Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Isaias 52

Isaias Rango:

47
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapataas kay CristoLingkod, Pagiging

Narito, ang lingkod ko ay gagawang may karunungan, siya'y mabubunyi, at malalagay na mataas, at magiging napakataas.

396
Mga Konsepto ng TaludtodKatubusanKahihiyanMessias, Propesiya tungkol saMasamang BayanPagpapakita ngPagkakilalaPeklatJesus, Mata ni

Kung paanong marami ang natigilan dahil sa iyo (ang kaniyang mukha ay napakakatuwa kay sa kaninomang lalake, at ang kaniyang anyo ay higit na kumatuwa kay sa mga anak ng mga tao),

441
Mga Konsepto ng TaludtodLungsodPangalan para sa Jerusalem, MgaKagandahan sa EspirituwalKadalisayan, Katangian ngPagtulog, Espirituwal naHindi PagtutuliGising, PagigingKalakasan ng mga TaoMagandang KasuotanGumising!Kadalisayan ng Bagong NilalangMagpakalakas!PagkagisingKalakasan

Gumising ka, gumising ka, magsuot ka ng iyong kalakasan, Oh Sion; magsuot ka ng iyong mga magandang damit, Oh Jerusalem, na bayang banal: sapagka't mula ngayo'y hindi na papasok pa sa iyo ang hindi tuli at ang marumi.

532
Mga Konsepto ng TaludtodMisyon ng IsraelPagwiwisikParangalKaunawaanNamamanghaIpinipinid ng MaingatWastong Pagkakaunawa

Gayon siya magwiwisik sa maraming bansa; ang mga hari ay magtitikom ng kanilang mga bibig dahil sa kaniya: sapagka't ang hindi nasaysay sa kanila ay kanilang makikita; at ang hindi nila narinig ay kanilang mauunawa.

618
Mga Konsepto ng TaludtodSumpa ng TaoPamumusong sa DiyosKautusan, Titik at Espiritu ngPanlilibakPaglapastangan sa Pangalan ng Diyos

Ngayon nga, anong ginagawa ko rito, sabi ng Panginoon, yamang ang aking bayan ay dinala ng walang anoano? silang nangagpupuno sa kanila ay nagsisiungal, sabi ng Panginoon, at ang aking pangalan ay natutungayaw na lagi buong araw,

659
Mga Konsepto ng TaludtodGuwardiya, MgaPadalus-dalos, PagkaSanggalangDiyos na Mauuna SaiyoLumilipadBanal na Pagiingat

Sapagka't kayo'y hindi magsisilabas na nagmamadali, o magsisilabas man kayo na takas: sapagka't ang Panginoon ay magpapauna sa inyo; at ang Dios ng Israel ay magiging inyong bantay likod.

773
Mga Konsepto ng TaludtodMata, Talinghaga na Gamit ng mgaTagapagbantay

Ang tinig ng iyong mga bantay! sila'y naglalakas ng tinig, na magkakasamang nagsisiawit; sapagka't sila'y makakakita ng mukhaan pagka ang Panginoon ay bumalik sa Sion.

776
Mga Konsepto ng TaludtodPamimili at PagtitindaSalapi, Paguugali saPananalapi, MgaMalayang KaloobanGanda at DangalTinubos

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Kayo'y naipagbili sa wala; at kayo'y matutubos ng walang salapi.

793
Mga Konsepto ng TaludtodPagsasalitaBagong ArawPagkakaalam sa DiyosMga Tao

Kaya't makikilala ng aking bayan ang aking pangalan: kaya't matatalastas nila sa araw na yaon, na ako yaong nagsasalita; narito, ako nga.

948
Mga Konsepto ng TaludtodJerusalem, Ang Kabuluhan ngUmaawitAwit, MgaArkeolohiyaNasayang na Lugar, Pagpapanumbalik ng mgaPagkawasak ng JerusalemDiyos na UmaaliwPaghahanap ng Kaaliwan sa Diyos

Kayo'y magbiglang magalak, kayo'y magsiawit na magkakasama, kayong mga sirang dako ng Jerusalem; sapagka't inaliw ng Panginoon ang kaniyang bayan, kaniyang tinubos ang Jerusalem.

975
Mga Konsepto ng TaludtodAnak na Babae, MgaLeeg, MgaKadenaBumangon Ka!Ganda at DangalPatulin ang KadenaPagtatangiAboMalayaJerusalemZionDangal

Magpagpag ka ng alabok; ikaw ay bumangon, umupo ka sa iyong luklukan, Oh Jerusalem: magkalag ka ng mga tali ng iyong leeg, Oh bihag na anak na babae ng Sion.

1102
Mga Konsepto ng TaludtodPasimulaPaniniil, Katangian ng

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Ang bayan ko ay bumaba noong una sa Egipto upang makipamayan doon: at pinighati sila ng mga taga Asiria ng walang kadahilanan.