Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Jeremias 11

Jeremias Rango:

57
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos bilang TagapagligtasBulaang RelihiyonKawalanInsenso, Hindi Maayos na Paghahandog ngPagsamba sa Diyus-diyusanBagay na Hindi Makapagliligtas, MgaNaglilingkod sa Sariling Diyus-diyusanWalang Tulong mula sa Ibang mga Diyos

Kung magkagayo'y magsisiyaon at magsisidaing ang mga bayan ng Juda at ang mga nananahan sa Jerusalem sa mga dios na kanilang pinaghandugan ng kamangyan: nguni't hindi sila ililigtas nila sa anoman sa panahon ng kanilang kabagabagan.

89
Mga Konsepto ng TaludtodPanawagan sa DiyosPananalangin para sa IbaHindi NananalanginNananalangin para sa IbaMakaraos sa KahirapanNananalanginPakikinig sa DiyosMga TaoKahilingan

Kaya't huwag mong idalangin ang bayang ito, o palakasin man ang daing patungkol sa kanila ni dalangin man; sapagka't hindi ko didinggin sila sa panahon na sila'y magsisidaing sa akin dahil sa kanilang kabagabagan.

94
Mga Konsepto ng TaludtodPagsamba kay Baal, Kasaysayan ngAltar, PaganongInsenso, Hindi Maayos na Paghahandog ngMaraming Espirituwal na Nilalang

Sapagka't ayon sa bilang ng iyong mga bayan ay gayon ang iyong mga dios. Oh Juda; at ayon sa bilang ng mga lansangan ng Jerusalem ay nagtayo kayo ng mga dambana sa kahiyahiyang bagay, mga dambana upang pagsunugan ng kamangyan kay Baal.

136
Mga Konsepto ng TaludtodAlanganing Damdamin

Anong magagawa ng aking sinta sa aking buhay, yamang siya'y gumawa ng kahalayan sa marami, at ang banal na lamang handog ay humiwalay sa iyo? pagka ikaw ay gumagawa ng kasamaan, ikaw nga'y nagagalak.

141
Mga Konsepto ng TaludtodMabunga, Espirituwal naBagyo, MgaKulay, Berde naOak, Mga Puno ngPagsunog sa mga HalamanKagandahan ng mga BagayOlibo, Puno ngDiyos na Kontrolado ang Bagyo

Tinawag ng Panginoon ang iyong pangalan, Sariwang puno ng olivo, maganda na may mainam na bunga: sa pamamagitan ng ingay ng malaking kagulo ay kaniyang sinilaban ng apoy, at ang mga sanga niyaon ay nangabali.

160
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos bilang HukomDiyos, Katuwiran ngImahinasyon, Hangarin ngPaghihigantiDiyos, Pagkamaalam sa Lahat ngDiyos na Sumusubok sa mga TaoDiyos na Alam ang Laman ng Puso

Nguni't, Oh Panginoon ng mga hukbo, na humahatol ng matuwid, na tumatarok ng puso at ng pagiisip, ipakita mo sa akin ang iyong kagantihan sa kanila; sapagka't sa iyo inihayag ko ang aking usap.

165
Mga Konsepto ng TaludtodMatalinghagang PagtatanimDiyos, Maghahatid ng Pinsala ang

Sapagka't ang Panginoon ng mga hukbo, na nagtatag sa iyo, ay nagbabadya ng kasamaan laban sa iyo, dahil sa kasamaan ng sangbahayan ni Israel, at ng sangbahayan ni Juda na kanilang ginawa sa ganang kanilang sarili sa pamumungkahi sa akin sa galit sa pamamagitan ng paghahandog ng kamangyan kay Baal.

174
Mga Konsepto ng TaludtodPagpatay sa mga PropetaPropesiya na BinusalanTinatangkang Patayin ang Ganitong mga Tao

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa mga lalake ng Anathoth na nagsisiusig ng iyong buhay, na nangagsasabi, Ikaw ay huwag manghuhula sa pangalan ng Panginoon, upang huwag kang mamatay sa aming kamay;

183
Mga Konsepto ng TaludtodKorderoNamatay na tulad ng HayopKinalimutan ang mga TaoPangalang BinuraTinatangkang Patayin ang Ganitong mga TaoPinatay na Gaya ng Hayop

Nguni't ako'y gaya ng maamong kordero na pinapatnubayan sa patayan; at hindi ko naalaman na sila'y nangakakatha na ng mga katha laban sa akin, na nangagsasabi, Ating sirain ang punong kahoy sangpu ng bunga niyaon, at ating ihiwalay siya sa lupain ng buhay, upang ang kaniyang pangalan ay huwag ng maalaala.

208
Mga Konsepto ng TaludtodTaon, MgaWalang NakaligtasDiyos, Maghahatid ng Pinsala ang

At hindi magkakaroon ng nalabi sa kanila: sapagka't ako'y magdadala ng kasamaan sa mga lalake ng Anathoth, sa makatuwid baga'y sa taon ng pagdalaw sa kanila.

209
Mga Konsepto ng TaludtodKabataanTaggutom, Nakamamatay naPagpatay sa mga Anak na Lalake at Babae

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Narito, aking parurusahan sila: ang mga binata ay mamamatay sa pamamagitan ng tabak; ang kanilang mga anak na lalake at babae ay mangamamatay dahil sa gutom;

224
Mga Konsepto ng TaludtodPagsasalita ng Ibinigay na Salita ng Diyos

Ang salita na dumating kay Jeremias na mula sa Panginoon, na nagsasabi,

238
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos bilang HukomPakikinigMapagtanggap, PagigingWalang TakasDiyos, Maghahatid ng Pinsala ang

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, ako'y magdadala ng kasamaan sa kanila, na hindi nila matatakasan; at sila'y magsisidaing sa akin, nguni't hindi ko sila didinggin.

258
Mga Konsepto ng TaludtodSabwatan, MgaSabwatan

At sinabi ng Panginoon sa akin, Isang pagbabanta ay nasumpungan sa gitna ng mga lalake ng Juda, at sa gitna ng mga nananahan sa Jerusalem.

264
Mga Konsepto ng TaludtodLingkod, Panambahan sa Diyos at PagigingTumatangging MakinigIba't ibang mga Diyus-diyusanPagbabalik sa SinaunaPaglabag sa Tipan

Sila'y nanganumbalik sa mga kasamaan ng kanilang mga kanunuan, na nagsitangging duminig ng aking mga salita; at sila'y nagsisunod sa ibang mga dios upang paglingkuran: sinira ng sangbahayan ni Israel at ng sangbahayan ni Juda ang aking tipan na aking ipinakipagtipan sa kanilang mga magulang.

265
Mga Konsepto ng TaludtodPaninindigan sa DiyosAng Sumpa ng KautusanPaglabag sa Tipan

At iyong sabihin sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Sumpain ang taong hindi nakikinig ng mga salita ng tipang ito,

269
Mga Konsepto ng TaludtodKatigasang PusoKatigasan, Bunga ngKatigasanTumatangging Makinig

Gayon ma'y hindi nila tinalima o ikiniling man ang kanilang pakinig kundi lumakad bawa't isa sa pagmamatigas ng kanilang masamang puso: kaya't dinala ko sa kanila ang lahat na salita ng tipang ito, na aking iniutos sa kanila na isagawa, nguni't hindi nila isinagawa.

277
Mga Konsepto ng TaludtodPugonKalayaan, Pagsasabuhay nito sa Lumang TipanBakalAko ay Kanilang Magiging DiyosMakinig sa Diyos!Diyos na Nagpalaya sa Israel mula sa Ehipto

Na aking iniutos sa iyong mga magulang, nang araw na aking inilabas sila mula sa lupain ng Egipto, mula sa hurnong bakal, na nagsasabi, inyong talimahin ang aking tinig, at inyong isagawa, ayon sa lahat na iniuutos ko sa inyo: sa gayo'y magiging bayan ko kayo, at ako'y magiging inyong Dios;

278
Mga Konsepto ng TaludtodTipan na ginawa sa Bundok sa Sinai

At sinabi ng Panginoon sa akin, Inyong itanyag ang lahat ng mga salitang ito sa mga bayan ng Juda, at sa mga lansangan ng Jerusalem, na inyong sabihin, Inyong dinggin ang mga salita ng tipang ito, at inyong isagawa.

281
Mga Konsepto ng TaludtodPagbabantay ng DiyosYaong mga Bumangon ng UmagaMakinig sa Diyos!Diyos na Nagpalaya sa Israel mula sa Ehipto

Sapagka't aking pinatunayang mainam sa inyong mga magulang nang araw na aking iahon sila sa lupain ng Egipto, hanggang sa araw na ito, na ako'y bumabangong maaga at pinatutunayan ko, na aking sinasabi, Inyong talimahin ang aking tinig.

282
Mga Konsepto ng TaludtodAmenGatas at Pulot

Upang aking maitatag ang sumpa na aking isinumpa sa inyong mga magulang, upang ibigay ko sa kanila ang isang lupaing binubukalan ng gatas at pulot, gaya sa araw na ito. Nang magkagayo'y sumagot ako, at sinabi ko, Siya nawa, Oh Panginoon.

285
Mga Konsepto ng TaludtodTipan na ginawa sa Bundok sa Sinai

Inyong pakinggan ang mga salita ng tipang ito, at inyong salitain sa mga tao ng Juda, at sa mga nananahan sa Jerusalem,