Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Jeremias 23

Jeremias Rango:

12
Mga Konsepto ng TaludtodDavid, Espirituwal na Halaga niMga Sanga, Paglalarawan sa MessiasKarunungang Kumilala, Katangian ngCristo, Ang Binhi ni CristoNalabiPangalan at Titulo para kay CristoCristo, Mga Pangalan niMessias, Propesiya tungkol saCristo na ating KatuwiranKatuwiran ni CristoPamumuno, Katangian ng

Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ako'y magbabangon kay David ng matuwid na Sanga, at siya'y maghahari na gaya ng hari, at gagawang may kapantasan, at magsasagawa ng kahatulan at kaganapan sa lupain.

49
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na NakikinigNakapanliligaw na Panaginip, MgaPropesiyaPropeta, Mga

Aking narinig kung ano ang sinabi ng mga propeta, na nanganghuhula ng mga kasinungalingan sa aking pangalan, na nangagsasabi, Ako'y nanaginip, ako'y nanaginip.

99
Mga Konsepto ng TaludtodKatigasang PusoPanlilinlang na Gawa ng mga Bulaang GuroSatanas bilang ManlilinlangBago Kumilos ang Taong-BayanPagsisinungaling at Panloloko

Hanggang kailan masusumpungan ito sa puso ng mga propeta na nanganghuhula ng mga kasinungalingan; sa makatuwid baga'y ng mga propeta na nanganghuhula ng daya ng kanilang sariling puso?

115
Mga Konsepto ng TaludtodNakapanliligaw na Panaginip, Mga

Na nagaakalang magpalimot sa aking bayan ng aking pangalan sa pamamagitan ng kanilang mga panaginip na sinasaysay ng bawa't isa sa kanila sa kaniyang kapuwa, gaya ng kanilang mga magulang na nakalimot ng aking pangalan dahil kay Baal.

135
Mga Konsepto ng TaludtodKasinungalinganNakapanliligaw na Panaginip, MgaInililigawDiyos na Hindi NagsusugoPanaginip at mga Bulaang Propeta

Narito, ako'y laban sa kanila na nanghuhula ng mga sinungaling na panaginip, sabi ng Panginoon, at sinasaysay, at inililigaw ang aking bayan sa pamamagitan ng kanilang mga kasinungalingan, at sa pamamagitan ng kanilang walang kabuluhang kahambugan: gayon man ay hindi ko sinugo sila, o inutusan ko man sila; at hindi man pinakikinabangan nila ang bayang ito sa anomang paraan, sabi ng Panginoon.

195
Mga Konsepto ng TaludtodGanap na KatotohananKatapatan sa Pakikitungo sa TaoDayamiIpaNakapanliligaw na Panaginip, MgaWalang Kaugnayan na mga BagayPagsasalita na Galing sa Diyos

Ang propeta na nanaginip, ay magsaysay siya ng isang panaginip; at siyang nagtamo ng aking salita, salitain niya ang aking salita na may pagtatapat. Ano ang dayami sa trigo? sabi ng Panginoon.

198
Mga Konsepto ng TaludtodPagaangkinHuwad na mga Kaibigan

At tungkol sa propeta, at sa saserdote, at sa bayan, na magsasabi, Ang hula na mula sa Panginoon, ay akin ngang parurusahan ang lalaking yaon at ang kaniyang sangbahayan.

256
Mga Konsepto ng TaludtodKahihiyanKahihiyanHindi KinakalimutanDiyos na Humihingi sa Kanila

At ako'y magpaparating ng walang hanggang kakutyaan sa inyo, at walang hanggang kahihiyan, na hindi malilimutan.

263
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Sinagot ng

Ganito ang iyong sasabihin sa propeta, Ano ang isinagot sa iyo ng Panginoon? at, Ano ang sinalita ng Panginoon?

380
Mga Konsepto ng TaludtodKalapitan sa DiyosDiyos na Nasa MalayoDistansya

Ako baga'y Dios lamang sa malapit, sabi ng Panginoon, at hindi Dios sa malayo?

383
Mga Konsepto ng TaludtodPropeta, Mga

Narito, ako'y laban sa mga propeta, sabi ng Panginoon, na nagsisipagsalita, at nangagsasabi, Kaniyang sinasabi.

384
Mga Konsepto ng TaludtodPinuno, Mga Espirituwal naMasamang mga PropetaMga Taong Hindi Malinis

Sapagka't ang propeta ay gayon din ang saserdote ay marumi; oo, sa aking bahay ay nasumpungan ko ang kanilang kasamaan, sabi ng Panginoon.

388

At pagka ang bayang ito, o ang propeta, o ang saserdote ay magtatanong sa iyo, na magsasabi, Ano ang hula na mula sa Panginoon? iyo ngang sasabihin sa kanila, Anong hula! Aking itatakuwil kayo, sabi ng Panginoon.

409

Nguni't kung inyong sabihin, Ang hula na mula sa Panginoon; ganito nga ang sabi ng Panginoon: Sapagka't inyong sinasabi ang salitang ito, Ang hula na mula sa Panginoon, at ako'y nagsugo sa inyo, na sinabi ko, Huwag ninyong sasabihin, Ang hula na mula sa Panginoon;

412
Mga Konsepto ng TaludtodKagamitanKagamitan ng KarpenteroMartilyo, MgaHinating BatoApoy ng Salita ng DiyosAng Salita ng DiyosPagbulusok

Hindi baga ang aking salita ay parang apoy? sabi ng Panginoon; at parang pamukpok na dumudurog ng bato?

426
Mga Konsepto ng TaludtodBulaang mga Propeta, Pagtanggi saHuwag MagnakawPlagiarismo

Kaya't narito, ako'y laban sa mga propeta, sabi ng Panginoon, na ninanakaw ng bawa't isa ang aking mga salita sa kaniyang kapuwa.

427
Mga Konsepto ng TaludtodPagasa, Katangian ngPakikinigBulaang mga PropetaPangitain, MgaSalita ng DiyosBulaang Katuruan, Pagiwas saBulaang PagasaWalang PangitainHuwag Makinig!Propeta na Hindi Sinugo, MgaBulaang mga Apostol, Propeta at GuroPropesiyaImahinasyon

Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Huwag ninyong dinggin ang mga salita ng mga propeta na nanganghuhula sa inyo: sila'y nangagtuturo sa inyo ng walang kabuluhan; sila'y nangagsasalita ng pangitain ng kanilang sariling puso, at hindi mula sa bibig ng Panginoon.

437
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapalakas-Loob, Halimbawa ngImmoralidad, Halimbawa ng Sekswal naSodoma at GomoraManggagawa ng KasamaanMasamang mga PropetaYaong mga Gumawa ng Pangangalunya

Sa mga propeta ng Jerusalem naman ay nakita ko ang kakilakilabot na bagay: sila'y nangangalunya, at nagsisilakad sa mga kasinungalingan; at kanilang pinalalakas ang mga kamay ng mga manggagawa ng kasamaan, na anopa't walang humihiwalay sa kaniyang kasamaan: silang lahat ay naging parang Sodoma sa akin, at ang mga nananahan dito ay parang Gomorra.

447
Mga Konsepto ng TaludtodMabunga, Natural naPatnubay ng Diyos, Halimbawa ngTinipon ng DiyosMga Taong DumaramiPagtitiponMabunga, PagigingAko

At aking pipisanin ang nalabi sa aking kawan mula sa lahat na lupain na aking pinagtabuyan sa kanila, at aking dadalhin sila uli sa kanilang mga kulungan; at sila'y magiging palaanak at magsisidami.

475
Mga Konsepto ng TaludtodKasawianAlkoholPagkataloAlakTauhang Nanginginig, MgaSugatang PusoPuso, Sugatang

Tungkol sa mga propeta. Ang puso ko sa loob ko ay bagbag, lahat kong buto ay nanginginig; ako'y parang langong tao, at parang taong dinaig ng alak, dahil sa Panginoon, at dahil sa kaniyang mga banal na salita.

476
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos ay Buhay at Umiiral sa Sarili

At ang hula na mula sa Panginoon ay hindi na ninyo babanggitin pa: sapagka't bawa't sariling salita ng tao ay magiging kaniyang hula; sapagka't inyong binago ang mga salita ng buhay na Dios, ng Panginoon ng mga hukbo na ating Dios.

502
Mga Konsepto ng TaludtodKagantihanNangakalat Gaya ng mga Tupa

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, laban sa mga pastor na nangagpastol ng aking bayan, Inyong pinangalat ang aking kawan, at inyong iniligaw sila, at hindi ninyo sila dinalaw; narito, dadalawin ko sa inyo ang kasamaan ng inyong mga gawa, sabi ng Panginoon.

524
Mga Konsepto ng TaludtodTumatakboTumatakbo tungo sa MasamaDiyos na Hindi NagsusugoPropeta na Hindi Sinugo, MgaBulaang mga Apostol, Propeta at GuroMatinding KahibanganPropeta, Mga

Hindi ko sinugo ang mga propetang ito, gayon ma'y nagsitakbo sila: ako'y hindi nagsalita sa kanila, gayon ma'y nanghula sila.

533
Mga Konsepto ng TaludtodIpataponPinalayas mula sa Presensya ng DiyosDiyos na Lumilimot

Kaya't, narito, aking lubos na kalilimutan kayo, at aking itatakuwil kayo, at ang bayang ibinigay ko sa inyo at sa inyong mga magulang, mula sa aking harapan:

539
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Sinagot ng

Ganito ang sasabihin ng bawa't isa sa inyo sa kaniyang kapuwa, at ng bawa't isa sa kaniyang kapatid, Ano ang isinagot ng Panginoon? at, Ano ang sinalita ng Panginoon?

572
Mga Konsepto ng TaludtodMasamang PananalitaKatuyuanKapangyarihan ng TaoSinusumpaTuyong mga LugarLuging Balik sa KapangyarihanPanunumpaAbusoSapat na Gulang

Sapagka't ang lupain ay puno ng mga mangangalunya; sapagka't dahil sa sumpa ay tumatangis ang lupain; ang mga pastulan sa ilang ay natuyo. At ang kanilang lakad ay masama, at ang kanilang lakas ay hindi matuwid.

584
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos bilang PastolPagpapakain sa mga TupaLahat ng TaoYaong Hindi NatatakotMay Isang Nawawala

At ako'y maglalagay ng mga pastor sa kanila na kakandili sa kanila; at hindi na sila matatakot, o manglulupaypay pa, o kukulangin ang sinoman sa kanila, sabi ng Panginoon.

627
Mga Konsepto ng TaludtodPagsasalita ng Ibinigay na Salita ng Diyos

Nguni't kung sila'y nanayo sana sa aking payo, kanila ngang naiparinig ang aking mga salita sa aking bayan, at kanilang naihiwalay sa kanilang masamang lakad, at sa kasamaan ng kanilang mga gawa.

647
Mga Konsepto ng TaludtodPatnubay ng Diyos, Pangangailangan saBulaang mga Propeta, Halimbawa ngInililigawTagasunod ni BaalPropeta ng mga Diyus-diyusan, Mga

At nakita ko ang kamangmangan sa mga propeta ng Samaria; sila'y nanganghuhula sa pamamagitan ni Baal, at inililigaw ang aking bayang Israel.

656

Kaya't narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na hindi na nila sasabihin, Buhay ang Panginoon, na nagahon ng mga anak ni Israel mula sa lupain ng Egipto;

663
Mga Konsepto ng TaludtodLasonMapait na PagkainMasamang mga PropetaKapaitanPropeta, Mga

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo tungkol sa mga propeta, Narito, aking pakakanin sila ng ajenjo, at paiinumin ko sila ng inuming mapait, sapagka't mula sa mga propeta ng Jerusalem ay lumabas ang pagdudumi sa buong lupain.

677
Mga Konsepto ng TaludtodKaparusahan, Legal na Aspeto ngPagbabalik Mula sa Hilaga

Kundi, Buhay ang Panginoon, na nagahon at pumatnubay sa angkan ng binhi ng Israel mula sa hilagaang lupain, at mula sa lahat ng lupain na aking pinagtabuyan sa kanila. At sila'y magsisitahan sa kanilang sariling lupain.

695
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Panukala ngPatnubay, Mga Pangako ng Diyos naPuso ng DiyosKaunawaanGalit ng Diyos, Kalikasan ngPaninindiganWastong Pagkakaunawa

Ang galit ng Panginoon ay hindi mapaparam, hanggang sa kaniyang magawa, at hanggang sa kaniyang maisagawa ang haka ng kaniyang puso: sa mga huling araw ay lubos ninyong mauunawa.

711
Mga Konsepto ng TaludtodSalita ng DiyosPakikinig sa Diyos

Sapagka't sinong tumayo sa payo ng Panginoon, upang makamalas at makarinig ng kaniyang salita? sinong nakinig ng aking salita, at nakarinig?

765
Mga Konsepto ng TaludtodBagyo, MgaLagay ng Panahon bilang Hatol ng DiyosIpoipoBagyo, MgaDiyos na Kontrolado ang Bagyo

Narito, ang bagyo ng Panginoon, ang kaniyang kapusukan, ay lumabas, oo, ipoipong bagyo: babagsak sa ulo ng masama.

802
Mga Konsepto ng TaludtodBulaang TiwalaBulaang mga PropetaSariling KaloobanWalang KapayapaanImahinasyon

Kanilang sinasabing lagi sa kanila na nagsisihamak sa akin, Sabi ng Panginoon, Kayo'y mangagkakaroon ng kapayapaan; at sa bawa't isa na lumalakad sa katigasan ng kaniyang sariling puso ay sinasabi nila, Walang kasamaang darating sa inyo.

987
Mga Konsepto ng TaludtodTaon, MgaAng Kawalang Katiyakan ng MasamaPaglalakad sa KadilimanAng Araw ng KahatulanMadulasDiyos na Naghahain ng KasoDiyos, Maghahatid ng Pinsala angLandas, Mga

Kaya't ang kanilang daan ay magiging sa kanila'y parang mga madulas na dako sa kadiliman: sila'y isusudlong, at mangabubuwal doon; sapagka't ako'y magpaparating ng kasamaan sa kanila, sa makatuwid baga'y sa taon ng pagdalaw sa kanila, sabi ng Panginoon.