 77:2

Sa kaarawan ng aking kabagabagan ay hinahanap ko ang Panginoon: ang kamay ko'y nakaunat sa gabi, at hindi nangangalay; tumatangging maaliw ang kaluluwa ko.

Jeremias 11:14

Kaya't huwag mong idalangin ang bayang ito, o palakasin man ang daing patungkol sa kanila ni dalangin man; sapagka't hindi ko didinggin sila sa panahon na sila'y magsisidaing sa akin dahil sa kanilang kabagabagan.

Job 7:1

Wala bang kapanahunan ng kaguluhan ang tao sa ibabaw ng lupa? At hindi ba ang kaniyang mga kaarawan ay gaya ng mga kaarawan ng nagpapaupa?

Job 36:15

Inililigtas niya ang mga dukha sa kanilang pagkapighati, at ibinubuka ang kanilang mga pakinig sa pagkapighati.

Mangangaral 9:9

Ikaw ay mabuhay na masaya na kalakip ng asawa na iyong iniibig sa lahat ng mga kaarawan ng buhay ng iyong walang kabuluhan, na kaniyang ibinigay sa iyo sa ilalim ng araw, lahat ng mga kaarawan ng iyong walang kabuluhan: sapagka't iyan ang iyong bahagi sa buhay, at sa iyong gawa na iyong ginagawa sa ilalim ng araw.

Jeremias 15:11

Sinabi ng Panginoon, Katotohanang palalakasin kita sa ikabubuti; katotohanang aking pamamanhikin ang kaaway sa iyo sa panahon ng kasamaan at sa panahon ng pagdadalamhati.

Isaias 37:3

At sinabi nila sa kaniya, Ganito ang sabi ni Ezechias, Ang araw na ito ay kaarawan ng kabagabagan, at ng pagsaway, at ng paghamak: sapagka't ang mga anak ay dumating sa kapanganakan, at walang kalakasang ipanganak.

Mangangaral 9:12

Sapagka't hindi rin nalalaman ng tao ang kaniyang kapanahunan: kung paano ang mga isda na nahuhuli sa masamang lambat, at kung paano ang mga ibon na nahuhuli sa bitag, gayon ang mga anak ng mga tao, ay nasisilo sa masamang kapanahunan, pagka biglang nahuhulog sa kanila.

Juan 16:33
Mga Konsepto ng TaludtodAng Sanlibutan na Walang DiyosCristo na MananagumpayKatapanganDaraananTao, Labanan ang Likas ngPaghihirapPagasa sa Oras ng KagipitanNagtatagumpayKapayapaan at KaaliwanBuhay, Mga Paghihirap saPagtagumpayan ang Mahirap na SandaliAng SanlibutanProblema, MgaPangunguna sa KasiyahanNananatiling Malakas sa Oras ng KabigatanKahirapanPagpapakasakitPagtagumpayan ang KahirapanTulong ng Diyos kapag Pinanghihinaan ng LoobNagbibigay KaaliwanMasamang mga BagayKahirapanPagiging MagulangPagiging SundaloPagiging TakotPagiging Tagapaglakas-LoobPagiging tulad ni CristoKapayapaan sa Bagong Tipan, MakaDiyos naPinagtaksilanMananagumpayBagabagKaharian, MgaMasamang PananalitaKapangyarihan ni Cristo, IpinakitaPagiingatPanghihina ng LoobKalakasan ng Loob sa BuhayPagiging KristyanoKaranasanTagumpay laban sa mga Espirituwal na PuwersaPagkakakilala kay Jesu-CristoKaisipan, Sakit ngTamang GulangMasiyahinKaligtasan, Katangian ngPagdidisipulo, Pakinabang ngPagiging MagulangPagtagumpayan ang Panghihina ng LoobPanlaban sa LumbayPositibong PananawKahirapan sa Pamumuhay KristyanoPagkabalisaEspirituwal na Digmaan, Baluti saPagkataloPananatili kay CristoTao, Damdamin ngJesu-Cristo, Pagtukso kayKapayapaan, Karanasan ng Mananampalataya saPaskoPangako na TagumpayEspirituwal na Digmaan, Bilang LabananPuso ng TaoPinahihirapang mga BanalKapayapaan ng Isipan

Ang mga bagay na ito ay sinalita ko sa inyo, upang kayo'y magkaroon sa akin ng kapayapaan. Sa sanglibutan ay mayroon kayong kapighatian: nguni't laksan ninyo ang loob; aking dinaig ang sanglibutan.

Jeremias 30:7

Ay! sapagka't ang araw na yaon ay dakila, na anopa't walang gaya niyaon: siya ngang panahon ng kabagabagan ng Jacob; nguni't siya'y maliligtas doon.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a