Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Isaias 44

Isaias Rango:

35
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos bilang ManunubosAlpha at OmegaKatapusanPasimulaHari, MgaPagkahari, Banal naMonoteismoMatandang Edad, Ugali sa mayIsang DiyosSinkretismoNatatangiAng Sinauna sa PanahonSimula at KatapusanWalang Iba na Diyos

Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Hari ng Israel, at ng kaniyang Manunubos, na Panginoon ng mga hukbo, Ako ang una, at ako ang huli; at liban sa akin ay walang Dios.

92
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Babaeng Paglalarawan saPagpapalaglagSanggol, Pagtatalaga saArtipisyal na PagpapabinhiDaigdig, Pagkakalikha ngDiyos na ManlilikhaKalawakanDiyos MismoAkoOkulto na Walang Kapangyarihan sa Harapan ng Diyos

Ganito ang sabi ng Panginoon, ng iyong Manunubos, at niyang naganyo sa iyo mula sa bahay-bata, Ako ang Panginoon na gumagawa ng lahat na bagay; na naglaladlad, na magisa ng langit; na naglalatag ng lupa;

408
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Babaeng Paglalarawan saPagpapalaglagSinapupunanHindi Isinilang na SanggolDiyos na Tumutulong!

Ganito ang sabi ng Panginoon na lumalang sa iyo, at nagbigay anyo sa iyo mula sa bahay-bata, na siyang tutulong sa iyo; Ikaw ay huwag matakot, Oh Jacob na aking lingkod; at ikaw Jeshurun, na aking pinili.

422
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos bilang PastolPundasyonHinirang, Pananagutan saTagapamahala, MgaPastol, Bilang Hari at mga PinunoPundasyon ng mga GusaliMuling Pagtatatag ng JerusalemPastol, MgaPropesiya Tungkol SaMuling Pagtatatag

Na nagsasabi tungkol kay Ciro, Siya'y aking pastor, at isasagawa ang lahat kong kaligayahan: na nagsasabi nga rin tungkol sa Jerusalem, Siya'y matatayo; at sa templo, Ang iyong patibayan ay malalagay.

436
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na ating BatoBatuhanPagsaksi, Kahalagahan ngWalang Iba na Diyos

Kayo'y huwag mangatakot, o magsipangilabot man: hindi ko baga ipinahayag sa iyo nang una, at ipinakilala? at kayo ang aking mga saksi. May Dios baga liban sa akin? oo, walang malaking Bato; ako'y walang nakikilalang iba.

469
Mga Konsepto ng TaludtodUlap, Talinghagang Gamit ngHamogUmagaKasalananPagsisisi, Kahalagahan ngKasalanan, Pagpapalaya na Mula sa DiyosKasalanan, Tagapagdala ngLagay ng Panahon bilang Hatol ng DiyosPagsisisiDiyos na NagpapatawadTinubos

Aking pinawi na parang masinsing ulap ang iyong mga pagsalangsang, at, parang alapaap, ang iyong mga kasalanan: manumbalik ka sa akin; sapagka't tinubos kita.

494
Mga Konsepto ng TaludtodMakinig sa Diyos!

Gayon ma'y dinggin mo ngayon, Oh Jacob na aking lingkod, at Israel, na aking pinili:

564
Mga Konsepto ng TaludtodKahangalan, Epekto ngBulaang RelihiyonKanlunganDiyus-diyusan ay hindi UmiiralKawalang KabuluhanWalang Kwentang mga KasalananWalang Kabuluhang mga TaoKahihiyan ng Pagsamba sa Diyus-diyusanWangisHinduismo

Silang nangagbibigay anyo sa larawang inanyuan ay walang kabuluhan silang lahat; at ang kanilang mga bagay na kinaluluguran ay hindi mapapakinabangan: at ang kanilang sariling mga saksi ay hindi nangakakakita, o nangakakaalam man: upang sila'y mangapahiya.

711
Mga Konsepto ng TaludtodKaluwalhatian, Pahayag ngKagubatanDaigdig, Kaluwalhatian ng Diyos saKaluwalhatian ng Diyos sa IsraelSumisigawUmaawitAwit, Mga

Magsiawit, Oh kayong mga langit, sapagka't nilikha ng Panginoon; kayo'y magsihiyaw, mga lalong mababang bahagi ng lupa: kayo'y magbiglang magsiawit, kayong mga bundok, Oh gubat, at bawa't punong kahoy na nandiyan: sapagka't tinubos ng Panginoon ang Jacob, at magpapakaluwalhati sa Israel.

780
Mga Konsepto ng TaludtodKahangalan, Halimbawa ngPagiisipKarunungan ng Tao, Pinagmumulan ngAng Kawalang Kabuluhan ng Kaalaman ng TaoBulaang KarununganPagkasiphayoIbinilang na mga Hangal

Na sumisira ng mga tanda ng mga sinungaling, at nagpapaging ulol sa mga manghuhula; na nagpapaurong sa mga pantas, at nagpapaging kamangmangan ng kanilang kaalaman;

802
Mga Konsepto ng TaludtodTattoo, MgaPagsusulat sa mga TaoMga Taong Nakatalaga sa DiyosIsraelNabibilangPagmamarka

Sasabihin ng isa, Ako'y sa Panginoon; at magpapangalan ang iba ng pangalang Jacob; at magsusulat ang iba ng kaniyang kamay ng sa Panginoon, at magpapamagat ng pangalan ng Israel.

816
Mga Konsepto ng TaludtodKinalimutanJudio, Bayang Hinirang ng DiyosDiyos na Nakakaalala sa NangangailanganDiyos na Sumusuway

Iyong alalahanin ang mga bagay na ito, Oh Jacob, at Israel; sapagka't ikaw ay aking lingkod: aking inanyuan ka; ikaw ay aking lingkod: Oh Israel, ikaw ay hindi ko malilimutan.

840
Mga Konsepto ng TaludtodPuno, MgaNatumbang mga PunoGawaing KahoyMatibay

Pumuputol siya sa ganang kaniya ng mga cedro, at kumukuha ng puno ng roble at ng encina, at pinatitibay sa ganang kaniyang sarili ang isa sa gitna ng mga punong kahoy sa gubat: siya'y nagtatanim ng puno ng abeto, at yao'y kinakandili ng ulan.

879
Mga Konsepto ng TaludtodPasimulaArkeolohiyaNasayang na Lugar, Pagpapanumbalik ng mgaTiyak na KaalamanMuling Pagtatatag ng Jerusalem

Na nagpapatatag ng salita ng kaniyang lingkod, at nagsasagawa ng payo ng kaniyang mga sugo; na nagsasabi ng tungkol sa Jerusalem, Siya'y tatahan; at tungkol sa mga bayan ng Juda, Mangatatayo, at aking ibabangon ang mga sirang dako niyaon:

904
Mga Konsepto ng TaludtodMangagawa ng SiningAltarHusayKagamitanKagandahan sa mga LalakeGaya ng mga LalakeManggagawa ng SiningGawaing KahoySukat

Naguunat ang anluwagi ng isang pising panukat; kaniyang tinatandaan ng lapis; kaniyang inaanyuan sa pamamagitan ng mga katam, at kaniyang tinatandaan ng mga kompas, at inaanyuan ng ayon sa anyo ng tao, ayon sa kagandahan ng tao, upang tumahan sa bahay.

937
Mga Konsepto ng TaludtodEspirituwal na Pagkabulag sa mga Hindi MananampalatayaTugonTabing, MgaDiyos na BumubulagPagiging Walang UnawaYaong mga MangmangMata, MgaKarunungang Kumilala

Hindi sila mangakakaalam, o nagsisigunita man: sapagka't ipinikit niya ang kanilang mga mata, upang sila'y huwag mangakakita; at ang kanilang mga puso, upang huwag silang mangakaunawa.

947
Mga Konsepto ng TaludtodBisigPisikal na GutomTrabahoKagamitanUling, Gamit ngPandayPagod sa GawainPusaGawaing Kahoy

Ang panday bakal ay gumagawa ng palakol, at gumagawa sa mga baga, at inaanyuan yaon sa pamamagitan ng mga pamukpok, at ginagawa yaon ng kaniyang malakas na bisig: oo, siya'y gutom, at ang kaniyang lakas ay nawawala; siya'y hindi umiinom ng tubig, at pata.

969
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Pagkamaalam sa Lahat ngDiyos, Karunungan ngDiyos, Paunang Kaalaman ngHula sa HinaharapSinong Katulad ng Diyos?

At sino, na gaya ko, tatawag, at magpapahayag, at magaayos sa ganang akin, mula nang aking itatag ang matandang bayan? at ang mga bagay na dumarating, at ang mangyayari, ay ipahahayag nila.

996
Mga Konsepto ng TaludtodKasaganahan, Materyal naPuno, MgaSanga ng mga Kahoy, Mga

At sila'y sisibol sa gitna ng damo, gaya ng mga sauce sa tabi ng mga batis.

1065
Mga Konsepto ng TaludtodPagyukodRelihiyonPagsamba sa Diyus-diyusan, Katangian ngNananalangin ng MaliWangis

At ang labis niyaon ay ginagawa niyang dios, sa makatuwid baga'y kaniyang larawang inanyuan: kaniyang pinagpapatirapaan at sinasamba, at dinadalanginan, at nagsasabi, Iligtas mo ako; sapagka't ikaw ay aking dios.

1093
Mga Konsepto ng TaludtodPagsamba, BulaangPuno, MgaPagpapainitPanggatongSarili, Imahe saPaglulutoWangis

Kung magkagayo'y ilalaan sa tao upang ipanggatong; at kumukuha siya niyaon, at nagpapainit; oo, kaniyang pinaliliyaban yaon, at ipinagluluto ng tinapay: oo, kaniyang ginagawang isang dios, at sinasamba; ginagawa niyang larawang inanyuan, at pinagpapatirapaan.

1111
Mga Konsepto ng TaludtodKasuklamsuklamKasuklamsuklam, Pagsamba sa Diyus-diyusan ayKahangalan sa Diyos, Kahihinatnan ngKapurulanPagyukod sa mga Bulaang Diyus-DiyusanPagluluto ng TinapayPanggatongKalahati ng mga Bagay-bagayYaong mga Mangmang

At walang nagpapaalaala o mayroon mang kaalaman, o unawa upang magsabi, Aking iginatong ang bahagi niyaon sa apoy; oo, ako naman ay nagluto ng tinapay sa mga baga niyaon; ako'y nagihaw ng karne at kinain ko: at gagawin ko baga ang nalabi niyaon na pinaka kasuklamsuklam? magpapatirapa baga ako sa puno ng isang punong kahoy?

1112
Mga Konsepto ng TaludtodKapakinabanganWalang Kabuluhang mga Diyus-diyusanWangis

Sino ang naganyo sa isang dios, o bumubo ng larawang inanyuan na di pakikinabangan sa anoman?

1135
Mga Konsepto ng TaludtodTubig, NatutuyongDiyos na Tinutuyo ang mga Bagay-bagayMalalim na mga Karagatan

Na nagsasabi sa kalaliman, Ikaw ay matuyo, at aking tutuyuin ang iyong mga ilog;

1233
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapainitKalahati ng mga Bagay-bagay

Kaniyang iginagatong ang bahagi niyaon sa apoy; ang bahagi niyaon ay ikinakain niya ng karne; siya'y nagiihaw ng iihawin, at nabubusog: oo, siya'y nagpapainit, at nagsasabi, Aha, ako'y naiinitan, aking nakita ang apoy:

1272
Mga Konsepto ng TaludtodKahihiyanUling, Gamit ngKahihiyan ng Pagsamba sa Diyus-diyusanSining

Narito, lahat niyang kasama ay mangapapahiya; at ang mga manggagawa ay sa mga tao: mapisan sila, magsitayo sila; sila'y mangatatakot, sila'y mangahihiyang magkakasama.