Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Jeremias 13

Jeremias Rango:

66
Mga Konsepto ng TaludtodKarahasan, Ugali ng Diyos labanDiyos na Pumapalo sa TaoDiyos na Walang Habag

At aking itutulak ang isa laban sa isa, sa makatuwid baga'y ang mga magulang at ang mga anak na magkakasama, sabi ng Panginoon: hindi ako magpapatawad, o maaawa man, o mahahabag man, na sila'y lilipulin ko.

109
Mga Konsepto ng TaludtodKapalaluan, Bunga saKayabangan, Pagtanggi saHuwag Mayabang

Inyong dinggin, at kayo'y mangakinig; Huwag kayong mangagpalalo; sapagka't sinalita ng Panginoon.

187
Mga Konsepto ng TaludtodPagasa, Katangian ngPagpapalibanNatitisodAng Kawalang Katiyakan ng MasamaMga Taong Natitisod

Luwalhatiin ninyo ang Panginoon ninyong Dios, bago siya magpadilim, at bago matisod ang inyong mga paa sa mga madilim na bundok, at, habang kayo'y nangaghihintay ng liwanag, ay kaniyang gagawing lilim ng kamatayan, at papagsasalimuutin niya ang kadiliman.

312
Mga Konsepto ng TaludtodPagiging Masigasig para sa IsraelPakiramdam na Itinakuwil ng DiyosLihimKalungkutanPagtangisTumatangging MakinigGumagawa ng LihimAng Kayabangan ay Ibabagsak

Nguni't kung hindi ninyo didinggin, ako'y iiyak, na lihim dahil sa inyong kapalaluan; at ang mata ko ay iiyak na mainam, at dadaluyan ng mga luha, sapagka't ang kawan ng Panginoon ay nabihag.

378
Mga Konsepto ng TaludtodReynaTronoWalang HariPagiging MapagpakumbabaPagsukoMagpakumbaba KaKapakumbabaanKorona, MgaKeridaPamunuan, Mga

Iyong sabihin sa hari at sa ina ng hari, Kayo'y mangagpapakababa, magsiupo kayo; sapagka't ang inyong mga kagayakan ng ulo ay nalagpak, ang putong ng inyong kaluwalhatian.

407
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapatapon sa Juda tungo sa BabilonyaKandado at Pansarado, Mga

Ang mga bayan ng Timugan ay nasarhan, at walang mangagbukas: ang buong Juda ay nadalang bihag; buong nadalang bihag.

420
Mga Konsepto ng TaludtodMula sa HilagaKagandahan ng Kalikasan

Inyong itanaw ang inyong mga mata, at inyong masdan sila na nanganggagaling sa hilagaan: saan nandoon ang kawan na nabigay sa iyo, ang iyong magandang kawan?

430
Mga Konsepto ng TaludtodKaalyadoHirap ng PanganganakMga Taong Nagtuturo

Ano ang iyong sasabihin pagka kaniyang inilagay ang iyong mga kaibigan na pinakapangulo mo, na wari iyong tinuruan sila laban sa iyo? hindi baga mamamanglaw ka, ng parang isang babae na nagdaramdam?

449
Mga Konsepto ng TaludtodLinoBaywangLino, Mga Iba't Ibang

Ganito ang sabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay yumaon at bumili ka ng isang pamigkis na lino, at ibigkis mo sa iyong mga bayawang at huwag mong ilubog sa tubig.

472
Mga Konsepto ng TaludtodEspirituwal na PagpapatutotBakit ito Nangyayari?Pagbabago ng SariliPagkadakila

At kung iyong sabihin sa puso, Bakit ang mga bagay na ito ay dumating sa akin? dahil sa kalakhan ng iyong kasamaan ay nalilis ang iyong mga laylayan, at iyong mga sakong ay nagtiis ng karahasan.

515
Mga Konsepto ng TaludtodKabastusanEspirituwal na PagpapatutotKaburulanMga Taong Hindi MalinisBago Kumilos ang Taong-BayanHalinghing at UngalAbang Kapighatian sa Israel at Jerusalem

Aking nakita ang iyong mga kasuklamsuklam na gawa, sa makatuwid baga'y ang iyong mga pangangalunya, at ang iyong mga paghalinghing, ang kahalayan ng iyong pakikiapid, sa mga burol sa parang. Sa aba mo, Oh Jerusalem! ikaw ay hindi malilinis; hanggang kailan pa magkakaganyan?

520
Mga Konsepto ng TaludtodPangangalat, AngIpaDiyos na Nagpangalat sa Israel

Kaya't aking pangangalatin sila, gaya ng dayami na dumaraan, sa pamamagitan ng hangin sa ilang.

523
Mga Konsepto ng TaludtodMasagana ang AlakMga Taong may Pangkalahatang Kaalaman

Kaya't sasalitain mo sa kanila ang salitang ito. Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Bawa't sisidlang balat ay mapupuno ng alak: at kanilang sasabihin sa iyo, Hindi baga namin nalalaman na ang bawa't sisidlang balat ay mapupuno ng alak?

543
Mga Konsepto ng TaludtodBulaang Diyus-diyusanWalang TiwalaNagtitiwala sa Mapanlinlang na mga BagayTadhana

Ito ang iyong kapalaran, ang bahaging sukat sa iyo na mula sa akin, sabi ng Panginoon; sapagka't iyong nilimot ako, at tumiwala ka sa kabulaanan.

559
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Hinuhuburan ang mga Tao

Kaya't akin namang ililihis ang iyong mga laylayan sa harap ng iyong mukha, at ang iyong kahihiyan ay malilitaw.

625
Mga Konsepto ng TaludtodPagkawalang SaysayHangal, sa Turo ni Jesu-CristoKatigasang PusoHindi Pagsisisi, Babala Laban saKatigasan, Bunga ngPagyukod sa mga Bulaang Diyus-DiyusanTumatangging MakinigWalang Kabuluhang mga TaoIba't ibang mga Diyus-diyusan

Ang masamang bayang ito, na ayaw makinig ng mga salita ko, na lumalakad ayon sa katigasan ng kanilang puso, at yumaong sumunod sa ibang mga Dios upang paglingkuran, at upang sambahin, ay magiging gaya ng pamigkis na ito, na hindi mapapakinabangan sa anoman.

675
Mga Konsepto ng TaludtodPakikinigBaywangPagpupuri, Dahilan ngPagkapit sa DiyosBagay na NagkadikitdikitTumatangging MakinigHinirang

Sapagka't kung paanong ang pamigkis ay kumakapit sa mga balakang ng lalake, gayon pinakapit ko sa akin ang buong sangbahayan ni Israel at ang buong sangbahayan ni Juda, sabi ng Panginoon; upang sila'y maging pinakabayan sa akin, at pinakapangalan, at pinakapuri, at pinakaluwalhati: nguni't hindi nila dininig.

697

Sa gayo'y bumili ako ng pamigkis ayon sa salita ng Panginoon, at inilagay ko sa aking mga bayawang.

700
Mga Konsepto ng TaludtodMasamang mga PropetaDiyos na Nagbigay KalasinganAng Dinastiya ni DavidLasenggero

Kung magkagayo'y sasabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, aking pupunuin ng pagkalango ang lahat na mananahan sa lupaing ito, ang mga hari na nakaupo sa luklukan ni David, at ang mga saserdote at ang mga propeta, at ang lahat na nananahan sa Jerusalem.

777
Mga Konsepto ng TaludtodJerusalem, Ang Kabuluhan ngPagkawasak ng JerusalemDiyos na Laban sa mga PalaloKayabangan

Ganito ang sabi ng Panginoon, Ayon sa paraang ito ay aking sasayangin ang kapalaluan ng Juda, at ang malaking kapalaluan ng Jerusalem.

778
Mga Konsepto ng TaludtodPuwangNatatagong mga Bagay

Kunin mo ang pamigkis na iyong binili, na nasa iyong mga bayawang, at ikaw ay bumangon, yumaon ka sa Eufrates, at ikubli mo roon sa isang bitak ng malaking bato.

907
Mga Konsepto ng TaludtodPagsasalita, Minsan Pang

At ang salita ng Panginoon, ay dumating sa akin na ikalawa, na nagsabi,

940

Sa gayo'y yumaon ako, at ikinubli ko sa tabi ng Eufrates ayon sa iniutos sa akin ng Panginoon.

946

Nang magkagayo'y yumaon ako sa Eufrates, at hinukay ko, at kinuha ko ang pamigkis mula sa dakong aking pinagkublihan; at, narito, ang pamigkis ay bulok, hindi mapapakinabangan sa anoman.

1093

Nang magkagayo'y dumating sa akin ang salita ng Panginoon, na nagsasabi.

1104
Mga Konsepto ng TaludtodMatapos ang Mahabang Panahon

At nangyari, pagkaraan ng maraming araw, na sinabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay bumangon, yumaon ka sa Eufrates, at kunin mo ang pamigkis mula roon, na iniutos ko sa iyong ikubli mo roon.