Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Jeremias 24

Jeremias Rango:

445
Mga Konsepto ng TaludtodBabilonya, Israel ay Ipinatapon saKarpenteroMangagawa ng SiningPandayHari na Ipinatapon, MgaDalawang Bunga ng Halaman

Ang Panginoon ay nagpakita sa akin, at, narito, dalawang bakol na igos ay nakalagay sa harap ng templo ng Panginoon, pagkatapos na madalang bihag ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia si Jechonias na anak ni Joacim, hari sa Juda, at ang mga prinsipe sa Juda, na kasama ng mga manggagawa at ng mga mangbabakal, mula sa Jerusalem, at mangadala sila sa Babilonia.

597
Mga Konsepto ng TaludtodMasamang Bagay

Ang isang bakol ay may totoong mga mabuting igos, na parang mga igos na mga unang hinog; at ang isang bakol ay may totoong masamang mga igos, na hindi makain, nangapakasama.

689
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapanumbalik sa mga BansaPagbabantay ng DiyosHugutinMatalinghagang PagtatanimDiyos na Nakikita ang MatuwidDiyos na Gumagawa ng Mabuti

Sapagka't aking itititig ang aking mga mata sa kanila sa ikabubuti, at aking dadalhin sila uli sa lupaing ito: at aking itatayo sila, at hindi ko itutulak sila; at aking itatatag sila, at hindi ko paaalisin.

726

Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Kung paano ang mga mabuting igos na ito, gayon ko kikilalanin ang mga bihag ng Juda, na aking pinayaon mula sa dakong ito na patungo sa lupain ng mga Caldeo, sa ikabubuti.

752
Mga Konsepto ng TaludtodIpataponKasalananKakutyaan, Katangian ngGinawang Katatakutan

Akin silang pababayaan upang mapahapay na paroo't parito sa gitna ng lahat na kaharian sa lupa sa ikasasama; upang maging kakutyaan at kawikaan, kabiruan at sumpa, sa lahat ng dakong aking pagtatabuyan sa kanila.

962
Mga Konsepto ng TaludtodSalot, MgaTaggutom na Mula sa DiyosDiyos na Nagbigay ng LupainPapatayin ng Diyos ang Kanyang Bayan

At aking pararatingin ang tabak, ang kagutom, at ang salot, sa gitna nila, hanggang sa sila'y mangalipol sa lupain na ibinigay ko sa kanila at sa kanilang mga magulang.

1054
Mga Konsepto ng TaludtodMinamasdan at Nakikita

Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon sa akin, Anong iyong nakikita, Jeremias? At aking sinabi, Mga igos; ang mga mabuting igos, totoong mabuti; at ang masasama, totoong masama na hindi makakain, dahil sa nangapakasama.

1211

At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsabi,

1364
Mga Konsepto ng TaludtodNakaligtas sa Israel, MgaMasamang Bagay

At kung paanong ang masasamang igos, na hindi makakain, dahil sa nangapakasama, tunay na ganito ang sabi ng Panginoon, Sa gayo'y pababayaan ko si Sedechias na hari sa Juda, at ang kaniyang mga prinsipe, at ang nalabi sa Jerusalem, na naiwan sa lupaing ito, at ang nagsisitahan sa lupain ng Egipto.